"Dapat wala pang one minute nakabalik na kayo rito ha! Iiwan ko kayo kapag wala pa kayo."
Nagising ako mula sa pagkaka-idlip nang maramdaman kong huminto ang van. Pagtingin ko sa harap ay wala na silang lahat maliban kay Julius na busy sa pagce-cellphone. Tumingin ako sa tabi ko at nakitang wala na rin si Kaizo. I glanced at my wristwatch and saw that it's been 2 hours simula nang makaalis kami sa dorm.
Nasaan na kaya kami? Malapit na siguro. Medyo sumisikat na rin ang araw sa labas kaya siguradong nasa Cavite na kami.
"Sabi ko one minute lang, e." Reklam ni Julius kaya napatingin ako sa rearview mirror at ssaktong nagtama ang tingin naming dalawa. Humarap ang ulo niya sa gawi ko. "Gising kana pala. Gusto mo bang mag-cr muna?"
Umiling ako. Hindi naman ako pala-cr sa biyahe. Ang madalas ko lang talagang problema ay ang pagsakit ng tiyan at pagkahilo kaya everytime na buma-biyahe ako ay nagbabaon ako ng cup noodles para hindi sumakit ang tiyan ko.
"Gusto mo?" Inalok ni Aya iyong chips na kinakain niya pero umiling lang ako at ngumiti sa kanya.
Gusto ko ng kumain! Kaso kanin at ulam ang gusto ko. Baka sumakit ang tiyan ko sa chichirya.
"Hindi kana matutulog ulit?" Napatingin ako kay Kaizo na nasa tabi ko at naglalaro ng ml.
"Hindi na. Mamayang gabi na ulit," sagot ko bago tumingin sa labas ng bintana. Hindi ako makapagsulat dahil baka magtanong si Kaizo kaya naman kailangan kong tandaan na lang lahat ng puwede kong magamit sa story ko.
Pagkarating namin sa resort ay dumiretso agad kami sa mga kuwarto namin. Hinatid kami nila Kaizo at Cristopher dahil kinulit nila kami ni Aya at kinuha ang mga bag namin, kahit na ang gagaan lang naman no'n. Magkakalapit lang ang kuwarto naming lahat. Magkasama kaming dalawa ni Aya sa isang room, habang si Kaizo at Cristopher tapos si Julius at Frank naman ang magkaka-partner sa dalawa pang room.
"Ang sweet naman ng bebe Kaizo na 'yan. Alam mo bang pinagdadahan dahan niya mag-drive si Julius kanina dahil baka raw magising ka! Sana all diba?" chismis ni Aya habang inaayos namin ang mga gamit namin sa loob. Over night lang naman kami rito kaya nagkasundo kaming dalawa na magdala ng tatlong pares ng damit.
Ayan nanaman si Aya sa pang-aasar niya sa 'min ni Kaizo! Hanggang kailan ba dedemonyohin ni Aya ang utak ko?
Magkaibigan lang kami.
Paano kung nature lang talaga ni Kaizo ang gano'n tapos dahil sa kaaasar ni Aya ay magkaroon ng malisya sa isip ko. Edi nagmukha naman akong assuming nito?
Kahit naman sa lahat ay mukhang sweet talaga at thoughtful 'tong si Kaizo.
Biglang may kumatok sa pinto kaya agad akong tumayo para buksan iyon. Nakangiting mukha agad ni Kaizo ang unang nakita ko.
"Tapos na kayong mag-ayos?" tanong niya at bahagyang sumilip sa loob.
Tumingin ako sa loob at nakitang ngumisi sa akin si Aya kaya naman umikot ang mata ko sa kanya. Hindi ba niya narinig na kaming dalawa ang tinatanong? Baka mamaya ay bigyan nanaman niya ng malisya 'yan!
BINABASA MO ANG
Behind The Words (COMPLETED)
ChickLitDahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan. Dahil din dito, makikilala niya si Ka...