Chapter 11

91 2 1
                                    

NANG tumawag si Pamela sa Hawaii ay hindi naging madali para sa kanya ang sumagap ng maayos na signal. She just finally went out to find the exact location. 

Sa ilang beses na pag-ring ng telepono sa kabilang linya ay si Alec ang sumagot. She was expecting her brother to scold her. At hindi siya nagkamali, nang mabosesan siya ay nag-aalalang mga salita at sermon ang natanggap niya.

"I was stuck here at poblacion when the typhoon was raging, Alec." she explained plainly.

Narinig niya ang mahinang mura ni Alec sa kabilang linya. "There is no one else to blame here but your husband."

"Nah, don't blame him, Alec. Kung hindi ako nagpakasal sa kanya dahil sa utang ay hindi ka makakapagsalita niyan ngayon." may ibig sabihin niyang wika.

Ilang sandaling nanahimik ang nasa linya. Naputol lang iyon nang muli siyang magsalita. "Kaya ako tumawag dahil gusto ko ipaalam na nasa maayos akong kalagayan. There you have nothing to worry about my condition." pagbibigay lubag niya sa kapatid.

Malalim na bumuntong hininga si Alec sa kabilang linya. "I had to apologize to you as well, Sunshine. Kung may magagawa lang sana ako na sabay tayong umuwi ng pilipinas ay gagawin ko. Pero alam mo naman na kailangan ko ng asawa mo rito." pagpapaliwanag nito na siya namang naiintindihan ni Pamela. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong magbagong buhay, lumayo sa bisyong kinaabalahan ko rito sa hawaii. Bagaman, wala akong takas kay Dylan kung tatalikuran ko siya ng ganoong kadali. At siyempre, ayaw kitang madamay at malagay sa pahamak hangga't sa maaari." Anito.

"Asan na nga ba siya, Alec?" tukoy niya sa asawa. Inaasahan na mag-aalala rin sa kanya ito bagaman tila parang wala man lang siyang narinig mula rito base sa sinasabi ng kapatid. 

"He was in meeting right now, Pamela. Why? Do you want to talk to him?"

Umiling si Pamela kahit hindi siya nakikita ng kapatid. "Uhm, hindi na, ang mahalaga ay nakausap mo na ako. Sabihin mo na lang sa kanya ang kalagayan ko. Huwag siyang mag-alala at makakarating rin ako sa santa parxedes. Tatawag na lang ako ulit sa oras na makarating roon." aniya.

"Makakarating sa kanya, pero sino ba ang taong kumupkop sa 'yo diyan?" tanong nito.

"His name was Emir Al-" sagot niya kasabay ang pagkawla ng signal. "H-hello?" aniya bagaman wala na siyang narinig sa kabilang linya. Kasunod niyon ang ended call.

Nang subukan niya muling tumawag ay hindi na muli pang gumana. Operator service na ang sumasagot. Sa parteng iyon, napabuga na lang ng hangin si Pamela. 

Nasa ganoon siyang kalagayan nang naagaw ng isang baritonong boses ang kanyang atensiyon sa bandang likuran niya. Nang lingunin niya ito ay ang lalaking si Emir na naimtim siyang pinagmamasdan, ilang dipa lang ang layo sa kanya.

"It's fun to watch you inside the house," he said, which surprised her. She took that as a compliment.

Humakbang si Emir tungo sa harapan niya. At nabigla siya ng sipatin nito ang noo niya ng walang paalam. 

Sa ganoon kalagayan. Muling nasilayan muli ni Emir ang namimilog na mga mata ng dalaga. Hindi katulad noong una silang nagtagpo nito. Takot ang nasa mukha, samantalang ngayon ay pagkabigla at pagkagulat na ang nasa mga mata nito.

Napangiti si Emir sa naisip ngunit iba ang dating niyon kay Pamela. He was like a magnet to her. Sa tuwing lalayo siya ay siya namang pagdikit nito sa kanya. Biglang lilitaw kung nasaan man siya.

"E-emir, what are you doing?" she asked habang salat pa rin nito ang noo niya. 

Amused na bumaba ang tingin nito sa kanya. "So, tama nga, tumalab ang yakapsul ko kagabi. Wala ka ng lagnat, at lalong hindi na kailangan pang pumunta rito ng Doctor na siyang magtitingin sa kalagayan mo." bulalas nito na ikinapula ng pisngi ni Pamela. Hindi niya batid kung gaano na pala kalapit ang mga mukha nilang dalawa ng lalaking si Emir. 

"G-ganoon ba?" naiilang niyang tugon. Iniiwas ang tingin sa mga mata nilang dalawa ng lalaki. And she couldn't possibly kung mangyari nga na matagpo ang mga mata nila nito. At hindi niya alam kung ano ang nararamdaman sa sarili sa tuwing kasama niya si Emir.

Tumango ang lalaking si Emir. At nang tanggalin nito ang palad na nasa noo niya ay roon lamang napag-alaman ni Pamela na kung gaano siya katagal na hindi huminga. Kahit siya nagulat sa ginawang iyon.

"And, at sa wari ko naman ay nakausap mo na ang asawa mo." anito na sa kanya.

Wala sa sariling tumango si Pamela.

"Talaga? Bakit parang malungkot ka pa din riyan?"

"Ako?"

"Sino pa ba bukod sa ating dalawa na narito sa labas?"

"Tama ka, at sa wari ko ay kailangan ko na rin umalis."

Kumunot ang noo ni Emir. "Ngayon na ba 'yan?" anito.

Wala sa sariling tumango siya na siyang ikinabigla niya ng ikinatutol ni Emir.

"No, hindi ka pa maaaring umalis rito," anito. Bakas ang ma-awtoridad sa salita.

"And why? Wala naman na ang bagyo at tsaka tatanawin kong utang na loob ang pagtulong mo sa aking ito. At kung iniisip mo na takbuhan kita dahil sa pagpapaayos ng kotse ko ay wag kang mag-alala. I can pay you, gaano man kalaki pati na ang mga nagastos mo sa 'kin." aniya siyang ikina-atras ni Pamela. Dumilim ang mukha nito sa sinabi niya.

"Iyan ba ang tingin mo sa isang kagaya ko? Ba't hindi mo tanungin ang sarili mo kung sino ang babayaran mo, Pamela. I don't need your money. At wala sa bokabularyo ko ang isang taong mapangmata."

"Hindi ako mapangmata. Tumatanaw lang ako ng utang na loob dahil labis-labis na ang nagawa ninyong pagtulong sa 'kin ni Manang Tasing."

"Kung gayon, kung iyan na ang basehan ng utang na loob. Iyong nadadala sa salapi? Puwes, mas magandang huwag ka ng magkaroon ng utang na loob." anito na siyang ikinapipi ng dalaga. Hindi akalain na iba ang pagkakakintindi nito sa sinabi.

"That's not what I intend to do." She answered.

"But that's how I feel to understand, Pamela." Emir's jaw tightened. He leaned his head to her, na siyang ikinaatras ni Pamela. Bagaman ganoon rin ang ginawa nito hanggang sa hindi niya namalayan na nabunggo na siya saharapan ng sasakyan.

"Do you really think na madadala mo ako sa pera mo? O' sa pera ng asawa mo?" galit ng nasa tinig nito.

"Huwag mong masamain ang pagbibigay na utang na loob ko sa 'yo, Emir." she tried not to break her voice.

Nang ilapat nito ang mukha nito sa kanya ay halos panagutan ng hangin si Pamela na ilayo kaagad ang mukha paatras na kamuntikan niyang ikalaglag niya sa hood ng sasakyan bagaman, mabilis ang kamay ni Emir at kaagad siyang sinalo ng mga bisig nito. 

Wala sa sariling napakapit siya sa prominenteng balikat ng lalaki. At sa ganoon kalagayan ay hindi niya inaasahan na may mararamdaman siyang kakaiba sa pagitan ng katawan nito. Napasinghap siya roon at kaagad ring itinulak ang lalaki papalayo.

Naguguluhan na umiling si Pamela sa naramdaman. Tila siya pa ang nahiya sa nangyari. Nang tumingin siya sa lalaki ay pinagtibay niya ang mukha. Pinalis ang kaninang naramdaman. "Kung ayaw mo ng utang na loob ko. Rerespituhin ko iyon. Bagaman, sasagarin ko na ang pagtulong mo sa akin." Aniya. 

Tiim lang siyang tiningnan ng lalaki. Tila hinihintay ang sasabihin niya.

She took a deep breath before she spoke. "Kung maaari, pwede bang ihatid mo ako sa santa parxedes?" she asked. Kailangan na niyang umalis sa madaling panahon sa lugar na iyon. Hindi niya sasayangin ang panahong kasama niya ang ibang lalaki kaysa ang pamilya ng kanyang asawa. Alam niya, hinihintay rin siya ng mga itong dumating bagaman hindi alam kung kailan. And nanakawin niya oras na iyon upang makaalis na at nararamdaman niyang hindi na maganda ang pakiramdam niya na kasama ang lalaking si Emir.

PS: Next???

Husband's Step-Brother (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon