13

16 5 5
                                    

"Ha?" Napatingin ako sa kanya, gulat dahil sa napaka-straight forward niyang tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ha?" Napatingin ako sa kanya, gulat dahil sa napaka-straight forward niyang tanong.

"I mean, sinabi nila Julius na pinuntahan mo raw ako sa gate no'n. Nakita mo ba kami ni Miss Guin?" maingat niyang tanong na para bang ika-ooffend ko kung itatanong niya 'yon.

Nag-iwas ako ng tingin. Akala ko ba may gala kami? Saka bakit dito kami sa gitna ng kalsada nag-uusap?

Iniiwasan ko na nga ring isipin 'yon kasi hindi naman big deal sa 'kin. Ano ngayon kung sila na? Kung nagliligawan sila? Pake ko ba?

"Pumunta nga ako ro'n kasi sabi nila may sasabihin ka raw kaso pagdating ko wala kana kaya bumalik na lang ako." I shrugged, "Diba aalis tayo? Tara na."

Nagsimula na akong maglakad at hindi na siya hinintay. Malapit naman na iyong gazeebo sa kinaroroonan ko kaya ilang lakad lang ay natanaw ko na silang apat na nag-uusap. Si Frank iyong unang nakakita sa 'kin. Kinalabit niya sila Tophe kaya nagsilingon sa 'kin iyong iba.

Mukhang nakasunod din si Kaizo kasi tumingin sila sa bandang likuran ko.

"Ang tagal niyo namang nag-usap," sabi ni Aya pagkalapit ko.

"Oo nga. Magka-away ba kayo? Kaya siguro hindi sumasama sa 'tin itong si Colette kasi inaway mo siguro Kaizo no?" pang-aasar ni Julius pero tipid ko lang siyang tinawanan.

Lumingon ako kay Kaizo. Seryoso lang iyong mukha niya nang magtama ang tingin namin kaya umiwas agad ako ng tingin. Totoo namang iniiwasan ko siya pero parang ang OA naman kung aaminin ko sa kanya diba?

Saka bakit ba parang bothered siya kung hindi na kami masyadong nag-uusap? Siya kaya itong unang umiwas sa 'kin! Porke may lovelife na kinakalimutan na iyong friendship? Ang pangit!

We decided to eat first sa Chowqueen dahil gabi pa naman daw magbubukas ang pupuntahan namin. Sila Kaizo at Julius iyong nag-order kaya nang pabalik sila, nakita kong nakatingin na agad si Kaizo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Buti na lang at dumaan si Julius sa harap ko kaya agad ko siyang hinila. Gulat na gulat tuloy si Julius at halos matumba na sa upuan kung hindi ko lang siya nahawakan sa likod.

Ramdam kong natigilan si Kaizo kasi nakatayo pa rin siya pero hindi ko siya nilingon.

"Aray ko naman Colette. Bigla bigla ka na lang nanghihila diyan! Sana sinabi mo na dito na lang ako umupo, uupo naman ako. Grabe, ang sadista rin pala nito. Nahawa ka kay Aya 'no?" sabi ni Julius na tinawanan nila Cristopher.

"Bakit ba lagi na lang akong nadadamay dito ha!" singhal ni Aya at saka mahinang pinalo ang likod ni Julius na agad nagreklamo.

Tinawanan ko lang ang kakulitan nila. Kaizo on the other hand sits on the chair besides Frank. Iniwasan kong mapatingin sa kanya the whole time na kumakain kami, kung aksidente mang tumama ang mata sa kanya ay hindi naman siya nakatingin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Behind The Words (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon