Mason
"Calm down, Mason!" Sita sa akin ni Hana. Lalong napakuyom ang kamao ko sa inis at pagkabahala. Hindi ako matahimik.
"How am I supposed to calm down?! I felt her! I felt her pain!" My voice echoed in the whole room.
Isang linggo na mula nang makuha ng kalaban si Catiana mula sa amin. Mula sa akin. Gabi-gabi ko siyang napapanaginipan. Sa isang tore at punong-puno ng galit sa mga nanakit sa kaniya. Isang linggo na akong walang maayos na tulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang mata ko, isang tore at ang malungkot na pigura niya ang aking nakikita.
Agad kaming napalingon nang bumukas ang pinto. Agad akong napatayo nang pumasok doon ang Alpha. Ang ama ni Catiana.
I don't know why I feel this way because I've always been the one who push her away. Now, I will do everything just to save her from that crazy ex-boyfriend of hers.
"We found her." Pati si Hana ay napatayo din sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang sinabi ng Alpha.
Wait for me, Catiana. I'll save you no matter what.
_____________________
"Kumain ka na, mahal ko." Hindi pinansin ni Catiana si Daniel na kapapasok lamang sa kaniyang kulungan. Nakakulong siya ngayon sa pinakatuktok ng tore. Marami ring bantay sa daan palabas.
"Mahal ko." Tawag sa kaniyang muli ng binata at masamang tingin lamang ang iginawad ng dalaga sa binata.
Isang linggo na siyang namamalagi sa kulungan na iyon. Hindi siya sinasaktan ni Daniel ngunit kapag nabisita ang babaeng sinaktan niya noon ay palagi siyang sinasaktan nito at hindi siya makalaban dahil ang kadenang ginamit sa kaniya ay naglalabas ng kuryente. Hindi siya makalaban kahit gustohin man niya. Mabuti na lamang at mabilis maghilom ang sugat niya kaya walang nagmarka sa balat niya.
Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata na tila pilit na hinahabaan ang pasensya.
"May mga dadating na mga tauhan dito at aayusan ka..." Agad nag-angat ang dalaga dahil doon. "Para sa ating kasal mamaya." Nanlaki ang mata ni Catiana sa narinig at agad napatayo.
"Hindi ako pumapayag na magpakasal sa iyo, Daniel!!" Sigaw niya ngunit nakalabas na ang binata sa kulungan. "Hindi ako magpapakasal sa'yo!!" Galit na sabi niya ngunit tiningnan lamang siya ng lalaki sa rehas ng pinto.
"Sa ayaw mo man o sa gusto, mapapasaakin ka, mahal ko." Sabi sa kaniya ng binata. Ramdam niya ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi. Tila nanghina siya sa narinig.
"Nagmamakaawa ako... Daniel." Pag-iyak niya sa lalaki. "Mayroon akong kabiyak." Pagmamakaawa niya ngunit tinalikuran lamang siya ng lalaki at naglakad na paalis.
Nanghihinang napaluhod siya sa malamig na semento at napahagulhol.
"Nasaan na ba kayo...?" Mahinang tanong niya habang nakatingin sa labas.
Bakit ba nagkaganito ang dating kasintahan? Hinding-hindi sasabihin ng dating Daniel ang mga salitang binitawan ng kaninang kaharap niya.
__________________
"Ayan! Napakaganda niyo po." puri ng babaeng nag-ayos kay Catiana. Heto at nakasuot siya ng puting bestida at bagong ligo. Naayusan na rin siya ng mukha. Light make-up lamang ang ginawa sa kaniya ng mga babaeng dumating sa kaniyang kulungan. Hindi naman talaga siya tinalian ng buhok dahil hinayaan lamang na nakalugay ang kaniyang mahabang buhok. Nilagyan lamang ito ng mga palamuti at bulaklak.
Napadako ang tingin niya sa kadenang nakadikit pa din sa aking leeg. Alam kong iyon lamang ang hindi niya nagustuhan sa aking itsura.
"You're ready." pilit ang kaniyang mga ngiti ngunit hindi ko ito sinuklian. Nanatiling blangko ang tingin ko sa sarili sa harap ng salamin.
I look beautiful... But lifeless. What do you expect? I will be marrying someone I don't love. Ni hindi ko nga alam ang dapat maramdaman. Masaya at puno ng pagmamahal ang dating nararamdaman ko para kay Daniel ngunit ngayon... Hindi ko na siya kilala.
Ganito din siguro ang naramdaman ni Mason noong kinukulit ko siya para ikasal siya sa akin.
Natigilan ako nang may maalala. Mahigpit kong hinawakan ang braso ng babae.
"Anong araw ngayon?" tanong ko. Halatang nagulat siya sa aking inasta.
"S-sabado po." nauutal na sagot niya kaya napaluwag ang aking kapit at napatulala sa kawalan.
Sabado... Bukas na ang Olivet Moon. Kailangan ko ng mahanap ang aking kabiyak at magpakasal kundi ay mawawala na ako ng tuluyan sa mundo. Ngunit paano iyon? Wala akong takas kay Daniel. Alam kong wala siyang alam sa sitwasyon ko dahil hindi niya ako pipilitin sa kasal na ito kung alam niyang mawawalan lang din naman ako ng silbi bukas ng gabi.
Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ko ang buwan. Napabuntong-hininga ako at napayuko na lamang.
Wala na akong magagawa... Kailangan ko ng tanggapin ang nalalapit na oras.
Pinahid ko ang takas na luha sa aking mga mata at napapikit.
"Magsisimula na po ang seremonya." napatingin ako sa pintuan nang magsalita ang isang tauhan. Ramdam ko ang alanganing tingin ng babae ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at tumayo na sa kinauupuan.
Wala akong magagawa.
Naglakad ako palabas ng aking kulungan at bumungad kaagad sa akin ang mahabang hagdan na patungo sa pinakababa ng tore. Apat na tauhan ang kasama ko ngayon. Dalawa sa unahan at dalawa sa likuran na tila ba sinisiguradong hindi ako tatakas. Ano ba sa tingin nila ang magagawa ko gayung may kadenang de-kuryente ang nakakabit sa aking leeg?
Nang makababa kami sa tore, sinundan ko lamang ang mga tauhan papunta sa isang malaking gusali. It looks so ancient and elegant at the same time. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ngunit tila agad napawi iyon nang maalala ang gaganapin sa lugar na ito. Ikakasal na nga pala ako.
May bumungad sa aming malaking double doors na may bantay na dalawang tauhan. Pinagbuksan kami niyon ng pinto at sa oras na iyon, alam ko kung sino ang nasa likod ng mga iyon.
Kay ganda ng ngiti ni Daniel habang ako'y papalapit sa kaniyang gawi ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon ko. Wala akong maramdamang tuwa o saya. Kahit ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay wala. Sa halip na pagmamahal ang nararamdaman ko ay tila lungkot at kasawian ang bumabalot sa kalooban ko.
Hindi ko gusto ito. Tutol ako sa lahat ng nangyayari. Ayaw ko nito ngunit ano ba ang magagawa ko? Wala naman, di ba?
Ang kaunting liwanag na aking nakikita ay tila nagsara nang tuluyan akong makarating sa mismong harapan ni Daniel na may malambot na ngiti sa labi. Wala na... Wala na ang pag-asang kaytagal kong pinanghawakan. Tuluyan ng nawawala ang mumunting liwanag na pilit kong inaabot.
Wala na bang makapipigil sa mga pangyayaring ito?
"Handa ka na ba, mahal ko?" tanong ni Daniel ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Sa halip na magalit ay napabuntong-hininga siya at hinarap na ang matandang lalaki na sa tingin ko ay magsasagawa ng ritwal upang maikasal kami.
Napahawak ako sa lamesa sa aming harapan nang biglaan akong makaramdam ng pagyanig ng lupa. Alertong napatingin si Daniel sa paligid nang muli na namang yumanig. Isang tauhan mula sa labas ang biglaang pumasok sa silid ngunit nanlaki ang aking mata nang makitang wala itong buhay at bigla na lamang bumagsak ang katawan sa lupa.
Nabigla pa ako nang makaamoy ng napakabangong amoy. Tila isang bulaklak at tsokolate sa aking pang-amoy. Dumako ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo na ngayon sa malaking pintuan na may gintong mata. Nagtagpo ang mga mata namin at ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso. Iisang tao lamang naman ang may ganitong epekto sa akin.
"Mason."
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...