#18

1.3K 53 1
                                    

Tila bumukas muli ang liwanag na kanina'y nagsara. Isang malaking ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga nang makita si Mason na nakatayo sa harapan ng malaking pintuan.

"Catiana." bulong ni Mason nang makita si Catiana nakasuot ng puting bestida. Lumambot ang kaniyang ekspresyon nang makitang muli ang ngiti sa labi ng dalaga ngunit sumama muli ang timpla ng kaniyang mukha nang makita ang kadenang nakakabit sa leeg nito.

"Ikaw na naman?" galit na wika ni Daniel sa binatang kaharap. "Ilang beses mo bang sisirain ang pagkakataon namin ni Catiana?" madiin ang pagbibitaw nito ng salita na tila nawawalan na ng pasensya.

"I am ready to destroy every chance you have with my girl." kaswal lamang ang pagkakasabi ni Mason ngunit ramdam ni Catiana ang bigat ng mga salitang iyon. Ni hindi siya makapaniwala sa naaamoy niya sa binata.

"Mate." bulong niya sa hangin na alam niyang narinig ni Mason dahil tumaas ang sulok ng labi nito pagkasabi niya ng salitang iyon.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mong kalapastanganan!" galit na sabi ni Daniel at sinugod si Mason.

Humakbang palalapit sa Catiana upang sana ay saluhin ang atake ng lalaki ngunit napaluhod siya sa sahig nang maramdaman ang kuryenteng biglang dumaloy sa kaniyang katawan. Pinigilan na naman siya nitong maglabas ng kapangyarihan.

"Binibini!" napalingon siya sa boses ng babae na nagmula sa pintuan. Hirap man sa pag-iwas sa pwersa ng paglalaban ng dalawang lalaki ay nagawa ng babae na puntahan siya.

Nanlaki ang mata niya nang makitang dala nito ang susi ng kadenang nakakabit sa kaniyang leeg.

"Ninakaw ko lamang ito doon sa isang tauhan na nagbabantay ng iyong kulungan." tila nabasa ng babae ang reaksyon ni Catiana at agad inalis ang kadena.

Napatitig si Catiana sa babae at nang akmang aalis ito ay hinawakan niya ito sa braso. Napansin niya ang bakat ng kaniyang kamay dahil sa mahigpit na paghawak niya dito kanina. Nanlaki ang mata ng babae nang makita ang pag-ilaw ng palad ni Catiana at pagkawala ng pamumula sa kaniyang braso. Lalo naman siyang nagulat nang ngumiti sa kaniya ang dalaga.

"Thank you for helping me." pasasalamat ni Catiana at natulala ang babae.

Lumabas ang matutulis na kuko ni Catiana at nagbago ang kulay ng kaniyang mata. Mabilis siyang tumakbo at inatake si Daniel sa likuran.

"AH!" napasigaw ang lalaki nang malalim na kalmot ang natanggap niya sa dalaga. Agad siyang tumagilid upang makita niya pareho ang kalaban at napaatras. Iba ang epekto ng atake ni Catiana sa kaniya dahil sa kakaibang kapangyarihan nito. Ano pa nga ba ang aasahan sa Wixx na nakamana ng kapangyarihan ni Castriel?

"Isa kang taksil, Catiana!" wika niya.

"Ikaw ang tumalikod sa ating paniniwala at sinira ang iyong pangako. Sino ngayon sa atin ang taskil, Daniel? Ako ba... O ikaw?" tila puno ng hinanakit na wika ng babae sa kaniya.

Napangiwi ang lalaki sa hapdi ng sugat na natamo mula kay Mason at Catiana. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapabalik sa tabi si Catiana. Kailangan niya itong pakasalan upang makuha ang kapangyarihan nito nang sa ganon ay makapaghiganti siya sa lahi ng mga taong pumatay sa kaniyang pamilya. Ano ba ang mali sa paghahangad ng hustisya sa kaniyang pamilya at sa babaeng nagligtas sa kaniya noon? Bakit ba tila napakahirap makamtam niyon?

Alam niyang sa oras na makawala si Catiana sa kadenang iyon, wala ng makakapagpatumba dito.

"Sa tingin mo ba ay ako ang kalaban dito?" nakangising tanong ni Daniel sa dalawa. Pinunasan niya ang talsik na dugo sa kaniyang leeg gawa ng sugat sa kaniyang likod.

"Daniel... Maaari pa naman nating pag-usapan ito. Hindi mo kailangang gawin ito." sabi ni Catiana ngunit umiling siya ng sunod-sunod.

"Hindi mo naiintindihan, Catiana. Siya ang bumuhay sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon sa harap niyo. Lahat ay umaayon sa kaniyang plano." napakunot ang noo ng dalawa at nagkatinginan ng may pagtataka.

"Who are you referring to?" tanong ni Mason at lumapit kay Catiana. Hinawakan niya sa bewang ang dalaga upang hindi na mawala pa sa kaniyang tabi.

Sandaling napatingin si Daniel sa kamay ni Mason na nakapulupot sa bewang ng dalaga at umiwas ng tingin. Hindi naman tumututol si Catiana sa ginawa ni Mason.

"Sa libro na inyong binabasa ay tatlong pamilya ng taong-lobo ang pinakaunang ginawa ng bathala. Ang pinakaunang nilikha ay ang pamilya ni Castriel Wixx. Ang pangalawa ay ang mga Madden at ang pangatlo ay ang Cromwell. Ngunit lingid sa kaalaman niyo ang pang-apat." napuno ng tanong ang isipan ni Catiana sa narinig.

"Ang pamilya ng taong-lobo na itinakwil ng tatlong magkakaibigan. Ang mga Ledger." pagkukwento ni Daniel. "Masyadong naging uhaw sa kapangyarihan ang pinakaunang Ledger at dahil dito ay hindi na nagustuhan ng tatlong kaibigan ang naging ugali nito. Nahuli ng mga ito ang kaibigan na pumapaslang ng mga tao kung kaya't nagtulong-tulong sila para mapatalsik mula sa kanilang lugar ang kaibigan. Labis na nagalit ang Ledger at hindi na nagpakita pa sa tatlo."

"Ngunit ano ang koneksyon nito sa mga nangyari sa'yo?" tanong ni Catiana.

"The first daughter of Lincoln Ledger brought me back to life. Marami siyang nalalaman na mga ipinagbabawal na ritwal ngunit ginagamit niya ang mga ito upang tumulong sa mga tao na hindi nagustuhan ni Lincoln but he was so devastated and broken when she died. Sinunog siya ng mga tao nang malaman ang kapangyarihan niya." tumamlay ang boses ni Daniel nang maalala si Aliyah. Ang anak ng pinakaunang Ledger. Napakabuti nito at nahulog ang kaniyang loob dito ngunit sa kasamaang palad ay pinaslang ito ng mga tao.

Lalo lamang siyang nasuklam sa mga tao.

"Lahat ng mga tao na binuhay ni Aliyah ay tinipon ni Lincoln. He trained every one of us and when he learned about my past with you, he used me. Nais niyang pakasalan kita upang makuha ko ang kapangyarihan mo." kapag nagpakasal ang dalawang taong-lobo, may ritwal doon kung saan iinom ang dalawa ng dugo ng isa't isa at sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng parehas na kapangyarihan.

"I thought the first werewolf bloods are asleep. Except for Castriel, of course, because he's dead." sabi ni Catiana.

"He did some wierd ritual to keep himself awake. Pero ang alam ko ay mawawalan iyon ng bisa bukas ng gabi kaya ngayon pa lamang ay kumikilos na sila upang makuha ang kapangyarihan mo ng sa ganoon, hindi siya makakatulog." sabi ni Daniel.

Muling naalala ni Catiana ang Olivet Moon bukas. Kung mamamatay din siya bukas, mabuti ng maisama niya sa hukay ang Lincoln Ledger na iyon.

Natauhan lamang siya sa malalim na pag-iisip nang maramdaman niya ang marahang pagpisil ni Mason sa kaniyang bewang. Napatingin siya dito at nakitang nakatitig ito sa kaniya.

"Let's get married."

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon