“PAMELA, wake up.”
Iyon ang narinig ni Pamela sa kanyang panaginip bago siya humahangos na nagising. Nagisnan niya ang nag-aalalang mukha ni Emir. Hawak nito ang pisngi niya.
Sa sobrang kabang sumakop sa dibdib niya ay bumangon siya at nayakap ang lalaki.
“Hey, It’s alright. I'm here for you.” pag-aalo nito sa kanya. Hinimas-himas ang likod niya para kumalma siya. Nanatili silang ganoon ng ilang sandali.
Pagkatapos ay saka siya bumitiw sa lalaki. Sumandig sa headboard at nasapo ang noo. Her husband's wants to kill her in her dreams. Dahil ba iyon sa pagtataksil niya rito? Napalinok siya kahit na ang lalamunan niya’y ay nanunuyo dahil sa panaginip.
Nang makita ni Emir ang pamumutla ng babae ay tumayo ito at hindi niya alam kung saan ang tungo nito. Pagbalik na lang ay may dala na itong isang basong tubig.
Iniabot nito iyon sa kanya at at hindi siya nagpaligoy-ligoy na inumin iyon. Pagkatapos ay naupo ito sa gilid ng kama at sa sitwasyong iyon ay tumaas ang kamay nito tungo sa ulo niya at inalis ang nagulong buhok na inipit sa kanyang tenga. Nabigla man ay hindi na niya iyon binigyan pa ng kahulugan. Nalilito lang siya sa naging panaginip niya.
At tila bumabait na ang pakikisama sa kanya ng lalaki.
Ang nanghihinang katawan ni Pamela ay lumakas na at gumaan na ang pakiramdam niya nang uminom siya ng tubig.
Naramdaman niyang dehydrated siya ng mga oras na iyon.
“You’re having a nightmare, Pamela. Kaya ginising kita.” he softly said. “Is there something bothering you?” aniya. Sinipat siya nito.
Umiling si Pamela at ibinigay ang baso rito. “Nothing, its a horrific nightmare na kinakatakutan kong mangyari.”
“Mangyari ang alin?” he asked.
“Ba’t ang dami mong tanong? Mamaya magising itong anak mo oh.” wika niya nang ituro ng nguso nito ang anak.
“What? Do you want me to kiss you?” anito na siyang ikinabigla ni Pamela. She look at him unbelievably.
“What are you talking about?” she snorted. Labas sa ilong ang sinabi niya.
“Oh, common. Nginunguso mo iyang bibig mo sa akin.”
Pamela gasped. Tila isang malakas na hangin ang dumaan sa kanya. “Of— course not, ano ka sinuswerte? Ang sabi ko, ay baka magising itong si Bea. Siya ang itinuturo ng nguso ko at hindi ikaw.”
“Pero nang humarap ka sa akin, nakanguso ka pa rin.” anito na may nakakalokong ngiti sa mga labi at may idinagdag. “At parang sinasabi mo na rin na natatakot kang mangyari iyon?”
“Hindi ako natatakot.” sagot niya.
“Really?” sagot niya. Pagkatapos ay nabigla na lang siya ng lumapit ito sa kanya na siyang ikina-atras ng ulo niya.
At hindi nakaligtas sa mga mata ni Emir ang inosenteng mukha ng babae sa kanya. “May tanong ako, Pamela.” wika nito. At ganoon na lang ang init na naramdaman niya ng makitang bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. At sapat iyon na hindi siya makapagsalita.
“Paano mo minahal si Dylan?” tanong nito.
Sandaling natigilan si Pamela. Hindi alam ang sasabihin. At ano naman ang isasagot niya? Nang mapansing hindi siya makapagsalita ay inilapit pa ni Emir ang mukha nito sa kanya.
“Uulitin ko, Pamela? Bakit at paano mo minahal ang tulad ni Dylan?” ulit nito.
Ganoon na lang ang pagpigil ng paghinga niya nang malaman kung gaano kalapit sila isa’t isa ni Emir. Bagaman hindi niya binigyan ng katuwaan ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)