#1

4.2K 73 0
                                    

"Alpha!" isang tauhan ang tumawag mula sa labas ng silid ng lalaking nakatalikod at umiinom ng alak habang nakatingin sa buwan. Tumigil siya nang marinig ang pagtawag ng kaniyang tauhan.

"Pasok." baritono ang kaniyang boses at talagang mahihimigan ang awtoridad sa boses nito. Marinig mo pa lamang ang boses niya ay nakapanghihina na at magbibigay kilabot sa buong katawan.

Sumunod ang tauhan at agad binuksan ang pintuan at pumasok.

"May nahuli po ang ating tauhan sa kagubatan na isang taong lobo." pag-uulat nito sa lalaki. "Hindi po ito kabilang sa pack natin." pagpapatuloy nito.

"Bring him in the dungeon. I'll have a few words with him. Tawagin mo na si Sawyer." sabi pa niya kaya yumuko ang tauhan at pumanhik na palabas ng silid. Tumayo ang Alpha at nag-unat unat. Maririnig ang pagtunog ng buto at makikita ang pagbabago ng kulay ng mata nito mula sa itim na naging ginto.

"His scent is different." tukoy nito sa lalaking dinadala na panigurado sa kulungan.

____________

"Mason!" hindi na kinailangan pang lumingon ng Alpha sa tumawag sa kaniyang pangalan dahil base sa amoy at boses nito ay sigurado na siyang si Sawyer na iyon. Sumabay ito sa kaniyang paglalakad patungo sa bilangguan. "Ano itong narinig ko? May nahuli na namang taong-lobo sa kagubatan?"

"Don't state the obvious, Sawyer." balewalang tugon ng Alpha. Lumiko sila sa isang pasilyo at pumasok sa isang pinto. Pagbukas ng pintong iyon ay isang hagdan pababa ang bumungad sa kanila. Madilim ang makipot na daan patungo sa ibaba ngunit hindi nila iyon inalintana. Tinahak nila ang daanan at naaninaw na nila ang mga selda kung saan nakakulong ang mga taong-lobo.

Hindi binalingan ng tingin ni Mason ang mga lobong nasa selda bagkus ay nagtuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad patungo sa dulong selda. Ito ang bukod-tangi sa pwesto nito sapagkat ito ay wala sa kanan at kaliwa. Ito ay sa gitna ang kinalalagyan at iyon ang pinakamadilim na parte. Kaunting siwang ng liwanag na nagmumula lamang sa buwan ang tanging nagbibigay ng mumunting liwanag. Ngunit ilap ang mga tauhan dito dahil sa dilim at hindi masyadong maaninaw ang parteng iyon.

Tumigil sila ni Sawyer sa tapat nito at doon ay natagpuan ang isang lalaking nakaupo sa sahig habang nakapatong ang dalawang braso sa magkabilang tuhod nito. Nakayuko ang ulo nito at hindi tumitingin sa kanila kahit ramdam ang presensya nilang dalawa. Sira rin ang damit nito, marahil ay dahil sa pagpapalit-balat.

Namangha ang Alpha dahil ang amoy nito ay hindi pamilyar sa kaniya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng mangha at panganib sa mga oras na ito. Halos nakilala na niya ang lahat ng pack sa buong bansa ngunit ang isang ito ay hindi pamilyar. Bago sa kaniyang pang-amoy ang pack na pinanggalingan nito.

"Where did you came from?" he asked but the man didn't answer. Nanatili itong nakayuko at tila walang balak sagutin ang kahit na anong itatanong nila.

Kaagad umakyat ang dugo sa ulo ni Mason at nawalan kaagad ng pasensya sa lalaking nasa loob ng kulungan dahil ang ayaw niya sa lahat ay ang hindi siya sinasagot ng kinakausap niya. Tumalas ang kaniyang mga kuko at hinablot ang sira nitong damit. Lalong napunit ang damit na suot ng lalaki ngunit hindi ito nakitaan ng kahit anong paglaban.

Tumama ang mukha at dibdib ng lalaki sa rehas ng kulungan na nakalikha ng nakabubulabog na ingay  na umalingawngaw sa buong kulungan, ngunit nanatili itong nakayuko. Hindi man lang nagpakita ng anumang ekspresyon bilang senyales na ito'y nasaktan.

"Tila hinihiling mo na ang maaga mong kamatayan..." May halong panggigigil ang tinig ni Mason. Naramdaman iyon ni Sawyer kaya maingat niyang hinawakan ang balikat ng Alpha upang ito ay mapakalma.

"Mason, sa tingin mo madadaan mo sa dahas ang mga ganitong bagay?" seryoso nitong saad at nagbago na rin ang kulay ng mata. Mula sa itim ay naging ginto ang mga ito.

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon