Catiana
Nang matapos siya sa pagkain ay ipinakuha ko sa mga tauhan ang pinagkainan namin at nagpadala si dad ng mga damit para sa asawa ko. He's not against my idea naman daw but sabi niya bantayan ko daw ang puso ko. Pakiramdam ko ay may kung ano sa aking dibdib ang natuwa dahil nararamdaman ko ang suporta ng aking ama.
"Tara na?" Aya ko nang makalabas siya ng bathroom matapos niyang maligo. He just nodded at nauna pa sa labas. Napailing na lamang ako at humabol sa kaniya. Iniangkla ko ang aking kamay sa kaniyang braso pero inalis niya rin kaya napanguso ako at hindi na nagtangkang kumapit pa sa kaniya. Baka magalit pa at hindi na sumama sa akin kapag ipinagpilitan ko pa.
"Nagtataka ka siguro kung bakit bagong-bago sa pang-amoy mo ang aming pack. Our pack has the ability to hide our scents. Kung naamoy mo man noon ang aking kapatid na si Connor, iyon ay dahil kusa niyang dineactivate ang pagtatago ng kaniyang amoy upang mahuli siya ng mga tauhan niyo." Pagpapaliwanag ko habang kami'y naglalakad palabas ng piitan. Nang makalabas kami sa piitan ay bumungad sa kaniya ang maliwanag na kapaligiran. Napangiti naman ako nang makita siyang lumanghap ng sariwang hangin.
"Connor?" Bulong niya sa sarili na nahagip ng tenga ko. Bakas sa kaniyang ekspresyon ang pagtataka at inaalala kung sino nga ba ang aking tinutukoy.
"Siya yung nahuli niyo noon sa kagubatan. Siya rin ang nagdala sa iyo dito, asawa ko." Sabi ko kaya naliwanagan siya ngunit masama pa rin ang timpla ng kaniyang mukha. Palagi na lang nakasimangot. Parang babaeng may buwanang dalaw. Daig pa yata ako. Napailing na lamang ako sa naiisip at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating kami sa bayan ay nag-ikot ikot kami sa mga tent. Naroroon kasi ang malilit na tindahan at marahil ay matatagpuan namin doon ang iba pang kasamahan o 'di kaya ay isa sa mga kapatid ko.
"Ayun si Sawyer oh!" Turo ko sa bench sa isang tabi kung saan nakaupo doon si Sawyer na mukhang problemado. Hinila ko kaagad ang asawa ko palapit sa kaniya. Alam kong matagal na niyang gustong makita si Sawyer at ngayon ay may pagkakataon na siyang makausap ito. Baka sakaling maliwanagan at pumanatag ang loob niya kapag nakausap ang kaibigan. Malay ko kung mawala ang sungit niya o mabawasan man lang kahit papaano.
Napaangat ng tingin sa amin si Sawyer nang mapansing papalapit kami. Nagulat pa siya nang makitang kasama ko si Mason. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napaawang mga labi. Tumayo siya sa pagkakaupo hanggang sa makalapit kami sa kaniya. Napakurap-kurap pa ang kaniyang mga mata na tila iniisip kung tama ba at hindi imahinasyon ang kaniyang nakikita.
"Mason!" Tawag niya at niyakap ang kaibigan. "Mabuti at ayos ka lang." Napairap naman ako dahil doon. Parang sinabi na rin niya na malaki ang tiyansa na saktan ko ang kaibigan niya.
"Ano bang akala mo? Tinotorture namin iyang kaibigan mo para pumayag na pakasalan ako?" Nameywang ako sa harapan niya kasabay ng pagtapon sa akin ng isang matalim na titig kaya napataas ang kilay ko.
Aba at talaga nga namang...!
"Oo." Inambahan ko siya ng suntok na agad niyang sinanggahan.
"Nasaan si Cassandra?" Tanong ko na alam kong gagana sa kaniya. Naging magic word ko ngayon ang pangalan ng kapatid ko pagdating sa kaniya. "Akala ko ba ay aaayain mong magbreakfast diyan sa resto?" Napakamot siya ng batok at napabuntong-hininga.
"She got mad at me." Maging ako ay napahinga ng malalim sa narinig. "Nalaman niya yung ginawa kong pag-atake sa'yo nung nakaraang linggo." Malakas na halakhak ang napakawalan ko matapos kong marinig iyon.
"Nababagay lamang iyan sa'yo." Binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti at inilabas pa ang dila upang siya'y asarin.
"Let's talk..." Napalingon kami sa asawa ko nang magsalita siya bigla habang nakatingin kay Sawyer. "Privately." Dugtong niya kaya napahinga ako ng malalim. Batid kong nais niya akong paalisin kaya naman napataas ako ng dalawang kamay na tila sumusuko. Ngunit bago ako lumayo ay nagpaalala ako.
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...