10

11 5 2
                                    

"Girl, bakit hindi mo kaya i-try gumawa ng writer's account

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Girl, bakit hindi mo kaya i-try gumawa ng writer's account. Iyong anonymous. Para hindi ka mahuli ng pinsan mo," sabi ni Aya sa 'kin.

Nakahalumbaba lang ako sa harap ng laptop. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong naisusulat kahit na may outline naman na akong nakahanda. Hindi ko feel magsulat ngayon.

Ilang araw na ba akong ganito?

Nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Nakakatamad gumalaw. Mas gusto ko na lang matulog palagi.

"Tulala ka nanaman. Ba't ba kasi ayaw mong sabihin sa 'kin kung may problema ka ba? Alam mo namang puwede mong sabihin sa 'kin lahat, e."

Kung madali lang sana.

Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako naging ganito these past few days, e. Nakakainis kasi baka makasanayan ko na. Hindi lang kaya drugs ang nakaka-adik, pati rin ang katamaran!

"Pero ano? Pag-isipan mo 'yung sinabi ko. Tutal nakayanan mo naman ng banggain 'yang pinsan mo bakit hindi mo rin i-try ipursue iyong talagang pangarap mo noong simula pa lang. Kausapin mo si Guinelle na bawasan iyong araw na kailangan mong mag-update sa kanya kasi busy ka na. Kung hindi siya papayag edi huwag mo pa ring sundin," Tumawa siya, "Ang bright ng idea ko 'no?"

Napailing ako sa kanya. "Ewan ko sa 'yo," sagot ko saka niligpit ang mga notebook at nilagay sa tote bag. Sinara ko na rin ang laptop. Nagsayang lang ako ng battery kasi hindi ko rin naman nagalaw iyon.

May laboratory kami ngayon. Parang na-miss ko 'yong ganitong excitement sa isang bagay na ilang araw ko ring hindi naramdaman. Magluluto na kaya kami ngayon? First time ko lang din magla-lab ngayon kaya nae-excite talaga ako sa gagawin namin mamaya.

"Pasok na 'ko," paalam ko kay Aya na nag-aayos pa ng mukha. Kinuha ko na ang tote bag sa mesa at aalis na nang biglang tumayo si Aya at nagmadaling kinuha ang bag niya sa kama.

"Sama na ako." Ngumiti siya sa 'kin kaya tumango na ako.

Sabay kaming naglakad papunta sa campus street at doon naghiwalay kasi magkaiba kami ng department. Dumaan muna ako sa classroom kasi nasa may locker iyong uniform na pamalit ko. Pagkabihis ay dumiretso ako sa may HM laboratory sa first floor ng building at buti na lang talaga dahil wala pa si ma'am pagkapasok ko. Nakaka-imbyerna kayang teacher 'yon! Kapag late ka pagsusulatin ka sa bond paper nang hindi ka na ulit male-late tapos back to back pa. Grabe! Pero kapag siya naman na-late hindi naman siya nagawa ng sarili niyang gano'n! Daya.

Akala ko magluluto na kami agad pero akala lang pala 'yon. Ano ba 'yan! Nawala tuloy yong excitement ko. Pansin ko rin iyong dissapointment sa mukha ng iba kong classmate nang bumalik kami sa classroom. Sana hindi na lang kami nagbihis! Nag-discuss lang naman si ma'am tungkol sa mga utensils at iba't ibang gamit nito. Pinagod pa kami.

Nang mag-uwian ay umuwi na agad ako sa dorm. Nag-text pa sa 'kin si Aya na nagyayaya sila Kaizo gumala ngayon pero sinabi ko na lang na may gagawin ako. Kaizo also texted me, tinatanong kung nasaan ako at kung dismissal na ba namin pero hindi ko siya nireply-an. I don't feel like talking with him again.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon