Catiana
"Good morning!" Bati ko sa lalaking kagigising lamang at agad napalayo nang ako'y makita. Natawa ako nang marahan at inilapag ang breakfast sa lamesa na inihanda ko para sa kaniya. "Kain ka na!" Masigla ang aking tinig bilang pag-anyaya sa kaniyang kumain.
"What do you want from me?" Hinarap ko siya at ngumiti.
"Sinabi ko na, 'di ba?" Sabi ko dahil tila hindi niya sineseryoso ang sinabi ko kahapon. Hindi ko naman siya masisisi dahil para sa kaniya ay biglaan ang lahat. Mabilis at tila bawat segundo ay minuto't oras ang katapat. Nakakunot ang noo niya at bakas ang inis sa gwapo niyang mukha. Hay... napakakisig talaga ng lalaking ito.
Sa kabila ng simple nitong T-shirt ay mas umangat ang kakisigang taglay niya. Actually, kanina ko pang pinipigilan ang sarili kong madistract ng kaniyang abs na bumabakat sa kaniyang damit. Hangga't maaari ay itinututok ko lamang ang aking paningin sa kaniyang mukha.
"And you think I'll believe that nonsense?" Mabangis ang kaniyang itsura. Nakalabas ang kaniyang kuko at tila handa na akong sugurin. Heto na naman ang pagsikip ng aking dibdib sa hindi malamang dahilan.
Masakit isipin dahil tila nakikita ko ang mahal ko na handa akong saktan. Natatandaan ko pa noong ipinangako namin sa isa't isa na walang iwanan at hinding-hindi niya ako sasaktan ngunit kapag nakikita ko ang Alpha na ito na galit na galit sa akin ay kumikirot ang puso ko. Paulit-ulit ipinapaalala sa akin ng kaniyang kilos at ugali na hindi siya ang dati kong kabiyak. Iba siya at isa siyang taong-lobo.
"Why would I joke about marriage? A werewolf wedding is sacred. Gumagana lamang ritwal kung nagmamahalan ang dalawang panig." Sabi ko.
"Hindi kita mahal." Aray. Napadaing ang aking isipan kasabay ng pagkirot ng aking puso sa direkta at prangka niyang pagsasalita. "Sino ka ba sa inaakala mo?" Napangiwi ako sa pagiging bulagaran niya. Oo nga naman, sino nga ba ako?
Isa lamang naman akong baliw na babaeng dahilan kung bakit siya ipinadukot ni ama. Ako naman itong biglang nag-alok ng kasal kahit hindi niya ako kilala.
"Ang harsh mo naman. Halika kain ka oh. Sa susunod ay natural na ito na ang gagawin ko pagkakagising natin sa umaga, asawa ko." Sabi ko at umupo sa silya upang masabayan ko siyang kumain. Hinintay ko siyang umupo sa aking harapan ngunit hindi iyon nangyari.
"I will never agree to that stupid idea. Wala rin naman kayong mapapala sa amin kaya't pakawalan mo na kami ni Sawyer." Seryosong sabi niya na hindi umaalis sa kinatatayuan niya. Ayaw niya talagang lumapit sa akin.
"I doubt Sawyer would agree to leave this place." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nagtataka at walang kaide-ideya sa kung anong nangyayari sa kaibigan sa labas ng kulungang ito.
"Bakit naman hindi?"
"Nahanap na niya ang kaniyang kabiyak." Nakangiting sabi ko at pumalakpak pa. Natigilan siya sa narinig at napaisip. Tila hindi kumbinsido at kaagad napakuyom ang kaniyang mga kamao.
"Anong ginawa ninyo sa kaniya?" Tinaasan ko siya ng kilay sa klase ng tanong niya.
"Asawa ko, do you really think na kaya naming kontrolin ang takbo ng mate thingy na iyan? We're not some kind of Gods and Goddesses to be able to do that. Although I look like one..." Bumalatay ang nagmamalaking ngiti sa labi ko habang naglalagay ng ulam sa plato niya. Ipinagtimpla ko rin siya ng kape. Wife material na ba ako? "Come on. Kumain ka na." Aya ko ngunit talagang hindi siya umalis sa pwesto niya. Maybe he doesn't want to be around me-- oh! That's for sure. Hindi na bago sa akin iyon. Ano pa bang aasahan ko?
Napabuntong-hininga ako at kinain na lamang ang pagkain ko. Pinakita ko pa sa kaniya kung paano ako sarap na sarap sa aking kinakain. Pahili lang, ganon.
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...