Chapter 3
EMIR stepped on his brake. Humigpit ang seatbelt sa biglaang pagpreno kasabay ng pag-usal nang malutong na mura.
He was hit by a realization - a momentary lapse could have resulted in a tragic accident. Kung hindi niya kaagad naapakan ang preno ay tiyak na masasagasaan niya ang tao na nasa gitna nang madilim na kalsada.
Buong araw ay okupado ang isip at mainit ang ulo ng lalaki dahil sa sunod-sunod na mga pagkakamaling natatanggap niya mula sa kanyang mga empleyado. Idagdag pa ang trahedyang ito na hindi niya inaasahan na mangyari.
He closed his eyes tightly and hold his breath. Sumasakit ang sentido sa mga problema o issues na kinaharap niya nitong mga nakaraang araw. What he could only to do right now is to rest and relax sa malambot na kama, subukang bawiin ang mga araw na walang tigil sa trabaho.
Mula Maynila ay bumiyahe siya patungong Santa Praxedes upang madalaw ang ina at ang apat na taong gulang na anak-si Cali, na labis ang pagka-miss na sa kanya.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng biyahe nang magsimulang umulan. Hindi batid na mayroong bagyong parating. The fact that he has been busy these past few days, wala na siyang oras para alamin kung ano ang lagay ng panahon. Malabong makatatawid din siya sa tulay kung mataas na ang tubig-baha tungo sa Santa Praxedes.
Consequently, napagpasiyahan na lang niya na tumuloy sa Duplex Penthouse sa North Poblacion, ilang minuto lamang ay naroon na siya.
Mula sa loob ng kotse. Natuon ang tingin niya sa window glass. Tinatamaan ng headlights ng sasakyan niya'y isang panauhin. Naka-pantalon ito, gayunpaman natitiyak niyang babae iyon.
Bumaba si Emir sa sasakyan at malalaking hakbang na tinungo ang kinatutunguhan ng babae. Hindi pinansin ang umaalimpuyo na hangin at patak ng ulan na tumatama sa kanyang mukha.
“Ayos ka lang ba, Miss?” he asked, looking at her face with concern.
Nag-alinlangan ang babae bago dahan-dahang tumingala sa kanya. Her eyes were wide like saucers, filled with fear and uncertainty.
He swore inwardly. Wala siyang natatandaang kinakatakutan siya ng kahit na sinong babae, not even his employees. But he couldn't blame her. He had been driving too fast, lost in his thoughts. Hindi pansin na may tatawid sa national highway sa ganitong oras at panahon.
“Nasaktan ka ba?” muli niyang tanong sa babae. Kasabay ng paghawak sa braso nito.
“Let me check if you’re injured,” sabi niya sabay hawak sa braso niya.
Umiling siya. “I’ll be okay,” she said, trying to sound brave. Kasabay nang paghila sa kamay niyang nakahawak sa braso ng di-kilalang lalaki.
“Dadalhin kita sa pinakamalapit na clinic para masigurong hindi ka masasaktan.” Emir assured.
Nag-alinlangan si Pamela. Could she trust this stranger? He had a deep and cultured voice. Very masculine. So, what? A good voice did not guarantee that he was not a rapist or psycho killer. Baka ma-i-scam siya dahil lamang maganda ang boses nito.
And despite the gentle of tone, she could sense his irritation. Para saan? Dahil napipilitan itong obligahin siya o dahil may pakiramdam itong mahihirapan itong biktimahin siya?
“Miss, hindi ako masamang tao,” sabi niya na tila nababasa ang iniisip niya.
“Hindi kita kilala, Mister,” she said in a hard voice. Why should I go anywhere with you?”
Emir looked taken aback by her harsh tone, but he quickly recovered. “Naiintindihan ko ang pag-aalinlangan mo,” he said. "Pero pangako ko sayo, gusto ko lang makasigurado na okay ka. You could be injured, and you might need medical attention.”
Pamela snorted. “Oh, I’m sure you’re just dying to help me,” she said, her sarcasm dripping from every word. “Pero hindi na, I don’t need your charity or your help.”
Emir looked at her for a moment, his expression unreadable. “Suit yourself, gabi na at bumabagyo, pakiwari ko ay dayo ka lang dito dahil tatanga-tanga ka sa daan.” he said turning to leave.
Pamela gasped. Kasabay niyon ang pagkulog at pagkidlat. Sa kabila ng malakas na ulan ay nabingi yata siya sa huling sinambit ng lalaki. Despite the heavy rain, tanging malaking bulto ng katawan na papaalis ang nakita niya. Nakatalikod ito at tanging headlights lamang ng sasakyan nito ang nagsisilbing liwanag.
Mataray niyang sinagot ang estranghero. “For your information, Mister. Wala kang ideya sa nangyayari sa akin! Hindi ko kasalanan na masisiraan ako ng baterya sa gitna ng daan habang masama ang panahon. Bumaba ako ng sasakyan ko because I was expecting na may magmamagandang loob na tulungan ako rito sa lugar ninyo, but here I am, facing an uncouth man!" she shouted back so he could hear. Her teeth were rattling. Her knees were shaking. She didn’t realize that she was that cold until that moment.
Natigilan ang lalaki sa paglakad pabalik ng kotse. “Uncouth?” paglilinaw nito na naiinis sa sinabi niya. “Who's uncouth when just I'm offering a help to a poor woman?” he retorted.
“Alam ko, dahil ganoon na lang ang pagtulong mo sa akin? Hindi pwedeng wala kang balak na masama sa akin.” she shot back.
Namamanghang natawa si Emir at nakita iyon ni Pamela. “Why are you laughing?”
Umiling ang lalaki. A mischievous smile lingering. He had been trying to be serious and helpful, but she seemed to see him as a potential threat. It was a strange situation, and he couldn't deny that it was also a bit amusing. Ngunit nang makita niya ang hitsura ng hinala at kawalan ng tiwala sa mukha ng babae, he knew that he needed to take the situation more seriously. He took a deep breath and approached her, trying to convey his sincerity.
“Uulitin ko, hindi ako masamang tao. Hindi kakayaning dalhin ng konsensiya ko kung bukas ay mababalitaan kong may isang babae na napahamak dahil hindi ko naipagamot. Handa akong magbigay ng tulong, kahit medyo tigre ang isang tulad mo.”
Pamela felt torn between her pride and her sense of self-preservation. Sa kabilang banda, ayaw niyang magmukhang mahina sa pamamagitan ng pagtanggap ng tulong mula sa isang estranghero, lalo na sa lugar kung saan wala siyang kakilala. She was hopeless and alone, at alam niyang kailangan niya ng tulong.
Isa pa, ramdam na ramdam niya ang pagkatunaw at panginginig ng kanyang mga tuhod. Ang mga talukap ng mga mata niya ay pipikit na sa matinding pagod at lamig na nararanasan. She could also feel the tremors in her mouth. Kalakip niyon ang nanlalabong paningin sa pagkakatitig niya sa lalaki. Kahit ang pagbuka ng bibig nito ay halos hindi na niya mailinaw.
“Look Miss,” sinipat nito ang babae nang mangpansing naging uneasy ito. “Saan ba ang destinasyon mo? Maaari kitang tulungan kung kinai—” Hindi na naituloy ni Emir ang sasabihin ng makitang hindi maganda ang lagay ng babae. At bago pa ito sumadlak sa lupa ay nasalo na ng mga bisig niya ang babae.
He could feel her shivering uncontrollably, and her skin was ice cold to the touch. He could tell that she was on the verge of passing out, and he needed to act fast.
"Hey, stay with me!" he said. Tinatapik-tapik ni Emir ang pisngi ng nahimatay na dalaga.
May pag-iingat niyang binuhat ang walang malay na babae at dinala sa nakaparadang Civic Sedan. Maingat na inihiga sa passenger seat and he made sure to buckle her seatbelt securely.
May ilang sandaling pinagmasdan niya ang mukha nito. She looked so pale and weak, at hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalala sa kanyang dibdib. However, she has this angelic face that can captures ones soul.
Pagbunsod ng kulog at kidlat sa kalangitan ang nagpabalik sa diwa ni Emir. Ilang sandali pa'y bumalik siya sa driver seat at isinuot ang seatbelt. May kung anong ilang pagkakataon na sinisipat niya ang walang malay na babae bago minaniobra ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomansaUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)