UMAGA ng sabado sa hapag ng dining area. Kasalukuyang nag-aalmusal muli silang nag-usap ni Doña Theodora kasama si Emir. Halos ang Doña lang nagsa-salita sa kanila. Si Emir ay tahimik at si Pamela naman ay minsan lang kung kumibo bagaman alam ang pinag-uusapan. Pagkatapos kasi ng pag-uusap nila ng magdaang gabi ni Emir ay tila nabigyan siya ng pakiramdam na huwag masiyadong maging pakampante sa kaalaman na naantabay lagi ang mga mata ng lalaki sa kanya.
She seemed to have a sore throat for wouldn't talk too much. At napansin iyon ng Doña. “You look like you didn't sleep well last night, hija. Is there something wrong? May mga bumabagabag ba sa iyo kagabi?” nag-alalang tanong sa kanya ng Doña sa kanya.
Umiling naman si Pamela. Nang tingnan si Emir sa harap niya na sinalubong naman nito ay kaagad niya rin iniiwas ang paningin rito at bumaling sa nag-aalalang mukha ng Doña. “No, Tita. Nakatulog naman ho ako kagabi kahit paapano. Pero siguro dahil nasa ibang bahay lang ako at natural na namamahay ako kagabi.” Sagot niya, pagkatapos ay bahagyang ngumiti.
“Ganoon ba. Nalulungkot naman isipin dahil hindi muna pala kita siguro maisasama sa lakad ko ngayon.”
“Lakad?” ulit niya. Si Emir na tahimik sa pagkain ay nagsalita.
“Saan naman ho kayo pupunta, Mama?” tanong nito.
“Ano ba kayo, makikitapagkita lang ako sa mga amiga’s ko for three days at balak ko sanang isama itong si Pamela para maipakilala as my new daughter in law. Pero dahil sa hindi pa komportable at namamahay pa ay huwag na muna. I think, mas maganda dito ka na muna, hija. Pag-aaralan mo ang bahay para maging komportable ang pamimirmihan mo rito.” mabait na wika nito.
Sa sinabi iyon ng may edad na babae, hindi na siya nag-atubiling tumutol. She smiled and nodded. Nang tingnan siya ni Emir ay iniiwas niya ang tingin rito at itinutok ang atensiyon sa pagkain. Namamanaag niya ang kagustuhang sumama na lang siya.
Hanggang sa natapos ang almusal, hindi rin nagtagal si Doña Theodora sa Mansion at umalis rin ito kaagad sakay ng itim na sasakyan. At siya naman, naisipan niyang tawagan ang asawang si Dylan o si kaya ay si Alec sa telepono para sabihing nakarating na siya sa Santa Parxedes.
Si Emir ay hindi naman niya nakikita sa paligid kung kaya’t may time siya para maging komportable. Sanay huwag lang ito muling magpapakita at kung ano-ano na naman ang sasabihin sa kanya
Mula sa sala ay nagri-ring na ang telepono. At unang sumagot niyon ay ang secretary ni Dylan bagaman iniabot sa asawa at walang pang sandali ay si Dylan na ang nasa kabilang linya.
“Why did you call?” malamig na bungad nito sa kanya sa kabilang linya.
Si Pamela ay nawala ang focus, at tila narahan ng bikig ang lalamunan niya.
She cleared her throat before answering him. “Dylan, sasabihin ko lang naman na naririto na ako sa lugar ng pamilya mo.” Sagot niya.
“Good, kailan ka pa dumating diyan?”
“Yesterday morning.” sagot niya. At may idinagdag. “Uhm, nasabi ba sa ’yo ng kapatid kong si Alec na trap ako sa poblacion ng bumagyo?”
“Yeah, nasabi niya sa ’kin. At alam ko maman kung sino ang kasama mo when you were in poblacion. Kaya wala akong labis na ipag-alala pa sa ’yo dahil nasa mabuting kamay ka.”
Pamela almost rolled her eyes. Hindi niya masasabing nasa mabuti siyang kamay ni Emir. Halos, ibaon nga siya niyon sa lupa sa sobrang galit.
“So, hows the feeling na nariyan ka? Did you met my him?” tanong nito na kahit hindi ito magbanggit ng pangalan ay alam niya kung sino ang tinutukoy nitong ‘him’.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)