#16

1.3K 44 0
                                    

Napadapa ang lahat nang biglang sumigaw si Andrei. Nanlaki ang mata ni Cassandra nang isang pana ang muntik tumama sa kaniya.

"Let's go! Let's go!" sabi ni Sawyer at tinulungang tumayo ang nobya.

"Who the heck are these people?!" may halong gulat na tanong ni Synthia.

Pinagana ng tatlong Cromwell ang abilidad. Gamit ang pandama, pang-amoy at pandinig, nabuo ang imahe ng mga taong humahabol sa kanila.

"Shit! Kasamahan sila ni Daniel!" sabi ni Andrei habang sila'y tumatakbo. Hindi naman alam ni Catiana ang dapat maramdaman sa narinig.

Mapuputla ang balat ng mga taong-lobo na humahabol sa kanila. Kasing putla ni Daniel nung huli silang magkita.

Sa pagtakbo ay hindi inaasahan ni Catiana ang biglaang pagsulpot ni Daniel sa kaniyang harapan at bago pa siya makasigaw at makalaban ay natakpan agad nito ang kaniyang bibig. May pinaamoy ito sa kaniya dahilan para makaramdam siya ng hilo.

"Run." pagkausap niya sa isipan ng mga kasamahan bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Napatigil sa pagtakbo ang grupo nang marinig ang boses ni Catiana sa kanilang isipan. Tinangka nilang bumalik ngunit wala na doong bakas ni Catiana. Napakuyom ng kamao si Mason at hindi mapakali.

"Catiana!" pagtawag niya ngunit walang dumating na Catiana. Pinalibutan sila ng mga taong-lobo kaya walang ibang mapagpipilian kundi ang lumaban.

Sabay-sabay na nagbago ang kulay ng kanilang mata at lumabas ang mga pangil at kuko. Agad silang kumilos nang umatake ang grupo ng mga taong-lobo na nakapalibot sa kanila. Hindi nila inaasahan ang dugong lumabas sa katawan ng mga taong-lobo. Tila hindi dugo ng nabubuhay na nilalang.

They killed as many as possible. Maya-maya pa'y tila umatras na ang mga kalaban hanggang sa wala ng natirang umaatake sa kanila.

"Si Ate!" agad na baling ni Cassandra kay Connor na agad ding nawala sa paningin nila upang hanapin si Catiana.

"Catiana!"

"Ate Catiana!!"

Mga sigaw nila ang maririnig sa buong kagubatan ngunit hanggang magdilim ay walang Catiana na dumating.

"Kailangan nating bumalik sa pack. Kailangan malaman nina dad ito." sabi ni Cassandra na tila paiyak na sa pag-aalala sa kapatid na nawawala. Agad naman siyang inalo ng nobyo.

"She's right. Hindi tayo pwedeng basta-basta sumugod. Teritoryo ng kalaban ang pupuntahan natin." kalmadong sabi ni Andrei ngunit sa loob-loob ay sobra ang pag-aalala niya sa dalaga.

__________________
Catiana

Nagising ako dahil sa pagtama ng malamig na tubig sa aking balat. Bumungad sa akin ang nakangising babae. Lahat ng mga taong-lobong naririto ay napakaputla.

"Mabuti naman at gising ka na." lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ano ba ang nagustuhan ni Daniel sa isang katulad mo? Mahinang nilalang." bulong niya sa akin. Nagngitngit ang ngipin ko sa pagpipigil na patayin siya sa mismong harap ko.

Mahina? Nagpapatawa ba siya? Sa akin pa niya sinabi iyan? Sa mismong nakamana ng kapangyarihan at dugo ni Castriel niya pa sasabihin iyan?

Makawala lamang ako sa mga kadenang nakatali sa aking leeg ay gigilitan ko siya ngayon mismo.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa babae na nginisian lamang ako.

"Huwag niyong hahayaang makatakas iyan." baling ng babae sa mga nagbabantay. Nagbago ang kulay ng mata ko at naging asul. Inilabas ko ang pangil at mahahabang kuko ko. I grabbed her hair before she could even stand up kaya napatili siya nang matumba sa malamig na semento.

Hinila ko siya papalapit sa akin at nagpumiglas pa siya kaya malalalim na kalmot ang natanggap niya mula sa akin.

"Ano pang hinihintay niyo?! Ilayo niyo sa akin ang babaeng ito!!" sigaw niya sa mga tauhan na agad pumasok sa kulungan.

Lumakad ako papalapit sa kanila bitbit ang babaeng ito sa kaniyang buhok. Hindi siya makawala sa pagkakahawak ko.

Isa pang hakbang ko ay nanlaki ang mata nila nang makitang nabiyak ang pader kung saan nakakabit ang kabilang dulo ng kadena ko.

"Pakakawalan niyo ako o papatayin ko ang babaeng ito?" kalmadong banta ko.

"Catiana, mahal ko." awtomatikong nahawi ang mga tauhan nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko inalis ang masamang tingin sa kanila.

Dumating si Daniel na may malambot na ekspresyon sa mukha habang nakatingin sa akin.

"Daniel! Please help me! Papatayin ako ng babaeng ito!" sabi ng babaeng hawak ko kaya mas diniinan ko pa ang pagkakahawak sa buhok niya dahilan upang mapangiwi siya sa sakit.

"Sige, mahal ko. Patayin mo siya kung iyon ang ikasasaya mo." natigil sa pagpupumiglas ang babaeng hawak ko dahil sa narinig. Maging ako nagulat ngunit hindi ko ipinahalata iyon.

"D-daniel?! What are you saying?! Hahayaan mong patayin ako ng babaeng ito?!" singhal sa kaniya ng babae.

"Pakawalan mo ako, Daniel. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag pinanatili niyo ako dito." sabi ko. Ngumisi lamang siya sa akin.

"Ano bang mahirap tanggapin sa aking alok, mahal ko? Pakakasalan mo lang naman ako, di ba?" nakangising tanong niya.

"You only want my power! Iyon ang totoo!" Galit na sabi ko. Natigilan si Daniel at maya-maya lamang ay napahalakhak ng malakas.

"Sorry, my love. I forgot that you have the ability to see a person's desire." Pinunasan pa nito ang luha sa mata dahil sa kakatawa. "Your own ability." Makahulugang sambit nito at hinaplos ang pisngi ko kaya agad akong lumihis upang hindi dumampi ang kaniyang palad sa aking pisngi.

"Pakawalan mo ako o papatayin ko ang babaeng ito!" Sigaw ko ngunit ni hindi man lamang nagpakita ng alinlangan si Daniel.

"Ang tanong ay... kaya mo ba, mahal ko?" Tila sigurado siya sa gagawin ko. Napaisip ako. Kaya ko nga bang kumitil ng buhay? Hindi. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapatay ng kahit na sinong tao o taong-lobo.

Malinis pa ang aking kamay sa kabila ng tagal ng pamumuhay ko dito sa mundo.

Hindi ko namalayan ang pagluwag ng kapit ko sa buhok ng babaeng hawak ko hanggang sa makaramdam ako ng matinding kirot sa aking buong katawan. Ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente kaya ako'y napasigaw sa sakit.

"Dalhin siya sa tore. Huwag hahayaang makalabas ang bihag." Sabi ni Daniel sa tauhan.

"AHHHHH!!!" Napasigaw akong muli nang lumapat na naman sa akin ang taser ng isang tauhan. Saan nila nakuha iyon?

Agad napayakap ang babaeng bihag ko kanina kay Daniel at kitang-kita ko kung paano niya ako nginisian bago tuluyang lamunin ng dilim ang aking paningin.

Mason... asawa ko... iligtas mo ako.

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon