#11

1.3K 42 1
                                    

"Ito ang iyong magiging kwarto." sabi ni Hana at binuksan ang isang pinto. Ngumiti si Catiana at nagpasalamat. Akmang papasok na si Catiana sa silid nang magtanong si Hana. "Your sister is Sawyer's mate? As in the official mate?" tila naninigurado pa ito sa tono ng pagtatanong nito.

"Yes. Do you have any problem with that?" alanganing tanong ni Catiana at napairap sa hangin si Hana.

"Oh my God. I knew I wasn't meant for him. When will I ever meet my mate?" rinig niyang bulong nito. Mukhang may lihim itong pagtingin kay Sawyer ngunit sa kasamaang palad ay nahanap na ng binata ang kabiyak. Napabuntong-hininga ang problemadong dalaga at humarap kay Catiana. "You should rest. Ang alam ko ay aalis pa kayo bukas dahil sa isang misyon. Goodnight." sabi pa niya at isinara na ang pinto.

Matapos suriin ang buong silid ay naupo sa kama. Pagkatapos siyang hilahin kanina ni Mason ay dinala lamang siya nito sa loob ng mansyon at sinabing hintayin na lamang si Hana na maghatid sa kaniya sa kaniyang silid.

Napatingin siya sa bintana at tinanaw ang buwan. Kung bakit nga ba kasi siya pa ang nakamana ng kapangyarihan at sumpa ni Castriel?

Napabuntong-hininga na lamang siya at tumayo na upang makapagpalit ng preskong damit. Simpleng bestida lamang ang kaniyang sinuot at sinuklay ang mahabang buhok sa harap ng salamin.

Napatitig siya sa kaniyang itsura. Ang aking mahaba at maalon niyang buhok ay purong itim. Halos mahigit sampung taon na siyang hindi nagpapalit ng anyo. Hindi dahil sa nanghihina siya ngunit dahil hindi naman siya lumalabas ng kanilang bayan. Walang nangyayaring labanan kaya saan niya gagamitin ang pagpapalit-anyo? Dahil sa matagal na panahong hindi nagpapalit ng anyo, nagbago ang kulay ng kaniyang buhok. Mula sa dating pilak na kulay ay naging purong itim na ito dahil sa pananatili sa anyong tao ng sampung taon.

Natawa pa siya sa sarili nang mapansing tumaba pala siya kumpara noon pero mas gusto niya ang katawan ngayon dahil nagkaroon siya ng kurba. Napataas rin ang kaniyang kilay nang mapansin ang inilaki ng kaniyang dibdib kumpara noon.

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok. Tumayo siya sa pagkakaupo at binuksan iyon upang makita kung sino ang kumakatok ng ganitong oras sa kaniyang silid.

"Andrei." gulat pang sambit ng dalaga dahil ang inaasahan niyang kumakatok ay ang bunsong kapatid. Ngunit napakunot ang kaniyang noo nang tila ang amoy ng kapatid ay nanggagaling sa kwartong alam niya ay kay Sawyer.

"I just wanted to give you this." kaswal na saad ni Andrei at ibinigay sa kaniya ang isang kwintas na may kakaibang batong nakasabit dito.

"What's this?" tanong niya habang sinusuri ang bato.

"It will help you during the second full moon to lessen the pain of the curse. Pabibilisin din nito ang pagbalik ng kapangyarihan mo." sabi ng binata kaya napangiti si Catiana.

"Thank you." sabi niya at isinuot iyon sa kaniyang leeg. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang pagtingin sa kaniya ng kababata ngunit talagang hindi niya masusuklian ang nararamdaman nito para sa kaniya. Talagang kaibigan lamang ang tingin niya rito.

"Goodnight." sabi ng binata at ngumiti sa kaniya kaya ginantihan niya ito ng malambot na ngiti.

"Goodnight." sabi niya at isinara na ang pinto.

_____________________

"Are you ready?" Tanong ni Connor kay Catiana pagkababa nito galing sa silid. May kaunting init pa na nagmumula sa labas ngunit hindi na ganoon kasakit sa balat dahil hapon na rin naman. Tanghali na kasi silang lahat nagising kanina.

Tumango naman ang dalaga bago tumabi sa dalawang kapatid na tahimik lamang na nakaupo sa couch habang naghihintay sa iba. Bumaba na ang kambal kasama si Andrei bitbit ang kanilang mga bag. Tumabi ang kambal sa kanilang magkakapatid habang si Andrei ay sa nakahiwalay na upuan umupo.

"So what are we going to do?" Lutang na tanong ni Samuel habang nakatulala sa kung saan. Hindi nila mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito at tanging si Synthia lamang ang tanging tumugon sa kaniya.

"Stupid! Of course we'll wait until everyone's ready." Binatukan pa ni Synthia ang kakambal. Hindi naman sila parehas ng itsura. Fraternal twins sila pero talagang hindi maitatanggi na kambal sila dahil pareho ng mata, shape ng mukha at labi. Ang naiba lang sa kanila ay ang kasarian at ang kanilang ilong. Synthia is a bit of a brat pero nasa lugar naman ang pagtataray niya. Hindi ito katulad ng ibang brat na nababasa sa kwento o napapanood sa pelikula. Alam niya kung kailan dapat magtaray at mag-isip bata kung minsan.

Si Samuel naman ay may pagkaseryoso ngunit lutang... madalas. Ngunit silang tatlong magkakapatid ay kasama ang limang magkakapatid na Wixx sa matinding pagsasanay sa pangangalaga ng anak ng pinakaunang Cromwell at ang anak na babae ni Castriel na hanggang ngayon ay namumuhay ng tahimik sa malayong lugar.

Napatingin ang lahat nang makarinig ng yabag na nagmumula sa hagdan. Naroroon si Sawyer kasama si Mason. Agad nagtama ang paningin ni Catiana at Mason ngunit naunang umiwas ang dalaga. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng binata kay Catiana kaya naman hindi niya matagalan ang titig nito. Hindi naman alam ni Mason kung ano ba ang dapat maramdaman dahil doon. Nasanay siya na ang dalaga ay talagang gumagawa ng paraan para tingnan lamang niya ito ngunit ngayo'y tila ang dalaga pa ang umiiwas na magtagpo ang mata nila.

"Are you ready?" tanong ni Mason pagkaraan ng ilang segundong katahimikan. Tumango naman ang lahat bilang pagtugon sa tanong ng Alpha.

"First, can we discuss the things that shouldn't be forgotten before we start our mission?" sabi ni Cassandra at sumang-ayon naman ang lahat.

"Based from what the elders told us, kailangan nating makalampas sa bundok na iyon at hanapin ang talon kung nasasaan ang lagusan patungo sa Mountain of Luna." turo ni Connor sa bundok na matatanaw mula dito sa mansyon.

"Isang araw at kalahati ay maaari na nating marating ang Montain of Luna. We need food." Wika ni Andrei sa mahinang pamamaraan. Nakita niya ang makahulugang tinginan ni Catiana at Mason kanina na naging dahilan ng pagkawala niya sa mood.

"Nakahanda na ang snacks at tubig para sa paglalakbay. Kung ang almusal, tanghalian at hapunan naman, maaari tayong maghunt." sabi ni Catiana na mukhang sinang-ayunan din ng lahat. Lihim iyong ikinatuwa ng kababaihan dahil mabuti na lamang at hindi nakalimutan ni Catiana ang mahalagang parte ng paglalakbay kung saan binigyang pansin ang kanilang mga sikmura.

Nang wala ng sumunod na nagsalita ay napagpasyahan nilang lahat na umalis na. Nakapagbilin na rin si Mason sa mga tauhan at kay Hana na bantayan ang pack habang wala sila. Mukhang wala namang naging problema.

Medyo malayo ang bundok. Mukha lamang itong malapit dahil tanaw na tanaw ito sa pack nina Mason.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Catiana na nagawa ng kanilang ama na pasamahin si Mason sa kanilang paglalakbay upang mailigtas ang kaniyang buhay.

Bawat oras ata na magkasama sila ay tila napakahaba na sa kaniyang pakiramdam. Problema ito.

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon