KINAUMAGAHAN, naging maayos na ang kanyang pakiramdam. Gayundin ang lagay ng panahon, bagaman may naiwan pa ring mga bakas ang bagyo sa labas ng kabahayan at kalsada.
Emir spent the night by her side. Pinunan nito ng alab ang nararamdaman niyang matinding deliryo. Na kahit hanggang sa kanyang pagtulog ay nararamdaman pa rin niya ang init ng mga bisig nito. Being in his arms feels like a home. It’s something that makes her excited and nervous at the same time. Tila sa pamamagitan niyon ay nahanap niya ang taong siyang poprotekta sa kanya.
Paggising ay siya na lamang ang mag-isa sa kama. Nakabalabal pa rin sa kanya ang kumot na binalot sa kanya ng lalaki kagabi. Ngunit hindi na niya nagisnan pa ito sa paggising. Maaga itong nagising at bumangon. At may pakiramdam siyang magiging awkward kung magigisnan nila ang isa’t isa ng umagang iyon. Mabuti at naisip iyon ng lalaki.
Dahan-dahan bumangon si Pamela sa kama. Mula sa nakahilig na kurtina sa sliding door ay nakita niya ang liwanag ng araw sa labas.
Bumuntonghininga siya. Kaagad sumagi sa kanyang isip na tawagan ang kapatid na si Alec. Marahil ay labis na itong nag-aalala para sa kalagayan, dahil ilang araw na wala itong balita tungkol sa kanya. Ang huli nilang pag-uusap ay noong nasa bahay nila sa binondo.
Dumiretso siya ng lakad tungo sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay hinubad ang suot na damit at sinuot ang damit noong nakaraang araw na suot. Nang sapat na maayos ang sarili ay saka lang siya lumabas ng silid at nagtuloy-tuloy sa sala. Hinanap ang lalaking si Emir nang sa gayon ay pasalamatan ito.
Sa paghahanap kay Emir sa iba’t-ibang parte ng bahay ay napadpad siya sa kusina. Nadatnan niya roon si Manang Tasing na naglilinis.
Binati niya ito. “Magandang umaga ho, Manang.”
“Magandang umaga rin, hija. Halika at mag-almusal ka na.” mabait na wika nito na ikinatango niya.
Umukopa siya ng upo sa isa sa mga upuan sa hapag at hinayaan ang matanda na hainan siya. Nang mapansin nito ang panay tingin niya sa paligid ay napangiti ito.
“Bakit tila may hinahanap iyang mata mo, hija?”
“Uhm, hinahanap ko ho si Emir. Nakita niyo ho ba siya?”
“Naku, maaga siyang umalis, Pamela.”
Her eyebrows furrowed. “Saan ho siya pupunta?”
“Aba’y patungo sa talyer at dadalhin ang sasakyan mo. Maganda na kasi ang panahon kaya wala na silang pinalampas pa. Ngunit huwag kang mag-alala, babalik rin iyon kasama na si Berting at ang anak kong si nena na sadyang namalengke.”
“Ah, ganoon po ba?”
Ngumiti at tumango ang matandang si Tasing. “O’ siya. Mag-almusal ka na. Huwag mo na silang hintayin, dahil bago pa man sila umalis rito ay kumain na ang mga iyon.” Tinuloy nito ang paghain ng pagkain sa kanya. “Heto na ang pagkain mo. Kapag gusto mo pa kumain ay sabihan mo lang ako.”
She nodded and smiled. Pagkatapos ay tahimik niyang sinimulang kumutsara nang pagkain sa hapag.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ay muli siyang nagtanong sa matanda. “Siya nga ho pala, maaari ho bang makahiram ng telepono? Tatawagan ko ho kasi ’yung kapatid ko overseas tungkol ko sa kalagayan ko rito.” aniya. Pagkatapos ay bahagyang ibinaba ang tingin sa pagkain. “S-saka ang asawa ko ho, siyempre.” She said in a awkward tone.
“Aba’y oo naman. Libre ang paggamit mo rito ng kahit anong gamit na kailangan mo. Walang tututol sa iyo. Pagkatapos mo kumain ay sa library ka na tumuloy at naroon ang telepono na ginagamit ni Emir.” bilin nito na ikinatuwa at ikinapasalamat ni Pamela.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)