"A war?! What the hell? Nagpakasal kalang, nagkagiyera na?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Hana.
"It's not because of the wedding." sabi ni Mason sa babae kaya napataas ang kilay nito. "The war is tonight. Gather all those who wants to fight. Don't force them. This is a matter between life and death." napaseryoso si Hana dahil doon. Tumango ito at agad na umalis sa harapan ng mag-asawa.
"We'll wait for my pack to arrive." sabi ni Catiana. "Sana lamang ay natanggap ng mga dating miyembro ng pack ang mensahe. Malaki ang maitutulong nila sa atin." dagdag pa niya.
Umakyat sila sa silid ni Mason.
"You know we still need to change our clothes, right?" natatawang saad ni Catiana habang nakatingin sa salamin. She's still in her white dress. Napailing si Mason at napangisi. Mabuti pa ang binata at nakapagbihis na dahil sa pagpapalit ng anyo nito kanina.
"Well then, let's take a bath." napataas naman ang kilay ng dalaga dahil tila iba ata ang balak ng asawa ngunit nagpahila na lamang siya sa banyo.
Ibinaba ni Mason ang zipper ng bestida ni Catiana mula sa likod at hindi niya mapigilang makaramdam ng kiliti nang humaplos sa kaniyang likod ang daliri ng asawa.
Siya na mismo ang naghubad ng puting sando at shorts niya. Naiwan ang kaniyang bra at panty sa kaniyang katawan. Kitang-kita ni Mason ang magandang kurba ng katawan ng asawa kaya't hindi niya mapigilan titigan ito. Napangisi naman si Catiana nang mapansin ito. She kissed his cheeks before slowly walking in the shower. Isinara niya ang pinto na gawa sa bubog ngunit hindi naman purong transparent ito. Malabo ang salamin kaya hindi makikita kung sino man ang nasa loob nito ngunit kitang-kita ang anino ng nasa loob.
Sinigurado ni Catiana na kitang kita ang kaniyang anino sa pintuan at hinubad ang natitirang saplot sa katawan. Isinabit niya sa sabitan ang kaniyang panloob na damit at binuksan ang shower.
Maya-maya pa'y narinig niya ang pagbukas ng glass door at may malalaking brasong pumulupot sa kaniyang bewang. Napangiting tagumpay ang dalaga.
______________________
Makalipas ang ilang oras, bumaba na ang mag-asawa nang maramdamang nakarating na ang mga hinihintay.
Napangisi si Cosette at Calvin nang makita ang dalawa na bumababa ng hagdan.
"Someone's blooming. " sabi ni Cosette na may makahulugang tingin sa kapatid. Namula naman ang pisngi ni Catiana dahil doon. Sa totoo lamang ay nahihirapan siyang maglakad ngunit gusto niyang sumama sa digmaan.
Palihim na kinurot ni Catiana ang asawa.
"You could have waited until the war is over." pagkausap niya sa asawa. Rinig niya ang pagtawa ni Mason sa kaniyang isipan.
"You loved it. We could die in the battle and I can't die without doing something romantic with my wife." pakiramdam ni Catiana ay para na siyang kamatis sa sobrang pamumula at idagdag mo pa ang mahinang pagtawa ng mga kapatid na tila alam ang nangyari.
"Who could have thought that a hot-tempered and cold Alpha could be so romantic?" she giggled in her mind at napailing lamang si Mason.
"The werewolves who are willing to fight are already outside." sabi ni Andrei na kadarating lamang. Humarap siya sa dalawa at ngumiti. "Congratulations to the both of you. You finally got laid!" bati niya na may nakakalokong ngiti. Pabiro namang inambahan ng suntok ni Catiana ang kaibigan na nakapagpahalakhak dito.
Maya-maya pa'y biglang dumating si Connor at Hana na sa magkaibang direksyon nakabaling. Tila ba nag-iiwasang magtagpo ang paningin. Pati tuloy ang dalawa ay nakatanggap ng kantiyaw mula kay Cassandra at Cosette.
Napatigil lamang ang lahat nang dumating ang Alpha, si Theodore Wixx. His aura and face screams authority and power.
"Umalis si Eleanora upang hanapin sina Millicent at Carson." wika ni Theodore. Si Eleanora ang nag-iisang babaeng anak ng pinakaunang Cromwell. Siya ang naging tagapagsanay ng 5 magkakapatid na Wixx at tatlong magkakapatid na Cromwell.
"Ngunit paano? Hindi ba't wala tayong komunikasyon sa kanila?" tanong ni Connor sa ama.
"May koneksyon ang mga anak ng mga sinaunang taong-lobo sa isa't isa. Si Eleanora lamang ang tangi nating pag-asa upang mahanap ang dalawang anak ni Castriel at ni Mordecai." Si Mordecai ang pinakaunang Madden.
"So they're alive." Hindi ito tanong. Tila sigurado na si Mason kaya tumingin ang Alpha kay Mason.
"The children of the first werewolves in our history are alive except for the woman named Aliyah Ledger. Unfortunately, she's the daughter of the enemy." napabuntong-hininga si Theodore. "Ang anak ni Mordecai Madden ay nagpakalayo-layo mula sa ating mga taong-lobo simula noong gabing nakatulog ang pinakaunang Madden. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit hindi mo siya nakilala." dagdag pa niya kay Mason.
Napatingin ang lahat nang pumasok ang kambal na Cromwell sa pinto. Seryoso ang mukha ng mga ito at may mga nakasabit na din na sandata sa katawan ng mga ito.
"It's time." sabi ni Synthia sa lahat kaya napatayo kaagad sina Calvin at Cosette at tumango lamang ang Alpha. Umalis na sa kanilang harapan ang dalawa kaya kumilos na rin ang iba.
Akmang lalabas na ng mansyon ang mag-asawang Madden ngunit nagsalita si Theodore kaya napatigil si Catiana.
"Let's talk." nagkatinginan ang mag-asawa bago hinarap ang Alpha.
May kinuha si Theodore sa bulsa at inilabas doon ang dalawang maliit na parihabang bakal. Napakunot ang noo ni Catiana nang ibinigay iyon sa kaniya ng ama. May maliit na pindutan iyon sa gitna na tila diyamante. Dahil sa pagtataka ay pinindot iyon ng dalaga at nanlaki ang mata nang may lumabas na blade sa dulo ng parihaba. Kumikintab pa ang blade at mukhang bago.
"That's your mother's favorite sword." agad napatingin si Catiana sa ama dahil sa sinabi nito.
"Mom? I-I thought she couldn't fight?" nagtatakang tanong ng dalaga.
"Who said that? Siya ang pinakamagaling na magnanakaw noon na palagi kong hinahabol. There was a time na nahuli ko siya ngunit hindi ko siya naisama sa kulungan dahil nakatakas din siya kaagad. I went home with a broken arm and leg." natatawang saad ni Theodore habang inaalala ang pagtatagpong iyon nila ng asawa.
Gulat man sa nalaman ay natawa din si Catiana ngunit kita ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.
"Thank you, dad." pasasalamat niya. Humarap naman si Theodore kay Mason at ibinigay rito ang isa pang parihaba.
"Iyan ang sandatang ginawa para sakin ng ina ni Catiana ngunit hindi ko pa nagagamit iyan dahil hindi naman na nagkaroon pa ng digmaan." kumunot ang noo ni Mason dahil doon.
"How about you?" tanong niya sa biyenan.
"Mayroon akong sandatang akin. Iyon ang pinakaunang sandatang nilikha ng mahal kong asawa." nakangiting saad ng Alpha kaya napatango ang lalaki at kinuha ang parihabang inaalok ng ama ng asawa.
Magkahawak-kamay na lumabas ng mansyon ang mag-asawa at naramdaman ni Mason ang pagpisil ng babae sa kaniyang kamay.
"Siguraduhin mong babalik ka ng buhay sa akin pagkatapos ng laban na ito at saka natin bubuuin ang pamilyang pinapangarap natin." seryosong saad ni Catiana at napangiti naman si Mason.
"Make sure to survive this war. You still have to be the mother of my cubs." hinaplos niya ang pisngi ng asawa at hinalikan ang noo nito. Napapikit naman si Catiana nang lumapat ang malambot na labi ni Mason sa kaniyang noo.
"We will win."
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...