WALANG NAGAWA si Pamela kundi ipagpabukas ang pagbiyahe niya dahil kalakip na maayos-ayos na ang ang panahon, bagaman ang tulay papuntang sanata parxedes ay hindi pa gaanog mababa ang tubig. Kung kaya ’y wala siyang magagwa kundi ang manatili roon ng isa pang araw. It wouldn’t be better kung ipagtutulakan na naman niya ang desisyon, subalit kailangan niya rin naman makasigurado na maayos na ang lahat bago sila lumakbay at wala ng aberya pa ang mangyayari. Naalala niya pa ang sinabi sa kanya ni Emir kanina sa labas.
“Hindi tatakbo ang santa parxedes kung nagmamadali kang makarating kaagad doon.” Wika nito sa kanya na siyang hindi na kinontra pa ni Pamela. Sa tuwing may bangayan sila nito ay minsan hindi na rin niya alam ang mga lumalabas sa bibig niya. Kung tama ba ang mga pinaglalaban niya o hindi. Pero kung iisipin. Kaligtasan ang laging importante kapag may sakunang nangyayari. At tama ang lalaki. At siya, ipinapakita niya lang ang katigasan ng ulo niya.
Ngayon, she was in the kitchen, habang kausap si Manang Tacing at ang batang si Nena. Nagkakatuwaan sila habang gumagawa ng merienda. Hapon na at nang tingnan niya ang oras sa wristwatch ay alas kuwatro bente y singko na. Habang nag-uusap ay hindi mawaglit ang panay tingin ni Pamela sa labas kung nasaan ang lalaking si Emir at si Manong Berting. Gumagawa ito ng isang pugon upang gawing bonfire sa oras na dumating ang gabi. Hindi niya batid na kaarawan pala noong araw ni Manong Berting at nais na magselebra kahit na simpleng salo-salo mayamayang gabi.
Mula sa pagkakatingin sa labas ay inagaw ng mayordoma ang atensiyon ni Pamela. “Nais mo bang pumunta sa labas, hija?
Nahihiya man ay ngumiti lang si Pamela. Hindi maaaring sabihing oo, dahil baka mamaya ay iba ang isipin nito.
“Kung gayon ay, maaaring ibigay mo ba itong merienda kay Berting at kay Emir nang sa gayon ay may dahilan ka. Nakita ko na masiyado kang interasado at curious sa ginagawa nila.” dagdag pa nito.
Walang tutol na tumango si Pamela at ngumiti. “Sige ho,” she said. At inaboot ang tray na hawak nito na may lamang sandwitch at orange juice. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na lumabas. “Hindi ko maisip na kuryusidad ang nasa mukha ni Miss Pamela sa ginagawa nila Sir Emir at Itang Berting sa labas.” si Nena
Nangunot ang noo ng matanda kay Nena. “Ano ang ibig mong sabihin, Nena?”
Nagkibit balikat ang dalaga. “Nakita ko ho kasing kay Sir Emir nakatingin si Miss Pamela eh.” komento ng batang si Nena sa hapag habang naghihiwa ng mga rekado. Natigil lang nang magsalita ito.
Natigilan sa paghihiwa ng karne si Tacing. Hindi ito sinaway ni Tacing bagaman sa pakiwari niya ay iyon rin ang nakita niya sa mga mata ng babaeng si Pamela. Hindi ang binigyang atensiyon at hindi maiisip na mapapansin rin iyon ng batang si Nena.
“Ang ibig bang sabihin niyon ay may gusto si Miss Pamela kay Sir Emir?” Doon ay nagulat si Nena ng napalakas ang paghiwa ng Matanda sa karne. Pinagalitan ang babae. “Ano ka ba, huwag mong pag-isipan ng ganyan iyong tao. Ki bata-bata mo lang eh, iba na yang nasa utak mo. Hala sige bumalik ka na sa paghihiwa ng rekado. At sanay iyang mga nakita mo ay sarilinin mo na lang.”
Mula sa labas ay nagtuloy-tuloy ang si Pamela sa paglakad tungo sa dalawang lalaking abala sa pag-aayos. “Mag-merienda ho muna kayo, Mang Berting. Emir.” Aniya sa masayang tinig.
“Ay, sige Ma’am. Pakilagay niyo lang po diyan sa lamesa.” Anito na siya namang ginawa ni Pamela. Pagkatapos ay tumayo at niyaya si Emir na tahimik naman tumayo at sumunod.
Pinilit na ngumiti ni Pamela sa matandang lalk. “Wala ho iyon. Hindi ko alam na kaarawan niyo ngayon.” Simula niya sa pag-uussap.
“Aba’y, nagpapasalamat nga ako at wala na iyong bagyo kahit papaano. At nang sa gayon ay makapagselebra ako ng aking kaarawan kahit simple.” May tuwang wika nito.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)