Chapter 20

63 2 0
                                    

“PAMELA, wait!” she heard but she didn’t bother to look back. Mabilis ang ginagawa niyang paghakbang pabalik sa silid. Bagman niya pa maipihit ang door knob ay nahawakan na siya ni ng lalaking si Emir sa braso.

Pinaharap siya nito. Pagkatapos ay mabining hinawakan ang mga palad niya. Bagaman kaagad rin niya iyon pinalis. Nabigla man si Emir sa ginawa ni Pamela ay naiintindihan niya. “Gustong-gusto kitang sampalin, Emir!” aniya sa nangangalit na tinig.

“Sampalin mo ‘ko kung gusto mo. Pero ang lahat ng mga narinig mong sinabi ko sa harap ni Vivienne ay totoo. Mahal kita, Pamela. Mahal na ma-“ natigil ito sa sasabihin nang naiiritang tinakpan ni Pamela ang tenga niya.

“Please, stop this! Tumigil ka na Emir! Mas pinapalala mo lang yung sitwasyon. Bumalik ka na sa pamilya mo. At huwag na huwag mo ng ituloy ang paghihiwalay ninyo ni Viviene.”

“Pero mahal kita, Pamela. At patutunayan ko iyon sa ‘yo.”

Umiling-iling siya. “Wala kang kailangan patunayan, Emir. Hindi ko kailanman matatanggap ang pag-ibig mo at saan man bandang tingnan ay kasalanan sa mata ng diyos ang gagawin mo.”
“Hindi natuturuan ang pusong umibig ng kahit sinong tao, Pamela. Ikaw ang tinitibok nito.” Mariing duro nito sa kaliwang dibdib. “Nito! Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko. Sinubukan kong labanan ang nararamdaman ko pero wala eh. Intindihin mo naman ako oh.” Nagmamakaawang pakiusap nito.
Muling umiiling-iling si Pamela. “H-hindi kita maintindihan, Emir. Maling-mali itong pagtatapat mo sa akin eh. Lalo na at narinig pa ni Bea ang lahat ng mga sinabi mo. Ngayon hindi ko alam kung ano pang pagmumukha ang ihaharap ko kay Bea. Ako ang nahihiya para sa pamilya mo at sa asawa ko.”
“Bakit? Itatanggi mo bang mahal mo rin ako? Na ang pagtugon mo sa mga halik ko ng nakaraang araw ay hindi pa pagmamahal iyon? That it was lust at pangangailangan?”

“Oo!” she hissed. Nang sa gayon ay tumigil na ito sa pagsasalita. “Lahat ng yun, oo ang sagot ko. Ngayon? Titigil ka na ba ha? Kaya ako tumutugon sa mga halik mo dahil namimiss ko si Dylan at hindi ibig sabihin niyon ay mahal rin kita. Kaya pwede ba, tumigil sa kahibangan mo!” matapang niyang aniya. Bagaman sa unang tanong niyon ay oo mahal niya rin ang lalaki. Pero nang dahil sa galit nito ay hindi nito napansin dahil sa sunod-sunod na tanong nito.
Emir’s jaw clenched. Hindi makapaniwala sa lahat ng sinabi nito. Ang sakit sa mga mata nito ay kaagad rin nawala at napalitan ng matinding galit. “Ganun. . .” anito na tila natauhan. Pagkatapos ay tumawa ito ng napakalakas na tila may nasabi siyang nakakatawa at hindi alam ni Pamela kung matatakot ba siya sa ginawi ng lalaki o hindi. “Okay!” wika nito nang matanggap sa sarili nito ang lahat sa damdamin. “Your wish is my command. Susundin ko ang lahat ng sinabi mo. Ikaw naman ang masusunod eh. Desisyon mo yan. Galing na mismo sa bibig mo. At wala na ‘kong magagawa doon. Salamat na lang sa lahat.” anito sa pinipigil na umaalpas na galit sa dibdib. At labis ang konsensiyang nararamdaman ni Pamela. Nais niyang bawiin ang lahat ng mga sinabing niyang hindi maganda rito. Bagaman, nasaktan na niya ang lalaki kaya’t paninindigan na niya ang sasabihin.

Nang wala nang namutawing salita ang isa’t isa ay galit na lumisan si Emir. Si Pamela naman ay kaagad binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng silid. Kasabay niyon ang hindi mapigilang pagtulo ng mga luha sa mata na kaagad niya ring pinalis. Hindi dapat siya nasasaktan sa anumang ginawa niyang desisyon. Tama ang ginawa niya. At kahit saan man aspeto ng buhay. They will never be together. Masasaktan ang lang puso nila bagaman maghihilom rin iyon.

LUMIPAS ang dalawang araw ay ni anino ng lalaking si Emir hindi na nakita ni Pamela magmula noong huli niya itong makausap. Ang sabi ni Dona Theodora sa kanya ay umuuwi naman raw ito bagaman hindi niya lang siguro natiyempuhan. At sa pagkakaintindi ni Pamela ay batid niyang iniiwasan na silang magkapanagpo pa ni Emir. Sa nakalipas na mga araw na iyon, pakiramdam niya ay napakabigat sa dibdib niya. Tila may nakadagan sa dibdib niya na bagay na sanhi upang mahirapan siya makahinga.

Husband's Step-Brother (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon