Catiana
"I can't believe it. We're actually here!" sabi ko habang nakatingin sa kumikinang na talon sa aking harapan.
Wala naman kaming ibang pinuntahang kakaiba kundi ang hamog na bigla-bigla na lamang sumulpot kahapon. Nakapasok kami ni Mason doon ng hindi nalalaman?
Lumuhod ako sa damuhan upang hawakan ang tubig na nagmumula sa talon. Napaawang ang labi ko nang makita ko pa ito na kumikinang kahit nasa kamay ko na.
Napatingin ako kay Mason na pinapanood ako. Para ata akong bata ngayon sa kaniyang paningin. Masigla akong lumapit sa kaniya kaya kumunot ang kaniyang noo habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Kinuha ko ang kaniyang kamay at sapilitang pinahubad sa kaniya ang bag. Pagkatapos ay tumakbo ako sa palapit sa malawak na tubig habang hila ang kaniyang kamay. Tila nabasa niya ang nasa isip ko kaya napahinga siya ng malalim nang bigla akong tumalon kasama siya sa tubig.
Malalim ngunit mabuti na lamang ay marunong akong lumangoy. Umahon kaagad kami upang makalanghap ng hangin at hindi ko binibitawan ang kaniyang kamay. Hindi naman siya tumutol kaya napakalawak ng ngiti ko.
"You only need to drink the water. Why did you have to jump with me?" napahagikhik ako sa kaniyang sinabi.
"Well atleast let's have some fun while we're here in this magical place." nakangisi kong sabi. Napailing na lamang siya habang nakatingin sa ibaba na tila inaaninaw ang tubig. Ngumiti ako sa kaniya at tila nakuha naman niya ang nais kong iparating.
Hawak-kamay kaming lumubog sa tubig at saka ko iminulat ang aking mata. Nagulat pa ako nang mapagtantong kahit nasa ilalim ng tubig na ito ay kumikinang pa rin. Napatingin ako kay Mason na nakatingin sa akin ngayon. Nagbago ang kulay ng kaniyang mata.
"Drink the water." sabi niya sa aking isipan kaya tumango ako at binuksan ko ang aking bibig upang humigop ng sapat lamang na tubig. It doesn't have any taste at all. Pagkahigop ko ng tubig ay napangiti ako.
Bago ko mabuo ang koneksyon sa ibang lalaki, I wanna do this as a woman who honestly fell in love with this man, without any magic involved. Just pure love.
Namungay ang aking mata sa ilalim ng tubig at inabot ang kaniyang pisngi. Sa aking paglapit ay isinara ko ang aking mata hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng aking labi sa kaniyang labi na hindi niya inaasahan. Ilang segundo siyang hindi gumalaw at hindi tumutugon sa paggalaw ng aking labi. Nagdulot ng kiliti sa aking pandama ang paggapang ng kaniyang kamay mula sa aking siko patungo sa aking bewang hanggang likod at inilapit pa lalo ako sa kaniya. Tinugon niya ang halik ko at ilang minuto ang itinagal namin sa tubig dahil sa paghalik niya sa akin ay pagbibigayan din namin ng hangin.
Umahon kami at nanatiling magkalapit sa isa't isa. We stared at each other for a while and I smiled. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Nagwawala talaga ang sistema ko kapag siya ang kaharap ngunit siya din ang nagpapakalma. Malakas ang tama ko sa lalaking ito.
Hihiwalay na sana ako sa kaniya ngunit nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ako pabalik sa kaniya at sinalubong ng mainit niyang labi ang labi ko. Awtomatikong napapikit ang mata ko nang magtagpo ang labi namin. Tinugon ko ng buong puso ang halik niya sa akin. Hinaplos ng isa niyang kamay ang aking pisngi at ang isa ay nanatili sa aking likod.
Naghahabol kami ng hininga nang maghiwalay kami.
__________________
"After this, you and I must go on our seperate ways. You will gonna have to find your own mate and I will do the same." bulong ko sa kaniya habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib. Naririto kami sa tabi ng isang puno at nakasandal habang pinagmamasdan ang talon na kumikinang.
Hindi niya ako bitawan magmula pa kanina nang maghalikan kami sa tubig.
"I don't want to end this." napaangat ako ng tingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. Nagsalubong ang aming mga mata.
"Bukas pa bibisa ang tubig na ininom ko." sabi ko. "Ayoko ring tapusin ito, Mason, ngunit kailangan. Sana pala ay hindi na tayo nagpunta pa dito kung alam ko lamang." sabi ko. Sana nga ay hindi na kami nagpunta pa kung alam ko lamang na kaya na niya akong tanggapin sa buhay niya.
Napabuntong-hininga ako at tumayo. Hinila ko rin siya patayo.
"I saw a portal under the water." napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. So we really have to go further down.
Mabuti na lamang at waterproof ang mga bag namin kaya hindi mababasa ang mga laman.
Sabay kaming lumubog muli sa tubig at nagmulat ng mata. Napatingin ako nang ituro niya ang ibaba at doon ay nakita ko nga ang portal na umiilaw sa ibaba.
Lumangoy kami pababa at nagkatinginan bago pumasok doon.
Agad akong napasinghap nang walang sabi-sabi na nakalanghap ako ng hangin at bumagsak sa lupa. Bwiset! Ang sakit ng pwet ko.
"Catiana! Mason!" agad akong napatingin nang agad lumapit sa amin ang aming mga kasama.
Agad naglabas ng towel si Cassandra sa kaniyang bag at ibinalot sa akin.
"Oh my God! The two of you suddenly disappeared for two days!" nagkatinginan kami ni Mason dahil doon. Two days? Wala pa nga kaming isang araw doon sa Mountain of Luna.
"Kailangan natin agad marating ang Mountain of Luna. Nakaligtas ka Catiana sa pangalawang warning kagabi." agad akong napatingin kay Andrei. Kagabi ang pangalawang paalala."No need. Nanggaling na kami sa Mountain of Luna." sabi ko dahilan para mapatingin sa akin lahat.
"What?! How?! Hindi pa tayo nakakalampas sa bundok na ito!" sabi ni Synthia.
"I don't know. Mason and I accidentally went through a portal, last nig--noong isang gabi." sabi ko. "That explains why I can't smell any of you." sabi ko. Si Mason ay hindi ko rin naamoy at nagulat na lamang ako nung magkabunggo kami sa makapal na hamog.
"So did you drink the water? How do you feel?" nagkibit-balikat ako sa tanong ni Connor.
"Completely normal! I don't feel wierd. It was magical." sabi ko habang inaalala ang makinang na tubig.
"So... Tapos na ang misyon." sabi ni Sawyer.
Katahimikan ang namayani. Hindi naman kasi nila inaasahan na sa oras na makita nila kami ay tapos na ang misyon.
"Get down!"
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...