"Hurry up! Hurry up!"
"Nasaan ang mga manggagamot?!"
Nabulabog sa pagpapahinga si Mason dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Napakunot ang noo niya nang mabuksan ang pinto. Nagkakagulo ang mga tauhan papunta sa kabilang pasilyo. Iang manggagamot din ang nakita niyang dumaan kaya't napasunod na rin siya kung saan pupunta ang mga ito.
Kaagad kinain ng pagtataka at kuryosidad ang kaniyang isipan. Nagtataka kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tauhan. Bakit kailangan ng manggagamot? Sino ang nasaktan?
Lumiko sila sa kabilang pasilyo at hindi niya maiwasang mamangha. Ngayon lamang siya napunta dito dahil palaging si Catiana ang pumupunta sa kwarto niya. Double doors halos lahat ng mga kwarto sa pasilyong ito. Ngunit agad nakuha ng atensyon niya ang isang silid na bukas ang dalawang pintuan at doon dali-daling pumasok ang mga manggagamot. As if on cue, sabay-sabay nagsibukasan ang anim na kwarto at lumabas doon ang limang mga kapatid ni Catiana. Kung hindi siya nagkakamali ay ang huling pumasok doon ay ang ama ng anim na magkakapatid. Naramdaman niya ang bigat ng presensya ng mga ito at ang nag-uumapaw na kapangyarihan mula sa mga ito. Pamilyar sa kaniya ang isa doon. Iyon ang lalaking hinuli nila ni Sawyer at ang dahilan kung bakit sila naririto ngayon. Si Connor.
"Anong ginagawa mo dito?" napalingon siya sa likod nang marinig ang pamilyar na tinig. Nakita niya ang lalaking kanina ay sumundo kay Catiana sa hapag-kainan. Sa likod nito, ay mga taong hindi masyadong pamilyar sa kaniya ngunit alam niyang mula ang mga ito sa makapangyarihang pamilya. Base sa tindig ng mga ito, baka ang mga ito'y kasing-lakas niya o baka mas malakas pa.
"Anong nangyayari?" Hindi na niya napigilang magtanong kay Nicholas dahil sa labis na pagkagulo sa mga nangyayari sa paligid.
"You should go back to your room." sabi pa ni Nicholas. "Hindi mo na kailangang malaman pa." Mariing wika nito at nababasa ng binata ang nagbabantang tingin na ipinupukaw sa kaniya ni Nicholas.
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Is that Catiana's room?" tukoy niya sa kwartong pinagkakaguluhan ng mga tauhan. Hindi niya maipaliwanag ngunit ramdam niya ang namumuong tensyon sa bawat ugat niya sa katawan maging ang paglakas ng tibok ng puso niya. Nag-aalala siya sa dalaga, inamin niya sa sarili niya.
"It's better for you to go back to your room. Dapat ay maayos mo na ang iyong mga gamit dahil maaari na kayong ihatid pabalik ng aming mga tauhan sa inyong pack siguro ay tatlong araw mula ngayon." sabi ni Nicholas kaya natigilan si Mason. Pabalik sa pack? Ibig sabihin ay wala ng kasal?
Bahagya siyang nakaramdam ng kakaibang bigat sa kaniyang kalooban. Nanikip ang kaniyang dibdib habang nagpapaulit-ulit sa kaniyang pandinig ang sinabing iyon ni Nicholas.
"Bakit hindi natin hayaang makita niya?" Nakuha ng isang binata ang atensyon nila. Si Andrei. Kaagad nagtaka si Mason kung sino ang binatang iyon. Napatingin sila nang bumuntong-hininga si Nicholas.
"Iyon ang mahigpit na bilin ni Catiana kanina. Huwag na huwag hahayaang makapasok si Mason sa kaniyang silid pagsapit ng gabi." Lalong napuno ng katanungan ang isipan ni Mason sa sinabing iyon ni Nicholas. Bakit ipagbibilin ni Catiana ang bagay na iyon? Ano bang nangyayari?
Nilampasan na siya ng mga ito at nagtungo sa kwarto na sa tingin niya ay kay Catiana. Nanatili siyang ilang segundong nakatingin doon at napatitig nang ilang tauhan ang tumayo sa pasilyo na tila hinaharangan siyang makalampas. Napagdesisyunan niyang bumalik sa kaniyang silid kahit pa binabalot na siya ng pag-aalala para kay Catiana.
Nakabalik siya sa silid ngunit hindi siya makatulog. Gising ang diwa niya at wala siyang ibang nasa isip kundi si Catiana. Ano ba ang nangyayari kay Catiana at nagkakagulo ang lahat papunta sa kaniyang silid? Bakit binilin nitong huwag siyang papasukin sa silid?
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...