Chapter 1

1.5K 33 7
                                    

Chapter 1

Waikiki Beach Resort, Hawaii

AS SHE effortlessly glides on her surfboard, Pamela extends her arms and fearlessly confronts the towering waves. She waits for the perfect moment and meets the surge head-on. Sa isang mabilis na galaw, she propels herself up, finding balance as she ascends above the water.

With each turn and twist, she gracefully maneuvers through the water. Surrounded by a misty halo created by the ocean spray. Her radiant smile reflects the exhilaration of the ride, embodying the freedom and adventure that defines a surfer's lifestyle.

It was her first time attempting such a feat. Wakesurfing was one of the tricks she was eager to master. Kaya nang magkaroon siya ng opportunity na matuto ay dalawang linggo niyang inaral ang surfing noong nasa Maldives siya. At sa loob lamang ng dalawang oras ay ngayon nga’y nagawa niya. Kung kaya’y walang pagsidlan ang nararamdaman niyang saya.

Nakarating si Pamela sa pangpang ay nakangiting kinawayan niya ang kapatid na nasa lilim ng puno.

Gumanti ng kaway si Alec, sinenyasan siyang bumalik na. Umahon siya sa dagat dala ang surfboard at nakangiting nilapitan ang kapatid na inundayan ng apir.

“You did great!” tukoy nito sa surfing riding niya.

“Thanks.” aniya na tinanggap ang inabot nitong inuming in can at ininom iyon.

“Pagod ka na ba?” nakangiting tanong nito nang mapansing napagod siya sa ginawang pag-surfboarding, habang nilalagay ang puting tuwalya sa kanyang mga balikat.

“I’ve never been tired, Alec. Kahit pa na, biglaan ang punta ko dito sa Hawaii. Basta ba ikaw ang taya ngayon,” nakangiting sagot niya.

“As always, lagi kong hahayaan mangyari iyon. Ako ang humiling sa iyo na pumunta dito sa Hawaii, pagkatapos ng lahat,” ganting sagot nito bago siya inakbayan. “. . .kaya ako na ang bahala sa lahat. Consider me as your personal chaos coordinator.” he added with a grin.

Giliw na natawa ang dalaga.

“Babalik na ako sa hotel,” mayamayang wika niya.

“Let’s go then,” anito na nauna nang humakbang.

“You don’t have to. Kaya ko namang bumalik mag-isa sa hotel.” hindi niya gustong abalahin ang kapatid sa pagre-relax nito.

“Not a problem, I definitely wanna go back to the hotel. Besides, may mahalaga tayong pag-uusapan, my dear little sister,” seryosong wika nito.

She shrugged. “Sounds important,” aniyang sinundan ng tingin ang seryosong mukha nito.

“Sa hotel na natin pag-usapan,” anito. Pagkatapos ay nagpatiunang naglakad sa kanya. Si Pamela ay hindi maiwasang mapaisip.

Sa loob ng elevator ay walang kibuan ang magkapatid. May agam-agam sa dibdib ni Pamela. Tatlong araw na mula nang dumating siya rito sa Hawaii at alam niyang hindi siya papapuntahin ni Alec kung hindi maganda ang dahilan nito.

Taon-taon ay entitled ang out of the country vacation niya. Subalit sa taong ito ay apat na beses siyang labas-masok ng Pilipinas na ang pagitan lamang ay dalawang buwan.

“Bibigyan kita ng tatlumpung minuto para maligo at magbihis. Hihintayin kita sa restaurant sa ibaba,” wika ni Alec nang nasa tapat na ito ng silid niya.

Isang tipid na ngiti at tango ang naging tugon niya sa kapatid. Pagkatapos ay tumuloy na si Alec sa sariling hotel room.

Binuksan ni Pamela ang pinto ng silid sa pamamagitan ng pagtipa niya ng passcode. Nag-shower siya at nagbihis ng flowy sundress and paired of flip-flop sandals. Matapos mag lagay nang kaunting make-up ay bumaba na rin.

Husband's Step-Brother (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon