THIRD PERSON
"You don't have the power to kill us all..." Ang lahat ay natigilan nang muling marinig ang tinig ni Mason na kanina pang tahimik sa isang tabi at hawak ang asawa.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Sawyer na kararating lamang. Bakas na bakas ang pagtatanong sa kaniyang wangis. Hindi niya naabutan ang mahahalagang pangyayari kanina.
"She's still alive." Pagtutuloy ni Andrius Cromwell sa sinasabi ni Mason kung kaya't hindi maiwasang makarinig ng pagsinghap mula sa kanilang mga kasama. Lalo namang nakapagpainit sa dugo ni Lincoln ang narinig. Abot-kamay na niya ang tagumpay na kaniyang inaasam at hindi siya makapapayag na may humadlang pa roon.
"Anong kahangalan ang iyong sinasabi?! Wala akong naririnig kahit mumunting tibok ng puso mula sa kaniyang katawan. Nahihibang ka na!" Gigil na wika ni Lincoln. Maging ang iba ay naguguluhan sa nais iparating ni Mason at Andrius. Tama si Lincoln. Walang pagtibok ng puso silang naririnig mula kay Catiana.
"No--wait..." Napatahimik ang lahat sa sinabi ni Theodore. Lumapit siya sa nakahandusay na anak at hinawakan ang tiyan nito. Isang mahinang pagtibok ng puso ang narinig nilang lahat mula rito. Napakahina niyon at tila nagkukubli pa kung kaya't hindi naging malinaw sa kanila ang ipinaparating ni Mason at Andrius.
"The baby is keeping her alive." Bulong ni Mason habang hinahaplos ang pisngi ng asawa. Naramdaman niya ang bahagyang pagginhawa ng kaniyang katawan dahil sa unti-unti niyang nararamdaman ang pagdaloy ng dugo sa katawan ni Catiana.
"Hindi maaari!" Sigaw ni Lincoln ngunit kaagad lumitaw sa harapan niya si Mason at hinawakan ang kaniyang leeg. Kaagad niyang naramdaman ang pagpigil sa daluyan ng hangin sa kaniyang katawan na nagdulot ng malakas na pagsinghap mula sa kaniya. Kakaiba ang lakas na naramdaman niya mula kay Mason.
"Huwag na huwag mong hahawakan ang mag-ina ko." Nanlilisik ang mata ni Mason at nanlaki ang mata ni Lincoln nang maramdaman ang pagtalas ng kuko ng lalaki. Bumabaon ito sa kaniyang leeg kaya't kaagad niyang sinipa si Mason papalayo sa kaniya.
Hindi niya maaaring hayaang magtapos sa ganito ang lahat. Ilang daang taon ang kaniyang ginugol upang siguraduhin ang pagkapanalo. Ngayong nasa harapan na niya ang kaisa-isang nakapagmana ng kapangyarihan ni Castriel ay hindi maaaring mahadlangan ito.
Tila biglang nagkaroon ng lakas si Mason matapos malaman na buhay ang kaniyang asawa at may anak na siya. Ramdam niya ang pinaghalong tuwa, galit na may kaunting ginhawa nang unti-unti na niyang naririnig ang mahinang pagtibok ng puso ni Catiana.
"Naririnig ko na ang puso niya! Kuya!" Sigaw ni Cassandra na lalong nakapagpabuhay ng dugo ni Mason. Naging mabilis ang kaniyang pagkilos at hindi kaagad nakapaghanda si Lincoln sa kaniyang atake. Isang malalim na kalmot ang natamo niya sa kaniyang pisngi at leeg dahil sa bilis ng pagkilos ni Mason. Agad niyang naramdaman ang pagkamanhid ng parteng iyon. Nakalimutan niyang asawa nga pala ito ni Catiana kaya't iisang kapangyarihan ang hawak ng mag-asawa.
Isang malaking kahangalan at katangahan ang makalimutan ang mahalagang impormasyon na iyon. Kahiya-hiya sapagkat siya'y isa sa pinakaunang taong-lobo na nabuhay sa sanlibutan ngunit nakalimutan niya ang bagay na iyon.
Nang sa wakas ay makasunod na siya sa bilis si Mason, agad niyang nahuli sa leeg ang lalaki at malakas na tinulak sa puno dahilan para mahati sa dalawa ang punong iyon. Nagdulot ng malakas na pwersa iyon sa paligid dahilan upang mabuwal sa kanilang kinatatayuan ang iba.
Gusto man nilang tulungan si Mason ay hindi maaari dahil wala silang pagkakataon. Nagsidatingan sa hindi inaasahang pagkakataon ang iba pang mga taong-lobo na kasapi sa hukbo ni Lincoln, kasama ang iba pang mga nilalang na binuhay ng yumaong anak.
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...