#25

1.2K 33 0
                                    

CATIANA

Isa namang tadyak ang natanggap ni Lincoln kay Carson dahilan para lumubog ang katawan nito sa lupa.

"Magbabayad ka sa mga ginawa mo sa aming pamilya." Madiing sabi ni Carson kay Lincoln na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Kumapit ako kay Mason dahil nararamdaman ko ang konting panghihina.

"Are you okay?" Bulong niya sa akin at tumango lamang ako. Tipid ko siyang nginitian bago sumandal sa kaniya.

"It's been 10 years since I shifted into my werewolf form. Hindi na sanay ang katawan ko kaya siguro ganito ang nararamdaman ko." Sabi ko. Hinaplos niya ang buhok kong bumalik sa kulay pilak.

"Everything's gonna be okay." He whispered in my ears kaya napangiti ako.

"You caught him." Napalingon kami nang may marinig na nagsalita. Nandoon si Daniel at may malambot na ngiti sa labi.

"Thank you for your help, Daniel. Mabuti at napili mong kumampi sa amin. Ginawa mo ang tama." Nakangiting sabi ko kaya ngumiti rin siya.

"Gagawin ko ang lahat..." Humakbang papalapit si Daniel. Humiwalay na ako kay Mason upang sana ay lumapit sa nakahigang Lincoln ngunit agad nanlamig ang buo kong katawan nang wala sa oras ay nakaramdaman ako ng malamig na hininga sa aking batok. "Makuha lamang ang kapangyarihang ninanais ko."

Napasinghap ako at bago pa man ako makalingon ay narinig ko ang sigawan ng mga kasama ko. Naging mabagal sa aking paningin ang lahat. Namanhid ang buo kong katawan. Tila nabingi ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Napahawak ako sa aking bibig nang maramdaman ang likidong lumalabas dito at tuluyan akong napaubo ng napaubo nang mapagtantong dugo iyon.

Sa oras na ito... Alam ko na ang kasunod. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko kaya. Gusto kong patayin ang lalaking nasa likuran ko ngunit hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Wala akong magawa.

Isa lamang ang napagtanto ko... Hindi si Daniel ang nasa likuran ko. Isang huwad at nagbabalat-kayo ang Daniel na kasabwat namin. Ang tunay na Daniel ay ang nasa harapan naming lahat at nakahiga sa lupa dahil sa lasong ikinalat ko sa kaniyang katawan. Mali... Planado ang lahat.. ngunit may tiwala ako.

Asawa ko, ipinapaubaya ko na sa iyo ang lahat ng meron ako.

Ito ba ang pakiramdam ng kamatayan?

Sa libong taon kong naninirahan dito sa mundo, ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang ganito. Biglaan ang lahat. Hindi ko naramdaman ang sakit ng unti-unting pagkamatay, ngunit ramdam na ramdam ko ang sakit habang nakatingin sa luhaang mata ng asawa ko.

Hindi ko na kaya...

Gusto kong mabuhay at makabuo ng pamilya kasama ka, asawa ko. Ngunit paano ko gagawin iyon kung sumusuko na ang katawan ko?

_______________________

Hindi inaasahan ng lahat ang biglaang pagbabago ng anyo ng lalaking nasa harapan nila. Mula sa itsura ni Lincoln, tila natunaw ang balat nito at unti-unting lumitaw ang totoong wangis ng lalaking nakahandusay sa sahig. Naging si Daniel ang itsura nito.

"Catiana! No!" Mabilis na napalingon ang mga Alpha nang marinig ang malakas na sigaw ni Mason.

Hindi inaasahan ng lahat ang senaryong nakita sa kanilang likuran. Naroroon ang totoong Lincoln at nakabaon sa dibdib ni Catiana ang kamay nito. Mabilis na sinalo ni Mason ang walang buhay na katawan ng asawa nang basta basta na lamang ito inihagis ni Lincoln na tila isang damit lamang.

Naging mabilis at mabibigat ang hininga ni Mason habang hawak sa bisig ang asawa. Hindi na ito humihinga pa. Anong gagawin niya? Natataranta siya! Nagtatalo ang takot, sakit, at galit sa kalooban niya. Pinunasan niya ang kaniyang luha na tumulo sa pisngi ng asawa.

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon