Catiana
"Catiana and Calvin will take lead on the first group. Cassandra will be on the second and Connor on the third group. Cosette will stay in the safe zone to protect the other innocent werewolves along with Nicholas." mukhang sang-ayon naman ang lahat sa ginawang pagpapasya ni Andrei.
Nakakalungkot man na hindi ko makakasama sa isang grupo si Mason pero may tiwala ako sa kaniya. Alam kong babalik at babalik siya sa akin ng buhay. Alam kong kaya niya. I am sharing the same power with my husband and I trust his capabilities. I know he handle do it.
Magkahiwalay din si Sawyer at Cassandra. Si Sawyer ay kasama sa grupo ni Connor. Si Andrei ay sa grupo namin at ang kambal ay sa grupo ni Cassandra. My dad and the other elders will be the one to face that Lincoln Ledger. Sana lamang ay walang mangyaring masama sa kanila.
Actually, the enemies started the war the moment they abducted me, but our side didn't fight. This night will be Lincoln Ledger's weakness and we will take this chance to end this nightmare.
Ipinaliwanag sa amin ang plano. Ang grupo nina Connor ang magsisilbing ambush sa tore kung saan nakakulong ang napakarami pang mga taong-lobo. Sigurado akong mula sa iba't ibang mga pack ang mga taong-lobo na iyon. Panahon na para lumaban at makauwi sa kaniya-kaniya nilang pamilya.
Sina Cassandra ang aatake sa kagubatan kung saan naroroon ang underground facility na ginagamit upang mapag-eksperimentuhan ang iba pang mga taong-lobo.
Sina Connor ang haharap sa hukbo ng kalaban na nasa tabing dagat. Malayo-layo ang lalakbayin kung normal na tao lamang sila ngunit dahil mga taong-lobo kaming lahat, siguro'y wala pang sampung minuto ay narating na iyon.
Ang aming grupo naman nina Kuya Calvin ang lulusob sa pinakasentrong bayan sa paanan ng bundok kung saan bihag ng mga taong-lobo ang buong mamamayang tao. Mga normal na tao.
We have to end these sufferings.
_______________
Isang katawan ang bumagsak sa lupa, walang buhay. Ngunit kung titingnan sa kabilang banda, napakaraming katawan ng mga taong-lobo ang nakahandusay sa lupa.
"Tapos na ang parteng ito." sabi ni Calvin kay Catiana gamit ang isip habang nakasilip sa pinto. Naghahanda na siyang pumasok sa malaking facility matapos mapatumba halos lahat ng gwardiyang nagbabantay sa labas.
Sinenyasan niya ang mga kasama na pumasok sa loob. Hinati niya sa dalawa ang mga taong-lobong kasama niya at pinapunta sa dalawang pasilyo. Apat kasi ang hallway na makikita pagkapasok. Ilang segundo siyang naghintay sa labas at nakahinga ng maluwag nang dumating sina Catiana.
Sumenyas din si Catiana sa mga kasama na hatiin sa dalawa at pumasok sa mga pasilyo.
"The other side is also clear." sabi ni Catiana pagkalapit sa kapatid.
"Where's Lincoln Ledger?" tanong ni Calvin dahil si Catiana lamang ang may kakayahang malaman ang amoy ni Ledger dahil siya ang nakakuha ng dugo ni Castriel.
Huminga ng malalim si Catiana at napakunot-noo. Ginawa niya ulit iyon at nanlaki ang mata.
"We got tricked! He's not here! He's heading towards Cassandra's group!" agad ding natigilan si Calvin sa narinig. Hindi handa sina Cassandra sa pagharap sa pinakapinuno ng kalaban! Hindi din angkop ang mga kasama niya sa lugar para labanan si Lincoln Ledger.
Base din kasi sa mga idinitalye ni Daniel sa kanila ay walang planong umalis si Lincoln sa lugar na kinaroroonan nila ngayon dahil naririto ang mga taong-lobo na may espesyal na dugo.
"Did he betray us?" nag-aalalang tanong ni Catiana. Tinutukoy niya si Daniel.
"We need to get the other werewolves out of here bago tayo pumunta kayna Cassandra." seryosong saad ni Calvin bago hinila si Catiana papasok sa pasilyo.
_____________________
"Cassandra! 70% of the werewolves are free." sabi ni Synthia pagkalapit niya kay Cassandra.
"Yung 30%?" tanong ng dalaga kay Synthia kaya napahinga ito ng malalim.
"Nasa pinakababang palapag sila ng facility. Hindi makapasok ang mga kasamahan natin dahil sarado." sagot nito.
"Hindi ba nila pwedeng sirain yung harang?" umiling si Synthia.
"Nakakonekta sa advanced technology nila ang pinto. Plus, kung dadaanin sa dahas, hindi rin kaya dahil bakal iyon at makapal pa." napabuntong-hininga si Cassandra sa nalaman. Napatumba na nila ang lahat ng bantay sa facility na pinuntahan nila kaya nakatutok nalang sila sa pagpapalaya sa mga taong-lobo na nakakulong doon.
"Can't we use grenades?" tila umaasang tanong pa niya.
"Of course not! Kapag ginamit natin iyon, maaaring gumuho ang facility sa baba at lalo tayong walang maililigtas at mas lalo rin tayong mababawasan." napakagat ng ibabang labi si Cassandra at napasuklay ng buhok.
"I'll go down." napatingin ang dalawa nang magsalita si Samuel.
"What?" tanong ni Synthia.
"Well someone needs to try to control the system. Hahanapin ko yung controls para mabuksan yung pinto." sabi ni Samuel. Labag man sa loob ni Synthia ngunit alam niyang wala ng iba pang mapagpipilian. Tutal ay may alam din naman sa mga bagong teknolohiya ang kaniyang kakambal.
May mga patibong pa din kasi sa facility kaya nag-aalala siya sa kakambal. Baka mapahamak ito.
"Thank you, Samuel." pasasalamat ni Cassandra sa lalaki kaya tumango ito.
"Be careful. This is a war, Samuel. Hindi ito yung mga patibong na ginagawa ni Catiana sa mga pumapasok sa kwarto niya o yung mga laro natin noon. Totoo na ito, Samuel." sabi ni Synthia. Ngumiti si Samuel at ginulo ang buhok ng kakambal.
Agad siyang nawala sa paningin ng dalawang dalaga. Inalalayan nila ang mga taong-lobo na nakalaya palayo sa facility na iyon. Kailangan nila ng pahinga at para rin magamot ang mga sugatan.
"Synthia, don't you think it's wierd?" tanong ni Cassandra habang naglalakad sa kagubatan kasama ang mga taong-lobo.
"Wierd? What do you mean?" tanong ng dalaga.
"Everything seems so easy. Kung digmaan ang pag-uusapan, hindi ba't parang masyadong madali ang mga nangyayari ngayon?" maging si Synthia ay napaisip sa sinabi ni Cassandra. Totoong naging madali nga para sa kanila na talagang nakapagtataka.
Natigilan ang dalawa nang may maramdamang kakaiba sa paligid. Nanlaki ang mata ni Cassandra at agad hinarap ang mga taong-lobo na kasama.
"RUN!"
BINABASA MO ANG
Mate
WerewolfAng El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo na nabuhay sa kasaysayan at kasalukuyang pinamumunuan ni Mason Finn Madden. Siya ay kilala bilang ma...