Dahil sa utang na loob na mayroon si Colette sa pamilya ng pinsan niya ay pumayag siyang maging ghost writer ng mga novel nito na siyang naging tanyag at nag-angat kay Guinelle, ang pinsan sa rurok ng kasikatan.
Dahil din dito, makikilala niya si Ka...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bakit ba balik ka nang balik do'n? Hindi ba masaya childhood mo kaya doon ka laging napunta para maglaro?"
Binatukan ko si Julius. Ang sarap sarap ng tulog ko kanina sa may padulasan tapos bigla biglang nanggugulat. Ang sakit tuloy ng ulo ko! Ang solid nung bakal, e.
"Bakit kasi doon ka natutulog, pre? Puwede naman dito na lang sa loob," sabi ni Frank.
"Bakit ba mas marunong pa kayo sa trip ko? Kayo na lang kaya ako!"
"Bakit naninigaw?" sigaw ni Julius.
Hindi ko na sila pinansin. Pakiramdam ko kulang na kulang pa iyong tulog ko. Nakakainis na story naman kasi 'yon! Sabi ko matutulog na ako e, kaso sobrang exciting ng mga pangyayari hanggang sa hindi ko namalayang natapos ko na pala iyong story.
Nahihiya naman akong sabihin sa mga kaibigan ko na nagbabasa ako ng wattpad dahil malamang aasarin akong bakla ng mga 'yon.
Kinabukasan ay bumalik ulit ako ro'n sa playground para matulog. Tahimik kasi rito at tuwing may event lang sa school nagagamit kaya dito ko gustong tumambay.
Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang phone ko at tahimik na nag-scroll sa facebook. Kasali ako sa group page ni Miss Guin kaya madalas akong makihalubilo sa iba kong kapwa readers gamit ang dump account ko.
Oo nga pala, next week na ang book signing. Kailangan ko ng kunin kay mama ang allowance ko para makabili ako ng libro. Nice. Makikita ko na rin sa wakas si Miss Guin.
May narinig akong bumuntong hininga kaya dahan dahan akong sumilip sa ibaba ng slide. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng may kahabaan ang buhok. Nakatalikod siya sa akin kaya kahit gusto ko mang silipin ang mukha niya ay hindi ko makita. Hawak niya 'yong laptop niya at mukhang may sinusulat.
Hindi naman ako chismoso pero curious ako sa identity niya kaya binasa ko iyong sinusulat niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang iyong on-going na story ni Miss Guin ang sinusulat niya sa laptop.
Shet! Si Miss Guin ba 'to?
Bababa na sana ako para lapitan siya kaso biglang nag-ring iyong phone niya.
"Hello. Oo. Wala akong maisip. Ang sabaw nga ng utak ko, e. Oo sige aakyat na ako."
Hindi ko na tuloy natuloy iyong pagpapakilala sa kanya kasi tumayo na agad siya at umalis.
Late ako sa book signing. Kasi naman si mama! Ang dami dami pang pinapagawa bago ibigay sa akin iyong allowance ko! Wala rin akong dalang libro kasi next week pa made-deliver iyong in-order ko sa online shop.
May nakabangga akong babae. Siya 'yon! Naalala ko iyong mata niya, pati iyong buhok niya. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko iyong author. Kaso bakit gano'n? Kung siya iyong nagsusulat bakit iba iyong lumalabas na author? Ano ba kasing tawag sa gano'n? Iyong may taga-sulat? Ah basta search ko na lang mamaya.