"Ah!" napasigaw si Cassandra nang tumama ang kaniyang likod sa isang puno na nabali pa dahil sa lakas ng pwersa.
Sa isang iglap ay nakaramdam siya ng sakit sa panga nang hawakan iyon ng lalaking unang beses niyang nakita sa tanang buhay niya. Higit na mas malakas ito kesa sa kaniyang ama kaya't hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa presensya nito. Ito na ba ang sinasabing Lincoln Wedger?
Mabuti na lamang at nakatakbo na ang ibang taong-lobo palayo ngunit marami rin ngayon ang nakahandusay sa sahig, walang buhay.
"Ito ba ang ipinagmamalaking kapangyarihan mula sa angkan ni Castriel?" Pagak itong tumawa at nanlilisik ang mga matang tiningnan siya nito. "Kayhinang nilalang. Hindi kapani-paniwalang may dugo kang Wixx." Pang-iinsulto pa nito. Dahil sa narinig, nakaramdam ng matinding galit si Cassandra. Wala pa ni isang taong-lobo ang nang-insulto sa angkan ng mga Wixx. Ang lalaking ito ang una. Nagbago ang kulay ng mata ni Cassandra at inilabas ang matatalas na kuko. Gamit ang malaya niyang kamay ay kinalmot niya ang lalaki sa harapan niya kaya nabitawan siya nito. Ginamit iyong pagkakataon ng dalaga upang sipain ang lalaki kaya't tumilapon ito.
Akmang lalapit muli si Lincoln kay Cassandra ngunit bigla itong tumilapon palayo sa dalaga.
"Are you okay?" Tanong ni Mason sa kapatid ng asawa.
"Yes, thank you. Marami ang namatay pero mas marami ang nakalayo. Kailangan silang mahanap ng grupo nina Sawyer dahil sila ang pinakamalapit dito." Seryosong wika ni Cassandra at pinunasan ang dugo sa labi dahil sa pagsampal sa kaniya ni Lincoln kaya siya tumilapon sa puno kanina.
"Hindi kakayanin ng grupo natin ang lumaban. Sumama lamang sila upang iligtas ang mga lobo sa facility. Nasa grupo nina Catiana at Connor ang mga magagaling lumaban." Naiinis si Mason dahil hindi niya alam kung anong kalagayan ng asawa. Nag-aalala na siya dito ngunit wala siyang magawa. "Pumalpak ang plano."
"Sa ngayon, kailangan nating hintayin sina Ate Catiana."
_____________________
"Catiana, calm down!" Sita ni Calvin sa kapatid ba nauuna sa kaniya sa pagtakbo.
"Paano ako kakalma, kuya?! Ang kapatid natin at ang asawa ko ay nasa panganib! Naisahan tayo ni Lincoln!" Hindi maitago ni Catiana ang pag-aalala. Ang tanging makakalaban lamang kay Lincoln ay ang anak ng mga sinaunang lobo at sila ng asawa niya na si Mason dahil nasa kanila ang kapangyarihan ni Castriel.
"Hindi tayo mananalo sa pagpapanic mo. Kailangan mong makapag-isip ng maayos." Sabi ni Calvin sa kapatid na nakapagpabagal sa pagtakbo ni Catiana. Huminga ng malalim si Catiana at inilagay ang buong atensyon sa pag-iisip ng susunod na hakbang.
"May balita na ba kung kailan ang dating ng mga Alpha?" Tanong niya sa kapatid.
"Walang kasiguraduhan ngunit ang sabi ay bago lumubog ang araw ay nandito na sila." Sabi ni Calvin.
"Kuya, kailangan mong magpaiwan! Hintayin mo ang pagbabalik ng mga Alpha at sabihin sa kanila ang pagbabago ng plano!" Sabi ni Catiana at huminto muna saglit upang harapin ang kapatid.
"Paano ka?! Mag-isa mong haharapin si Lincoln?" Kunot-noong tanong ni Calvin.
"Wala akong ibang magagawa kundi ang harapin si Lincoln! Buhay ng kapatid at asawa ko ang nakataya dito, kuya! Hindi naman kayo magtatagal, hindi ba? Ilang minuto lamang ay darating na sila kaya't makakaabot kayo." Determinadong saad ni Catiana kung kaya't napabuntong-hininga ang isa at napatango na lamang.
"Mag-iingat ka." Mariing bilin ni Calvin sa kapatid. Tipid itong ngumiti at tumango bago nawala sa paningin ni Calvin.
_____________________
"Malakas ka, hijo." Nakangising saad ni Lincoln habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.
"Thanks to my wife." Bulong ni Mason habang inaalis ang nakabaon na mahabang kahoy sa binti niya. Pagkaalis niyon ay agad itong naghilom.
Tumingala si Lincoln at napailing.
"Ngunit wala na akong panahon upang mag-aksaya pa ng oras sa iyo, kaya padadaliin ko na ang laban na ito." Napaatras si Cassandra nang makita ang pagbabago ng kulay ng mata ni Lincoln. Kulay ginto na ito, senyales na gagamitin na nito ang pinakamalakas na kapangyarihan nito. Maging si Mason ay nagseryoso nang makita ito.
Sa isang iglap ay nasa harapan na ito ni Mason at tumilapon bigla ang binata palayo. Tumama ang kaniyang likod sa malaking bato dahilan upang mapangiwi siya sa sakit. Napaubo siya ng dugo ngunit agad din namang nakabawi. Nanlaki ang kaniyang mata nang biglang lumitaw sa gilid niya si Lincoln. Mabuti na lamang at nakaiwas siya sa atake nito kung hindi ay baka, wala na siyang buhay ngayon.
Tinuhod niya sa sikmura ang lalaki, kinalmot ang kung ano mang maabot ng kaniyang kuko at sinipa palayo si Lincoln kaya hindi agad nakaatake ang isa.
"Magaling.." muling tumilapon sa malayo si Mason nang biglang lumitaw doon si Lincoln. Hindi siya nakaiwas sa gulat. Ito ata ang totoong kapangyarihan ni Lincoln Ledger. Illusion. Ilusyon lamang ang napatalsik niya kanina at hindi man lamang napansin ang totoong katawan sa likod niya.
"Tapusin na natin ito." Akmang sasaksakin na siya ni Lincoln ng mga matatalas nitong kuko nang bigla itong tumilapon palayo sa kaniya.
Isang puting lobo ang dumating at nilabanan si Lincoln. Hindi agad nakabawi si Lincoln sa pagkagulat ngunti nakahanap ng pagkakataon upang makalayo sa puting lobo.
"Malaki ka at malakas. Kulay puti ang iyong kulay. Bihira sa isang taong-lobo ang makakuha ng purong puti na kumikinang-kinang. Ibang-iba iyan sa kulay ni Castriel dahil kulay abo ang kaniyang kulay ngunit parehong-pareho kayo ng pagkinang." Namamanghang saad ni Lincoln habang pinagmamasdan ang puting lobo na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya. Kulay asul ang kulay ng mata nito, tanda na hindi pa nito ginagamit ang totoong lakas niya.
Sa mga sinabi ni Lincoln at sa ginawang pagliligtas ng puting lobo kay Mason, napagtanto ng binata kung sino ito.
"Sa tingin mo ay hahayaan kong mangyari ang mga sinabi mo?" Wika ng puting lobo. "Mamamatay muna ako bago mo patayin ang asawa ko." Isang mapanganib na ungol ang kumawala sa puting lobong kaharap ni lincoln.
"Catiana." Tila nakahinga ng maluwag si Mason nang makita si Catiana. Maayos lamang ang kalagayan nito. Walang sugat kung kaya't nabawasan ang pag-aalala niya sa asawa.
The white wolf produced a very loud and powerful howl, attracting the other Alphas' attention. Magsisimula na ang tunay na laban.
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...