Catiana
"Andrei mentioned about the Mountain of Luna. Kailangan niyong pumunta roon upang makainom ka ng tubig mula sa talon." saad ni dad kaya nanlaki ang mata ko. Naririto ako sa kaniyang opisina upang kwestiyunin ang dahilan kung bakit kami pinapupunta sa bundok na iyon. Napakuyom ang aking kamao at hindi napigilang mapasapo sa aking noo dahil sa pagkabagabag at pangamba.
"Dad! Hindi natin alam ang panganib na maaaring naghihintay sa amin sa bundok na iyon at sa gitna ng aming paglalakbay patungo roon! Hindi mo pwedeng ibuwis ang buhay ng ilan sa mga tauhan natin para lamang mailigtas ako sa sumpang ito!" hindi ko pagsang-ayon sa kaniyang ipinag-uutos. Habang buhay kong dadalhin sa loob ko kahit hanggang sa kamatayan kung may buhay na mapapahamak sa misyong ito.
Bawat isa sa mga tauhan ay may kani-kanilang mga pamilya na naghihintay sa kanilang pag-uwi. Ayaw kong pagkaitan sila ng masaya at kumpletong pamilya upang mailigtas ang bubay ko.
"Napag-isipan ko na ang bagay na iyan kung kaya't ang napili kong makakasama mo ay hindi mga tauhan." Napakunot ang aking noo sa narinig mula kay dad. "Makakasama mo ang mga magagaling na taong-lobo na kayang ipagtanggol ka at ang kanilang mga sarili." pagkatapos niyang sabihin iyon ay saktong bumukas ang pintuan. Unang pumasok si Nicholas, sunod ay si Connor, si Sawyer, Cassandra, Andrei, at ang kambal. Akala ko ay nakapasok na lahat, ngunit pakiramdam ko'y nahigit ko ang aking hininga kasabay ng panandaliang pagtigil ng aking puso nang muling magbukas ang pinto at doon ay pumasok ang taong pinakahindi ko inaasahang sasama sa misyong ito. Si Mason.
Kasama siya? Paano siya napapayag ni dad na sumama dito? Hindi ba't ayaw niya sa akin?
Nagtatakang nilingon ko si dad at tinanguan lamang niya na tila nagsasabing magiging maayos ang misyong ito. Na wala akong dapat ipag-alala sa kung anuman ang mangyayari.
"Dad, you don't have to do this." nangungusap ang aking tinig. "Ayaw kong mahirapan sila para lamang sa akin."
"We can't let you die, Catiana. Just look at those people who adore you. You are a strong werewolf that is capable of protecting this pack." Napalingon ako kay Nicholas nang magsalita siya. I looked at the others to see their reactions, pero ang pagtango bilang pagsang-ayon lamang nila sa sinabi ni Nicholas ang aking napagmasdan. Napalunok ako at hindi malaman ang sasabihin.
Totoo ba ang lahat ng ito? Handa silang magsakripisyo para sa akin? Ngunit para saan pa? Sino ako para pag-alayan ng mga buhay nila? Pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat sa natatanggap kong tulong mula sa kanila ngayon.
Napabuntong-hininga ako at napaupo na lamang sa upuan. Wala akong magagawa. Magsasayang lamang ako ng laway kung pakikiusapan ko sila dahil buo na ang kanilang pasya. Tumikhim ang aking ama upang simulan ang pagpapaliwanag sa mga kailangan naming puntahan at pagdaanan.
_________________
"It's dark." sabi ni Cassandra habang nakatingin sa kagubatang nababalot nga ng kadiliman. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad palabas ng aming bayan upang pumunta sa pack nina Mason. Hatinggabi ang naging usapan naming pag-alis upang makaiwas pa sa atensyon ng ibang miyembro ng pack.
"Walking is not helping." Napabaling kami kay Connor at maya-maya pa'y nagbago na ang kulay ng kaniyang mga mata. Mula sa itim ay naging ginto ang mga mata niya at lumabas ang mga matutulis na kuko. Unti-unting nagkaroon ng balahibo ang kaniyang mukha at katawan hanggang sa tuluyan ng nagbago ang kaniyang anyo. Kulay pilak ang kaniyang balahibo.
May punto naman siya. Baka ilang oras ang abutin bago namin marating ang pack nina Mason kung kami'y maglalakad lamang. Mas mabuti ang kaniyang ideya.
Kinuha ko ang kaniyang bag na basta na lamang niya inilapag sa damuhan at isinuot ito. Isa-isang nagpalit ng anyo ang mga kasama ko at kaming mga babae na lamang ang natira. Si Sawyer ay iniangkas si Cassandra na siyang nagsuot ng bag nilang dalawa. Mukhang maayos na ang pakikitungo ng kapatid ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...