Catiana
"Nahihibang ka na ba, Catiana?!" napatakip ako ng tenga nang isigaw sa akin ni Ate Cosette ang mga katagang iyan na may kasamang mabangis na tunog ng isang lobo. Alam ko namang nag-aalala siya ngunit ang mambulabog sa gitna ng masarap na pagtulog ko ay hindi ayos.
Napaikot ako ng mata dahil sa inis. Kanina pa nila akong tinatanong ng ganito. Ang lahat ng kapatid ko ay naririto sa aking silid at pinapalibutan ako matapos marinig kay ama ang aking naging pasya.
"Hindi mo kilala ang lalaking iyon!" inis na sabi naman ni Kuya Calvin. Ang alam ko ay may trabaho pa siya ngayong gabi. Kinansela niya ang meeting para lamang sermonan ako? Ramdam ko ang namumuong tensyon sa loob ng aking silid. Tila isang maling galaw ay may mamamatay ngunit siyempre, that's just an exaggeration.
"Sigurado ka na ba sa lalaking iyon? Sa totoo lamang ay ayaw ko sa kaniya bilang kabiyak mo!" sabi ni Connor habang nakakrus ang braso.
"Ate naman." ani ni Cassandra na nakaupo sa kama ko. Ang kaniyang ekspresyon ay hindi maipinta kaya't natawa ako ng marahan.
"Dahil ba kamukha siya ni..." Hindi magawang ituloy ni Carson ang sasabihin nang pukulan siya ng nagbabantang tingin ng tatlo kong kapatid. Napabuntong-hininga ako at nagpakawala ng ngiti kahit naiinis ako.
"Relax..." sabi ko at gaya ng inaasahan ko, napahinga nga sila ng malalim. Simula pagkabata, ang sinasabi nila sa akin ay katulad daw ako ni mama. Ni hindi daw gumagamit ng abilidad bilang lobo para mapasunod ang mga nasa paligid. Simpleng lambing at hina lamang ng boses ay napapasunod na daw niya kaagad ang lahat. Tila ba may mahika daw ang aming tinig.
"Come on, guys. Ito na lamang ang huli kong pinanghahawakan. Olivet moon will appear next month and I don't have much time left." sabi ko na may nangungusap na tinig. Natahimik naman silang lahat kaya napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakaupo. "Ayaw niyo naman sigurong mawala ang napakaganda niyong kapatid, right?" Nag-beautiful eyes pa ako sa kanila na ipinagdasal kong sana ay gumana. Nakita kong napabuntong-hininga sila dahil doon.
"You look stupid, you know that?" Napailing si Kuya Calvin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pajama.
Ngayon ko lamang napansin. Silang lahat ay puro nakaternong pajama. Nag-usap-usap ba sila? Bakit hindi ako isinali? Nakakasama ng loob ha.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Nakashorts lang ako at malaking T-shirt. Hindi talaga nila ako isinali sa gimik nila.
Marami ang nagsasabi na ako raw ang pinaka-kinahuhumalingan ng lahat ng kalalakihan dito sa aming pack pero natatawa lamang ako. Si Ate Cosette ang pinakamaganda sa aming magkakapatid. Isa siyang model sa ibang bansa at higit na mas marami ang nahuhumaling sa ganda niya. Hindi man nabiyayaan ng malaking hinaharap at tangkad, naniniwala akong mukha at taray ang panlaban ni ate. Doon niya nga yata nakuha ang kaniyang asawa ngayon.
Si Kuya Calvin ang panganay. Pangalawa si Ate Cosette, pangatlo si Kuya Carson at pang-apat ako, sunod si Connor at bunso si Cassandra. Sa aming magkakapatid, si Kuya Calvin, si Ate Cosette at Kuya Carson pa lamang ang nakakahanap ng mate. Si Cassandra at Connor ay tila ba walang planong lumabas ng aming bayan upang mahanap ang kanilang kabiyak. Ako naman ay nahanap ko na ang aking kabiyak ngunit sa kasamaang palad... Siya'y napaslang sa mismong aking harapan. Ang lalaking kamukhang-kamukha ni Mason na kasalukuyang nakakulong sa piitan sa ibaba. Pinakiusapan ko ang mga tauhan na sabihan ako sa kalagayan niya kada-sampung oras.
Kinakailangan kong makahanap ng bagong kabiyak bago sumapit ang Olivet Moon kundi ay maglalaho ako sa mundong ito. Ang Olivet Moon ay isang beses sa isang daang taon kung lumitaw. Ang pinakaninuno namin ay pinaniniwalaang nabuhay noong gabing sumapit ang Olivet Moon. Hindi ko rin alam kung papaano ngunit dahil isa kami sa pinakamatandang lahi ng mga taong-lobo, ang aming tadhana ay katulad na katulad ng mga nakasaad sa libro or worse... Baka nga ako lamang sa aming lahi ang kakaiba.
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...