#24

1.1K 43 0
                                    

Hindi maialis ni Mason ang pagkamangha habang nakatingin sa puting lobo sa kaniyang harapan. Ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Catiana ang anyong lobo niya. Mas malaki ito kumpara sa kaniya noong hindi pa siya ikinakasal kay Catiana ngunit sigurado siyang ganoon na rin ang laki niya kapag siya'y nagpalit ng anyo.

"Ikaw nga ang nakamana ng kapangyarihan at sumpa ni Castriel." Isang halakhak ang kumawala sa bibig ni Lincoln bago ito nagseryoso. Alam niyang paparating na ang ibang mga Alpha at mga anak ng mga sinaunang lobo. Kailangan na niyang tapusin ang laban na ito. " Mamamatay ka rin katulad ng ginawa ko sa pinanggalingan ng kapangyarihang iyan." Napantig ang tenga ni Catiana sa narinig.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Cassandra. Nagulat pa si Mason dahil tila nakalimutan niya ang presensya ng dalaga doon.

"Akala niyo ba ay namatay sa sumpa si Castriel?" Muling humalakhak si Lincoln. "Nakainom siya ng tubig sa batis ng Mountain of Luna. Masyado na siyang balakid sa mga plano ko kaya tinapos ko na ang buhay niya."

"Papaanong mangyayari iyon? Malakas at makapangyarihan si Castriel! Hindi maaaring basta basta mo na lamang siya mapapaslang!" Nagdududang saad ni Cassandra.

"Sa aming apat na sinaunang lobo, si Castriel ang may malambot na puso. Masyado siyang uto-uto at maawain kaya ayan! Madaling napaslang." Nakangising wika ni Lincoln.

Nagpakawala ng mabangis na tunig si Catiana dahil sa narinig. Ang nakasulat sa libro at ang pagkakaalam ng buong angkan ay namatay si Castriel sa sumpa. Lahat pala ng iyon ay isang malaking kasinungalingan lamang na pinalabas lamang ni Lincoln Ledger upang maisagawa niya ng walang nagsususpetya ang kaniyang mga masasamang plano.

Muling umatake si Catiana ngunit hindi katulad kanina ay pinakikiramdaman na ni Lincoln ang kilos niya kaya nasangga nito ang akmang pagkagat niya sa lalaki. Ang kagat ni Castriel ay may lason kung kaya't ganoon rin ang epekto ng kagat ni Catiana ngunit paano siya makakatiyempo kung bukod sa nabatid na ni Lincoln ang kaniyang presensya ay kaya na rin nitong sabayan ang atake niya.

Tumilapon si Catiana dahil sa pagsangga ni Lincoln ngunit nasalo siya ni Mason na nasa likuran pala niya. Hindi makalaban ng maayos si Catiana sa kaniyang anyo. Hindi na siya sanay magpalit-balat. Hindi na siya sanay kumilos sa anyong lobo niya.

Unti-unti siyang bumalik sa anyong tao ngunit hindi nawala ang matatalas niyang kuko, tenga ng lobo, at buntot. Hindi rin nakikita ang maseselang parte ng katawan niya dahil nanatili ang kulay puti at makinang niyang balahibo sa katawan.

"Mahina ka pa, binibini. You're not worth my time." Lalong nagalit si Catiana sa loob-loob niya nang maliitin ni Lincoln ang kakayahan niya. Naiinis siya dahil hindi man lamang ito nagpapakita ng pangamba.

"Sinong nagsabing nagseseryoso ako?" Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay umatake kay Lincoln. Kasabay ng malakas na pagsipa ni Mason sa sikmura ng lalaki ay siyang pagbaon ni Catiana ng matatalas niyang kuko sa likuran ni Lincoln dahilan para tumagos ito ngunit sa kasamaang palad, hindi niya nahagip ang puso nito. Maghihilom pa rin ang sugat na ibinigay niya sa lalaki.

Tumilapon si Lincoln hindi kalayuan sa kanila ngunit ni hindi man lamang ito natumba sa kabila ng butas na sikmura. Humalakhak pa ito at kita ng dalawang mata ng dalaga kung paano unti-unting mawala ang butas sa sikmura ni Lincoln.

"Hindi ko inaasahan iyon. Magaling." Papuri pa nito sa mag-asawa kung kaya't lalong napikon si Catiana. Napahinga siya ng malalim nang maramdaman ang paghawak ng asawa sa kaniyang kamay upang pakalmahin siya. Hindi nga naman makatutulong kung hahayaan kong emosyon ang sumakop sa isipan niya.

"He's healing fast." Sabi ni Cassandra na nakatayo na ngayon sa gilidipi ni Catiana.

"Don't worry, I have a plan, good enough to buy us some time until the others arrive." Bulong ni Catiana.

Ang halakhak ni Lincoln ay unti-unting nawala at nanlaki ang kaniyang mata. Napatingin siya sa magkabilang kamay na ngayo'y nagsisimula ng mangitim. Nakalimutan niya ang lason sa kuko ni Catiana! Ramdam niya ang pagbigat ng kaniyang kamay na tila napaparalisa ngunit pinilit niya itong igalaw.

Kanina pang napapansin ni Catiana ang kahinaan sa pag-iwas ni Lincoln sa mga atake kung kaya't upang masigurong magkakaroon ng sugat si Lincoln mula sa mga kuko niya ay kinailangan niya ng tulong ng asawa. Nagtagumpay nga naman sila.

Napaluhod si Lincoln at masamang tumingin sa akin.

"Anong ginawa mo sa akin? Anong lason ang mayroon sa iyong kuko?!" Galit na wika ni Lincoln habang nakatingin sa dalaga.

"Huwag kang mag-alala. Panandalian lamang iyan. Hindi mo maikikilos ang iyong katawan, oras na kumalat ang lason." Saad ni Catiana kaya nanlaki ang mata ni Lincoln. Hindi niya maisasagawa ang plano niya kung mapaparalisa ang katawan niya.

"Kung tutuusin, malakas ang iyong kapangyarihan, ngunit dahil nagkamali ka ng minaliit, hindi mo ito magagamit." Wika ni Cassandra.

"Just wait until the others arrive. You won't have a chance to escape." sabi ni Mason habang naglalakad palapit sa asawa. Humawak sa kamay ni Catiana si Mason na ikinahinga ng maluwag ng dalaga.

"Nandito na sila." Bulong ni Catiana at inangat ang tingin nang marinig ang alulong ng mga lobo na paparating.

Gaya ng inaasahan, isang kulay abo na lobo ang nakita nilang tumatakbo papalapit. Sa kanilang kaliwa ay isang kulay itim na lobo naman at sa kanan ay dalawang lobo pa ang lumalapit.

Pagakalapit ay sabay-sabay silang bumalik sa dating anyo at tila handang-handa na mayroon agad silang malaking balabal sa katawan upang takpan ang mga pribadong parte. Isa na sa mga dumating ang kaniyang ama na si Theodore. Naroroon si Carson at Milicent Wixx, ang dalawang anak ni Castriel. Ang isa ay si Eleanora Cromwell, ang anak ng unang Cromwell.

"Nasaan ang anak ni Emmanuel Madden?" Tanong ni Mason sa biyenan ngunit umiling ito.

"She doesn't want her current peaceful life to be disturbed. Malamang ay nakahanap siya ng tulong mula sa witches ng lugar nila. Hindi namin siya matunton." Si Milicent Wixx ang sumagot. Dumapo naman ang mata niya kay Catiana at malambot na ngumiti. "Tama nga sila. Kamukha mo nga ang aming ina." Lumapit ito sa dalaga at hinaplos ang makinis nitong pisngi. Lumambot naman ang ekspresyon ni Catiana sa mukha nang makita ang ekspresyon ng ninuno.

"Told ya! Look at how strong she is." Turo naman ni Eleanora kay Lincoln na nakaluhod sa lupa at hindi makagalaw. Nanghihina na ang buong katawan nito ngunit hindi ito tumutumba.

"Good job." Ngumiti si Carson sa mag-asawang Madden at hinarap na si Lincoln.

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Lincoln mula kay Milicent dahilan upang tumilapon ito sa malayo. Napasinghap si Cassandra sa lakas ng pwersa niyon.

"That's for killing my father, you bastard!"

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon