MATAPOS ilapag ni Pamela ang dalang palumpon ng bulaklak sa nitso ay ilang sandali siyang nanatili roon.
It's been a week since the tragedy happened. At hindi niya makalimutan ang nangyari. It haunts her every night. Isang buhay ang binawian dahil sa malagim na pangyayari.
"Pamela, Let's go. Maiiwan na tayo ng eroplano." wika ng kapatid sa kanyang likuran.
"Kaunting oras pa, Alec. Nais ko lang gugulin ang oras na ito sa pinakahuling sandali." she said.
Nag-aalinganan man ang mukha ng lalaki ay naintindihang tumango na lang ito. "Alright, hihintayin na lang kita sa sasakyan." he understandably patted her on the shoulder.
Tumango siya habang hindi nililingon ang kapatid. Nang maramdaman na siya na lang ang nag-iisa ay ngumiti siya ng malungkot habang nakatingin sa pangalan ng nasa nitso. "Siya nga pala, pagkatapos nito. Babalik na kami sa dating bahay namin sa binondo. Doon na ko mamumuhay ng tahimik kasama si Alec. Dahil kailanman ay hindi na tayo magkikita. Kailangan kong kalimutan ko ang lahat at magsimula ng panibagong buhay." hindi maiwasan ang pagtulo ng namumuong luha niya sa pisngi.
Sa muli niyang pagtayo ay naramdaman niya ang simoy ng hangin. And then she slowly close her eyes. Ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib ay nawala.
She smiled bitterly. Pinahid ang luha sa pisngi gamit ang palad. Pagkatapos ay walang lingon likod na tinalikuran ang nitso at tumuloy na sa naghihintay na si Alec sa kotse.
Tahimik siyang naupo sa driver seat. Nang makitang iniabot sa kanya ni Alec ang panyo nito sa kanya. "Nasabi mo ba ang nais mong sabihin sa kanya?"
Umiling siya. "Hindi, ano pa ang silbi ng mga sasabihin ko kung hindi na niya naririnig. It will come past, Alec. Ngayon, buo na ang isip ko na sumama sa 'yo."
Alec smiled. "Magsisimula tayo ulit, my sunshine."
She smiled sweetly and hug her older brother. Humigpit ang yakap niya rito. Panghahawakan niya ang pangako ng kapatid na si Alec. Dumaan man ang unos sa kanilang magkapatid. Nariyan sila sa isa't isa na handang dumamay at sabay harapin ang problema. Hindi nila iiwan ang isa't isa.
ISANG buwan pa ang lumipas ay tuluyang tinupad ni Alec ang hiling niya. Hindi nito siya binigo. Nakahanap ito ng trabaho sa isang restaurant bilang supervisor. Samantalang si Pamela ay binalak niyang mamasukan sa pagiging tindera sa palengke. Simple lang nasimulan nila subalit hindi naging hadlang iyon para hindi sila mabuhay sa pang-araw araw.
"Pamela!" si Aling Trining na minsang tinawag ang dalaga sa gitna ng kalye. Pauwi na siya galing palengke.
"Bakit ho, Aling Trining? Magpapareserba ho ba kayo ng isda? Ano hong klase?" salubong niya sa ale.
"Naku, hindi iyon ang sadya ko sa 'yo, hija. Kaya kita tinawag dahil may naghihintay na sasakyan sa labas ng bahay niyo."
Biglang nangunot ang noo niya. "Sino ho?"
"Aba'y di ko alam. Pero tingin ko ay mayaman. Hindi kaya'y manliligaw mo? Ikaw ha, isa ka lang tindera ng isda sa palengke pero ang yaman ng nabingwit mo."
"Naku, hindi ho, Aling Trining. Baka kaibigan lang ho ng kuya. Pinaalam niya kasi sa akin na darating raw ang kaibigan niya galing Maynila. Kaya baka ang tinukoy niyo ho ay iyon."
"Ay naku, sige na. Humayo ka na at umuwi. Kanina pang alas kuwatro nariyan ang kotse." anito pagkatapos ay nagpaalam na.
Naiwan napapaisip si Pamela. Hindi niya malalaman ang taong iyon kung hindi niya haharapin ito.
Sa pag-uwi ng dalaga ay mabilis ang paglalakad niya. Hanggang makarating sa bahay ay hindi niya nakita ang sinasabi ng matandang si Trining.
Napabuntong hininga ang dalagang binuksan ang gate. Marahil ay hindi totoo ang sinasabi nito o di kaya'y umalis na ang nasabing panauhin.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomansaUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)