“ALONE?” mula sa likod ni Pamela ay si Emir ang napagsino niya. May tinatago itong ngiti sa mga mata. Doon ay nawala ang ngiti niya.
“Anong dahilan at bakit ka nakangiti?” he huskily asked. Pagkatapos ay humakbang palapit sa kanya.
Tiningnan niya sa kung sino ang tinitigan niya mula sa ibaba. At nang makita nito si Bea at Vivienne na nagkukulitan ay napatango-tango ito. “I see.” anito at hinarap siya.
“Hindi ko alam na mababaw ang kasiyahan mo.” mayamayang wika nito.
“Why don't you joined them?” tanong niya na ikinalingon nito sa kanya.
“I was with them kanina. At natutuwa ako sa nangyayari sa pagitan namin ni Vivienne at anak namin na si Bea.” he said. Pagkatapos niyon ay bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa.
“And you . . . thanks,” mayamayang wika nito. Na kinalinga ni Pamela sa lalaki.
“Sa ’kin?” tukoy niya sa sarili.
Emir nodded.
“For what?” aniya. Sinundan niya ng tingin ang lalaki.
Inihilig rin ang braso sa barandilya ng teresa, tulad niya. “For made me to decide na huwag hiwalayan si Vieviene. Thank you, dahil dumating ka sa buhay ko. To made me realize na hindi na kailangan pang tumingin sa iba. Ikaw ang pinaka-espesyal na dumating sa buhay ko and hindi ko pinagsisihan na maayos na ang lahat.” aniya.
Mapait naman na napangiti si Pamela. Tila nalungkot siya sa huling sinabi nito bagaman masaya siya dahil nabuo muli ang pamilya nito. “Wala ’yun. At tama lang na huwag natin pairalin ang nararamdaman sa isa’t isa. Magulo,”
“Sobra, sobrang magulo diyan sa naiisip mo.” wika nito.
“Hindi magulo ang isip ko, nakakaisip pa ako ng tama.” sagot niya.
Emir chuckled. Iniba ang topic. “Oras bumalik ka ng Maynila. Sa tingin mo magkikita pa kaya tayo?” tanong nito. At nang tingnan niya ang lalaki ay seryoso na ang mukhang nakatitig ito sa kanya.
Nalungkot man ay pinilit ni Pamela ang ngumiti. “Ewan ko, siguro? Kung may pagkakataon pa.” sagot niya.
Siguro ay hindi na. Bulong ng isip ni Pamela. Siguro ay hindi na dahil, inaayos at pinaplano na ni Alec ang pagtakas nila sa kamay ni Dylan. At hindi niya maaaring sabihin rito ang lahat.
“Today was your last day here for staying. And I think you have made your decision na tuluyan ka ng sasama kay, Dylan.”
Tumango si Pamela na tila naiintindihan ang lahat. “Mag-iingat ka.” mayamayang wika nito na siyang ikinaangat ni Pamela ng tingin sa lalaki.
Mula roon ay may ilang sandaling magkahinang ang mga mata nila sa isa’t isa. Tila sa pamamagitan niyon ay nag-uusap ang mga mata at puso ng bawat isa.
And with that, hindi mapigilan ni Pamela ang maluha habang nakatitig sa mga mata nito. Tumaas naman ang kamay ni Emir tungo sa pisngi niya upang punasan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata.
Hinawakan ni Pamela ang kamay ni Emir sa pinsgi niya. Doon ay banayad na pinatakan niya ng halik ang palad nito.
Emir smiled. Ang libreng kamay ay tumaas at inabot ang kabila niyang pisngi. “Be brave, sweetheart.”
Hindi mapigilan na mapahikbi si Pamela. Tahimik siyang naiyak sa ilalaim ng mga kamay nito. May pagsisi siyang naramdaman at kalungkutan na hindi na niya makikita pa si Emir. Muling isang alaala na lang ito sa kanya sa matagal na panahon.
Magpapakalayo na siya at hindi na niya kailanman makikita at mahahawakan ang lalaki.
Nang yakapin siya ni Emir ng mahigpit at mariing hinagkan sa noo ay lalo niyang mamimiss ang lalaki. Mahal niya ang lalaki. At mas maganda na sigurong ibigin niya ito ng lihim at nang sa gayon ay hindi na ito mabigyan ng lakas ng loob na ilapit ang sarili nito sa kanya. Hangad niya ang kaligayahan nito kasama ang pamilya.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)