DUMATING si Manang Tasing at Nena sakay ng tricycle na masayang sinalubong ito ni Emir at Pamela.
May mga dala itong mga pagkain sa basket at doon sa maliit na kubo ay sabay-sabay nilang pinagsaluhan ang pagkain. Sweet na sweet ang
Nang biglang dumating ang isang panauhin na hindi nila inaasahang dumating.
"Dylan?" gulat na sambulat ni Pamela nang makita ang asawa. Na maging si Manang Tasing, at Nena ay pareho ng sa reaksyon niya. Si Emir ay nakatiim itong tumingin sa lalaki.
"Can I joined?" nakangiting wika nito sa kanila. Kasama nito ang dalawang bodyguard sa likuran. At nagtataka si Pamela ito lang ang naroroon at wala ang kapatid niyang si Alec.
Ang magkahugpong nilang mga kamay ni Emir ay pinakawalan ni Pamela. Nabigla ito sa ginawa niya.
Ngumiti si Dylan. "Come here wife," utos nito sa kanya. Nang lapitan niya ang asawa ay hindi ito napagilan ni Emir. Binigyan naman siya ng mariing halik ni Dylan sa labi at sa harap ng mga ito. "Dylan, pwede ba, huwag dito." tutol niya.
Dylan smirked. Hinawakan ang pisngi niya. "I've just missed you, my wife. Tama na siguro ang dalawang araw na hindi ka nagpapakita sa akin." wika nito.
Tumiim ang mukha niya dito. "Nasaan si Alec?" she asked.
"Hindi ko muna siya isinama rito. Nais ko sanang magkausap kayong magkapatid sa pamamagitan ko. I need to fix this. Kaya ako naririto at sinusundo ka." dagdag nito sa nakikiusap ang tinig. "But, you were enjoying, maaari ba akong sumama?" muling tanong nito sa kanya pagkatapos ay tumingin sa nakatiim na mukhang si Emir.
"Aba'y oo naman, hijo. Halika, marami akong dinalang pagkain." malugod na wika ni Manang Tasing nang mapansing walang gustong magsalita ang isa sa kanila.
"Maraming salamat, Manang." pagpapasalamat nito sa matanda na ikinatango naman ng huli. Pagkatapos ay iginaya sila tungo sa kubo.
Si Pamela naman ay tahimik na sumama kay Dylan. Hindi niya pinansin ang kanina pang nakatiim na mukha ni Emir.
Doon ay sabay-sabay silang kumain. Ang mga nasa hapag ay relyenong bangus, tapa at iba't ibang mga prutas.
Naroroon ay sinusubuan siya ni Dylan na kahit ayaw niya ay tinatanggap niya. Batid niyang sa pamamagitan niyon ay magiging maayos na sila. Bagaman hindi niya iyon bibigyan ng kasiyahan. Kailangan niya rin makausap ito higit na si Alec.
Sweet na sweet sa kanya si Dylan at mula sa ibayo ay hindi mapigilan ni Emir ang tumalim ang mga mata habang nakatitig sa mga ito.
"Hijo, relaxed. Iyang mga mata mo halatang-halata na nagseselos." ani manang Tasiing na nagsalita sa likuran niya.
Huminga siya ng malalim. "Hindi ko alam kung paano nalaman iyang si Dylan naririto kami."
"Pasensya ka na hijo, kami ang may kasalanan ni Nena, dahil hindi kami nag-iingat. Hindi ko akalain na may mga matang nakasunod sa amin habang papunta kami rito. Kaya humihingi ako ng dispensa sa nangyari."
Umiling si Emir. "Wala iyon, Manang. Pagkatapos nito ay hayaan na muna natin sila. May tiwala ako kay Pamela pero kay Dylan. Hindi ko alam."
"Ipinatag mo lang kaisipan at damdamin mo, hijo. Nakikita ko naman na maayos naman ang lahat at mabait naman si Dylan."
"Hindi tayo nakakasigurado, Manang. Kaya umalis iyang si Pamela sa mansion dahil kay George at kay Dylan."
"Ano ang ibig mong sabihin, hijo?"
"Sa tingin ko ay alam na niya ang pagkatao ni Dylan, Manang. Hindi niya lang masabi-sabi sa akin dahil baka hindi ko pa alam totoong pagkatao ni Dylan." he said.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)