Hindi alam ni Mason ngunit tila may tinik na bumara sa kaniyang lalamunan nang banggitin ng babaeng Cromwell ang tungkol sa balak sanang pagpapakasal ni Catiana sa kaniya.
"There won't be a wedding anymore." sabi ng Alpha, ama ni Catiana. Buo na nga ang pasya nito.
"Well, we can still have one." Ang lahat ay napalingon nang magsalita si Samuel, ang isa sa kambal ng mga Cromwell. Kaswal lamang itong kumakain at hindi man lamang sila tinatapunan ng tingin. Itinuro nito ang nakatatandang kapatid na si Andrei kaya nabaling rito ang atensyon ng lahat. Tila nagulat naman si Andrei sa atensyon ng lahat. "Kuya Andrei, hindi ba't matagal mo nang gusto si Ate Catiana? Bakit hindi ikaw ang magpakasal? Mahal ka rin naman ni ate dahil sa tagal ng panahon na kayo'y magkaibigan." Pinigilan ni Mason ang kumunot ang noo sa narinig mula kay Samuel. Kaagad napatanong sa isipan si Mason kung sino nga ba ang Andrei na ito sa buhay ni Catiana?
Sa isip niya ay nagdidiwang siya ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit tila may parte rito ang hindi nagugustuhan ang nagiging takbo ng usapan. Hindi niya nagustuhan ang narinig sa isa sa kambal.
"Will it work? No offense, Andrei, but we all know that Ate Catiana is in love with someone else." tanong ni Connor. Ramdam ni Mason ang tingin sa kaniya ng limang kapatid ni Catiana pati na rin ang Alpha na muling napabuntong-hininga. "Hindi gagana ang ritwal kung walang romantikong pagmamahal ang isa sa mapapangasawa." Natamaan doon si Mason. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi at ipinapaalala kay Catiana.
"Well then, how about the Olivet Moon? Hahayaan na lamang nating maglaho si Catiana?" tanong ni Andrius na nagpantig sa tenga ni Mason. Natigil siya sa pagkain at napatingin sa mga kasama sa hapag-kainan. Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya.
"Maglaho?" basag niya sa katahimikan na bumalot sa buong silid. Hindi niya naitago ang pagtataka na may bahid ng pag-aalala sa kaniyang tinig.
"Do you know the story of Castriel Wixx?" tanong ni Cosette kaya kumunot ang noo ng binata sa pagtataka. Pamilyar sa kaniya ang pangalan kaya pilit niyang inalala kung saan niya narinig ang pangalang iyon. Ilang segundo at bumalik sa kaniyang alaala ang lobong tinutukoy ni Cosette.
"The very first werewolf in the history?" Si Sawyer ang nagsalita. Tumango naman si Cosette bilang pagsang-ayon. Panandalian niyang itinigil ang ginagawang paghimay sa karne sa plato niya upang ituon ang atensyon sa kaniyang ipapaliwanag kay Mason ngunit napatigil nang unahan siya ng panganay na kapatid kaya balewalang itinuloy niya ang pagkain.
"When his mate died, it's like his source of life also disappeared. Kasabay ng paglitaw ng Olivet Moon ay ang paglalaho niya. He left his son and daughter under the care of the other ancient families. The Cromwell and the Wixx bloodline. They continued to grow." pagpapaliwanag ni Calvin. Natulala si Mason at nabitawan ang kubyertos nang malaman niya ang kahulugan nito. Unti-unting nabubuo sa isipan niya kung sino-sino ang dalawang pamilyang kasama niya ngayon.
"Wait, anong kinalaman nito kay Catiana?" naguguluhang tanong ni Sawyer. Hindi nakukuha ang ipinupunto ng panganay na Wixx.
"On the night of the Olivet Moon, she will die." diretsang saad ni Andrei kasabay ng paghigpit ng kapit niya sa kaniyang kubyertos. Masakit sa kaniyang tanggapin ang nakatadhana kay Catiana ngunit iyon ang totoo. Hindi niya maitatanggi sa sarili niya iyon.
"But that's impossible! Kwento lang iyon, 'di ba?" tanong ni Sawyer at tumingin pa sa katabing dalaga ngunit umiling si Cassandra bilang hindi pagsang-ayon sa winika ng kabiyak.
"We don't know how it happened but Catiana inherited Castriel's power and curse. Many people said that she looks exactly like Castriel's wife, my dad's great great grandma, but we didn't expect that my sister's power and curse were also inherited from Castriel." Cassandra explained. Natulala si Sawyer sa realisasyon na ang kasama nila sa hapag-kainan ngayon ay nagmula sa angkan ng pinakaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan. Ang mga Cromwell at Wixx na akala nila ay matagal ng nawala ay heto at nasa harap nila. Ang dalawang pamilya na akala nila ay isang kwento lamang ay totoo pala.
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...