Chapter 2
PAMELA gripped the steering wheel tightly. Hindi halos makita ang daan patungong santa praxedes. Ang wiper ng windshield ng sasakyan niya ay halos ‘di kayanin ang malakas na patak ng ulan sa salamin.
Alas-siete y media na ng gabi at hindi niya pa natatanaw ang kabahayan. Napakadilim sa magkabilang bahagi ng daan. Kinakabahan sa kaalamang isang maling maniobra, ang sasakyan niya’y maaaring dumiretso sa bangin.
“Damn it!” She swore for the third time in the span of three minutes.
She never used to swear, but she did now. She was driving in the middle of the night kalakip ang sama ng panahon. Nang maramdamang unti-unting namamatay ang engine ng kanyang sasakyan. Nakuha niya pang tumabi sa gilid ng daan bago tuluyan itong sumuko at namatay.
Nilinga niya ang labas ng paligid. Hindi maaring iyon na ang katapusan niya. Malakas ang ulan at umaalimpuyo ang ihip ng hangin. She was scared but not of the dark per se. Kundi mas kinakatakutan niya kung ano ang masamang nakaabang sa kanya sa bagyo.
Noong nagdaang gabing mag-check-in siya sa isang three-star hotel, nabatid niya ang balita tungkol sa paparating na bagyo. Pero hindi niya inalintana iyon dahil maganda naman ang panahon nang umalis siya sa hotel.
Kahit pa umabot sa puntong bumagyo, naniniwala siya na makakarating siya sa Santa Praxedes nang walang aberya. Ngunit sa kasalukuyan, hindi niya inaasahang haharapin niya ang hindi inaasahang pangyayaring mamamatayan siya ng baterya.
Kanina, habang nasa daan siya ng Sanchez Mira Road, nagsimula ang ulan na tumila-tila. Ngunit paglipas lang ng isang oras, nagsimulang lumakas ang hagupit ng hangin at ulan - isang malakas na pagbuhos na hindi niya inaasahan.
Bakas ang pangamba sa mukha ni Pamela. Her mind was racing with concerns. Nahihirapang alisin ang frustrations sa kanyang sistema. If only she weren't impatient to reach Santa Praxedes, sino ba ang mag-aakala na ang kanyang sasakyan ay biglang titirik?
She sighed and took a glance on her watch. Isang oras pa bago marating niya ang santa praxedes. Biglang naalala ang pagpapakasal niya kay Dylan three months ago. Ang lalaking dalawampu't dalawang taon ang agwat sa edad niya. Nasa forty-five ang edad ng kaibigan ng kapatid niya na pinagkakautangan nito ng malaking halaga.
Good-looking at matipuno ang napangasawa niya subalit wala siyang ni katiting na pagtingin dito. Kinikilabutan siya sa bawat pagdantay ng mga kamay nito sa braso niya noong unang gabi ng kanilang kasal.
Ang nakapagtataka ay ang pagpapaubaya nito sa kanya sa sariling hotel sa panahong nasa Hawaii siya. Kahit labis na ang nakikita niyang sensual na init sa mga mata nito noon.
Dylan was polite, sweet, and civilized. Golf, shopping, at minsan ay isinasama siya nito sa casino para gawing dekorasyon. Subalit hindi interesado sa kanya si Dylan, sexually. Nagtataka man ay labis niyang ipinagpasalamat iyon.
Masuwerte na lang din at mabait ito sa kanya kahit papaano.
Ngayon nga'y papunta siya sa pamilya nito sa santa praxedes. Iyon ang usapan nila ni Dylan. Uuwi siya sa santa praxedes at maghihintay roon hanggang sa pagdating nito. Susunduin siya upang sa Maynila na tuluyang mamalagi.
May bahay ang asawa niya sa Antipolo. Actually, doon siya galing matapos niyang dalawin ang sarili nilang bahay ni Alec.
Naramdaman ni Pamela na kumakalam na ang tiyan niya. Hindi niya naisip na lagyan ng maraming laman ang sikmura. Subalit huminto siya sa isang shop kanina at um-order ng Latte Macchiato and ham—swiss croissant. But she was too tired to eat. Nakakadalawang kagat pa lang sa croissant ay umayaw na kaagad siya.
Now, aside from being tired, she was also hungry. Kung tutuusin ay kulang isang oras dapat ay nasa santa praxedes na siya. But she couldn't possibly get there by walking along in this kind of weather.
Bumuntong-hininga siya. Kaagad may naalala. Pahablot niyang iniabot ang bag na nasa passenger seat. Kinuha roon ang cellphone at binuhay.
Sino sa mga kaibigan niya ang tatawagan niya para hingan ng tulong? Nasa Maynila ang mga ito at malayo ang lugar na kinasasadlakan niya. Kahit sa santa praxedes ay hindi siya makakatawag. Hindi niya alam ang numero ng landline roon. Nakalimutan niyang hingin o ibigay sa kanya ng asawa.
She decided to dial her husband's number from Hawaii. Dylan could at least call at santa praxedes para utusan ang ilang tauhan doon upang ipasundo siya. Subalit nagbigay ng warning ang cellphone niya na lowbat na siya.
In dismay, she furiously threw the cellphone into the adjacent seat.
She snorted. She could not stay there and cried. O 'di kaya palipasin ang oras na mag-isa sa gitna ng daan at bagyo.
Inayos niya ang sarili. She sniffed and pounded on the steering wheel and gave the ignition one more try. Subalit hindi iyon umandar.
Muling nawalan ng lakas at pag-asa si Pamela. Ngunit sa nanlalabong window glass, dahil sa ulan, ay may naaninag siyang liwanag nang paparating na sasakyan sa kabilang lane.
Malapit siya sa bangin at dahil probinsiya at bumabagyo pa, malamang na aabutin pa ng isang oras bago pa may sasakyan na magmamagandang loob na tulungan siya. Iyon ay kung may bumabiyahe man sa ganitong panahon.
Hindi na siya nag-dalawang isip at binuksan ang pinto ng kanyang kotse saka mabilis na bumaba. Hindi ininda ang malakas na hangin at tikatik ng ulan na sumalubong sa mukha niya.
Tinakbo niya ang patungo sa kabilang lane at iminuwestra ang kamay upang parahin ang paparating na sasakyan.
Bahagyang nag-menor iyon, malayo pa man sa kanya, pero hindi ito huminto. Sa halip ay lumiko ito sa kabilang lane upang iwasan siya at nagtuloy-tuloy na tumalilis.
“Hey!” sigaw niya. Ikinaway ang mga kamay sa ere. Ngunit nagpatuloy iyon sa mabilis na pagtakbo.
Nanlulumong sinundan niya iyon ng tingin. She could not blame the driver. Kahit siya man ang nasa lugar nito ay hindi rin siya hihinto. Subalit, paano niya naisipang bumaba na lang bigla mula sa sasakyan at pumara?
Malalim siyang napabuntong-hininga.
Now what? Would she stay inside the car until morning?Napangiwi siya sa naisip. Paano kung may masamang taong maparaan at balak siyang gawan ng masama? Pero marunong siya ng martial arts.
Noong elementary at high school siya, nag-aral siya ng martial arts, more as a form of balanced, full-body moves, and mental discipline. Bagaman never niyang nagamit ang natutunan niyang skills na iyon.
Inikot niya ng tingin ang paligid. The whole place was densely forested. Mga nagsisitaasang puno at bushes na sumasaklaw sa kalsada.
She tried to re-arrange her mind. Hindi siya dapat nag-iisip nang hindi makabuluhan upang takutin ang sarili. Kailangan niyang magpakatatag.
Tumingala siya sa madilim na kalangitan at malayang tinanggap sa mukha niya ang mga patak ng ulan. Hindi inalintana ang basa niyang kasuotan.
May damit siya sa maleta pero hindi niya naisip na maghuhubad siya sa loob ng sasakyan para magbihis. Kahit pa madilim. Titiisin niyang basa ang damit.
Lumakad siya pabalik sa sasakyan. Malapit na siya sa gitna ng daan nang gulantangin siya ng isang malakas na busina.
In horror, lumingon siya at hinawi sa mukha ang bawat patak ng ulan na kalauna'y iniwas din ang paningin dahil sa nakasisilaw na liwanag mula sa headlights ng isang paparating na sasakyan.
She was stunned and frozed. Anumang sandali ay masasagasaan siya ng paparating na kotse. With no time to react, she could only close her eyes tightly. And all she heard was the car overtaking.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)