#2

2.2K 60 0
                                    

"Alpha!" naalarma si Mason nang marinig ang pagmamadali sa boses ng isa sa tauhan. Humarap siya dito at sinenyasan agad itong magsalita. Bakas sa itsura nito ang pagiging problemado base na rin sa hingal, pawis at nag-aalalang ekspresyon nito sa mukha.

"Alpha, si Sir Sawyer po ay nadakip ng mga hindi kilalang grupo ng mga lobo sa kagubatan." napakunot ang noo ni Mason sa narinig mula sa tauhan. Hindi niya mawari kung siya'y namali lamang ng rinig o hindi.

"Anong grupo?" tanong niya at napayuko ang tauhan. Tila hindi nito alam kung ano ang sasabihin. Bahagya itong nangilabot at nasindak sa panganib na dulot ng tinig at ekspresyong ipinapakita ng kanilang Alpha.

"H-hindi po namin naamoy. A-akala po namin ay mga normal na tao lamang kaya hinayaan naming makalapit pero nagulat kami nang marinig ang sigaw ni Sir Sawyer at bigla na lamang siyang naglaho kasama ng mga taong iyon." nanginginig na sagot ng tauhan kaya napakuyom ng kamao si Mason. Nagagalit siya sapagkat hindi niya akalaing ganitong katanga ang mga tauhan niya at pati si Sawyer upang ibaba ang depensa sa mga taong hindi nila kilala. Hindi man lamang ba nila naisip na baka isa iyong patibong?

Ngunit mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa kaibigan na itinuring na niyang kapatid simula pagkabata nito. Wala na siyang magulang o kahit na sinong kapamilya. Hindi niya hahayaang pati ang itinuturing niyanb kapatid ay mawawala rin. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at naunang lumabas ng silid. Mabilis at mabigat ang bawat hakbang niya na umaalingawngaw sa buong malawak na pasilyo ng mansyon.

Agad niyang inutusan ang mga tauhan na doblehin ang pag-iingat at protektahan ang mga lobong hindi marurunong lumaban. Sinubukan siyang samahan ng ibang tauhan ngunit bago pa sila makasunod ay naglaho na sa paningin nila ang Alpha na kaagad sumugod sa kagubatan.

Isang malaking kahibangan ang sumugod nang mag-isa ngunit mas napangungunahan ngayon ng emosyon si Mason. Hindi na siya nag-isip pa ng kung anong plano at kaagad sumugod nang walang pandepensa sa kung anuman ang kaniyang makakalaban.

Napatigil sa pagtakbo ang Alpha nang makarating siya sa lugar kung saan malakas ang amoy ni Sawyer. Suminghot siya sa hangin at napagtantong tama ang lugar na kinaroroonan niya. Naririto nga ang huling bakas ng amoy ni Sawyer ngunit bakit hanggang doon na lamang? Imposible namang naglaho na lamang basta ang mga iyon nang dakpin si Sawyer.

Doon ay natagpuan niya sa damuhan ang punit na damit ni Sawyer. Napakuyom siya ng kamao at suminghot sa ere upang maamoy kung saan dinala ang kaibigan ngunit talagang dito na ang huling amoy ng kaniyang hinahanap. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaiba sa mga nangyayari. Tila may mali at hindi niya matukoy kung ano.

"My father chose you, huh? Tch." isang pamilyar baritonong boses ang kaniyang narinig sa kaniyang likuran ngunit bago pa siya makalingon ay nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang batok dahilan para manlabo ang paningin niya at ang huli niyang nakita ay ang bulto ng lalaking nakatayo sa harap niya.

Papaanong hindi niya naramdaman ang presensya nito?

_______________________

"Connor!" May bahid ng tuwa at pag-aalala ang tinig ni Catiana nang makita ang bulto ng kapatid sa pintuan ng kanilang mansyon. Agad niyang nasilayan ang ngiti ng kapatid at pagbuka ng kamay nito para salubungin siya ng isang mahigpit na yakap.

Dinambahan niya ng yakap ang kapatid at agad tiningnan ang katawan nito kung may sugat ba o wala. Hindi niya pa rin alam kung saan ito nagtungo at kung sino ang mga dumakip dito.

"It's good to know that you're okay!" sabi niya at niyakap muli ang kapatid. Ramdam niya ang pagginhawa ng kaniyang kalooban. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan at ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag dahil nakikita niyang ligtas ang kaniyang kapatid.

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon