Dahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan.
Dahil din dito, makikilala niya si Ka...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sobrang sakit ng ulo ko paggising ko. Buti na lang at tulog na si Aya kagabi kaya malaya kong nailabas ang sama ng loob ko nang tahimik. Kaso nga lang, pagtingin ko ngayon sa salamin ay sobrang maga ng mata ko kaya hindi ko alam kung paano lalabas ng banyo.
Ayokong sabihin kay Aya iyong nangyari kahapon. Masyado na akong nagiging pabigat sa kanya. Siguradong marami rin siyang problemang iniisip kaya ayoko ng dumagdag. Kaya ko naman ihandle 'to mag-isa. Ayos na sa 'kin iyong alam kong nandiyan si Aya para pagaanin ang loob ko. Ayoko ng idamay siya sa sarili kong problema.
"Kain na tayo? Oh!" Umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalata iyong mata ko pero mukhang kita niya pa rin.
Rinig kong tinigil niya ang ginagawa at lumapit sa akin para hawakan ang mukha ko at iharap sa kanya.
"Umiyak ka ba? Anong nangyari?" worried niyang tanong.
"Madami lang akong iniisip kagabi." Nag-iwas ako ng tingin.
"Sinaktan ka ba ng pinsan mo?"
Umiling ako para hindi na lalong mag-alala si Aya. Sa totoo lang ay masakit pa rin ang likod ko dahil sa ginawang panunuhod ni Guinelle. Tiniis ko na lang iyong sakit kagabi hanggang sa makatulog ako.
"Eh bakit may kalmot ka rito?" Nanlaki ang mata ko at agad napaatras nang hawakan ni Aya ang braso ko.
Mabilis kong tinakpan iyon gamit ang kamay ko at nagbaba ng tingin sa sahig, takot na salubungin ang mata ni Aya. "Kain na tayo. Gutom na ako, e. Tapos ka naba magluto?" Pag-iiba ko ng usapan.
Pinakatitigan pa ako ni Aya nang ilang segundo bago bumuntong hininga at dumiretso sa sink para kumuha ng plato. Iginilid ko naman ang mga gamit na nakapatong sa mesa dahil baka marumihan. Halos puro notebooks at papers kasi 'yon. Mga writing materials ni Aya. Hindi na siguro niya naligpit kagabi dahil sa antok.
Tumulong ako sa pagbitbit ng mga pagkain sa lamesa. Hotdog at ham ang niluto ni Aya for breakfast at mukhang bagong saing lang din ang kain dahil umuusok pa.
"Pinadelete ba niya 'yang account mo?" seryosong tanong ni Aya habang naglalagay ng kanin sa plato niya.
Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga bago kunin ang bandehado at naglagay na rin ng kanin sa plato ko. "Oo kaso hindi niya rin naman ako napilit."
Tumitig sa 'kin si Aya. Halata sa mukha niya na gusto pa niyang magtanong pero umiling lang siya at tinuon na lang ang atensyon sa pagkuha ng ulam. I pursed my lips. Sa totoo lang ay kinakabahan pa rin ako ngayon dahil baka guluhin nanaman ako ni Guinelle. Paano kung puntahan niya ako rito sa dorm? Hindi naman mahirap hanapin ang unit namin dahil alam ni Guinelle kung saan ako nags-stay.
Wala pa ring imik si Aya hanggang sa matapos kaming kumain at mailigpit ang napagkainan. May lakad ata siya ngayon dahil dumiretso agad siya sa banyo para maligo. Linggo ngayon. Wala kaming pasok kaya maipapahinga ko rin ang sakit ng katawan ko.