Chapter 15

86 1 0
                                    

PAMELA went all over the house. Looking for things new to her. Hindi dahil sa ipinaki-usap sa kanya ni Doña Theodora, kundi dahil nais niyang malibang. Ubusin ang oras niya at sa huling parte bahay na pinuntahan niya ay nadala siya ng mga paa niya sa entrada ng terasa, mula sa pangalawang palapag ng bahay na iyon.

May dala-dala siyang sketch pad, canvas, charcoals, iilang mga watercolor at oil paint na nakalagay lahat sa isang knapsack. Ang pagpipinta at pagguhit ang ilan sa mga madalas na libangan ni Pamela. Bata pa lang siya ay nadiskubre na niya iyon sa kanyang sarili. That she inherited her talent from her mother. At kahit hindi naman niya noon kahiligan ang pagpipinta noong bata pa siya. Bagaman nang tumuntong siya ng labing taon na gulang, doon ay nagkaroon siya ng interes sa pagpipinta higit na noong makita niya ang mga nakatagong painting ng kanyang yumaong Ina sa bodega. At simula noong araw na iyon, ang angking talentong ibinigay sa kanya ay ginawa niyang inspirasyon sa buhay at alala  sa kanyang mga magulang.

Naupo si Pamela sa isa sa mga upuan na naroon. She took a deep breath before she toured her sight of the beautiful scenery.  Mula roon kitang-kita niya ang malawak na kagandahan ng tanawin na natatanaw niya. Ang paglubog ng haring araw. Sinadya niyang kinahapunan siyang mapunta roon dahil nais niyang makuhanan ng magandang tiyempo para sa kanyang pagpipinta.

Ang ulap ay naninilaw at may kaunting kasama pang kulay na rosas sa papalubog na araw. And that was perfect for her to start to paint. Idagdag pa na dahil sa malawak at malapad ang view ng scenery ay landscape ang gagawin niya.

Mula sa knapsack ay kinuha niya roon ang isang maliit na canvas. Hindi iyon kalakihan bagaman dahil sa minsang nais niyang magpinta ay ginagawa niya iyon sa tuwing wala siya masyadong ginagawa. Inilapag niya sa stainless desk ang canva at dahil sa wala siyang easel ay isinatinig na lang niya iyon sa may pader.

Pagkatapos niyon ay sinunod naman niyang kunin ang lapis nang sa ganoon ay iguhit niya muna sa canvass ang pattern ng kanyang gagawing painting. Mula sa bundok, haring araw, sa ulap at lahit anong makita ni Pamela. Mayroon siyang ilang sandaling ginugol roon ang sarili. At habang pokus  siyang gumagawa ng pattern niyon ay mula sa ibaba ay napatingin si Pamela. Mula roon ay nakita niya ang lalaking may kausap sa kabilang linya. Tila may kasagutan na hindi niya naman niya marinig dahil napakalayo niya.

At imbis na bumalik sa ginagawa ay natanto ni Pamela na hindi na maalis-alis ang tingin niya rito. Imbis sa ginagawa niya siya nakatutok ay sa lalaking si Emir na ang pinagmamasdan niya mula sa malayo. Mula sa kinasasadlakan niya ay hindi niya maiwasang mahumaling sa tagalay na tikas at kaguwapuhan ng lalaki. Naka side-view ito sa kanya at nasa kabilang bahagi ng tenga ang cellphone na may kinakausap. Doon pa lang ay hindi na big deal sa kanya ang kung ano man ang ekspresiyon ng lalaking iyon sa kanya sa kasalukuyan. May pumasok sa isipan ni Pamela na bakit hindi kaya iguhit niya ang lalaki? Hindi naman siguro niyon iyon malalaman.

Wala sa hinagap ay sinunod niya ang nasa kaisipan. Binitiwan niya ang hawak at mula sa knapsack ay inilabas roon ang sketchpad at ang charcoal pencil. At sa pamamagitan niyon ay iginuhit niya ang anyo ni Emir mula sa malayo habang ito ay may kausap pa rin sa kabilang telepono.

Nang maguhit niya ang features ng anyo nito ay sinunod niya ang mga mata, hugis ng ilong at labi. Tila siya may zoom lense at malinaw niyang nakikita ang guwapong mukha ng lalaki. Habang ginagawa iyon ay natanto na lang niyang napapangiti siya habang iginuguhit ang lalaki.

Sa parteng iyon, sanay na siya sa pagguhit ng mga taong hindi nito nalalaman. She was too serious and focus on what she was doing. Bagaman, ang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung bakit siya napapangiti.

Mula sa pasilyo ay sumilip room ang cute na batang babaeng si Bea na hindi namamalayan ni Pamela. Nahihiya man ay lumapit ang bata rito, upang tingnan kung ako ano ang ginagawa ng babaeng si Pamela. Napapangiwi ang bibig nito habang lumalapit dahil balak sanang gulatin ito. Bagaman nang isang dipa na lang ang layo, imbis na gulatin ang babae ay natigilan na lamang dahil sa nakita nito.

Husband's Step-Brother (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon