MULA sa labas ng Cabin ay tahimik na namamahinga si Pamela habang nakatingala sa maaliwanag na kalangitan. Iniisip niya ang nangyari ng nakaraang araw sa pagitan ng kapatid niyang si Alec at ng asawang niyang si Dylan. Hindi siya makapaniwala na may relasyon ang mga ito. Wala siyang naalala na pumatol ang kapatid niyang si Alec sa kapwa lalaki nito. At si Dylan, hindi halata sa bihis at galaw nito na ganoon ang personalidad nito. Nais niyang kalimutan ang nangyari bagaman sa tuwing napag-iisa siya, tulad ngayon ay naalala niya ang kawalanghiyaan ng asawa at ng kapatid niyang si Alec.
Mabuti na lang ay hindi niya tuluyan ipinagkaloob ng tuluyan sa lalaki ang sarili rito. At kahit na mangyari man iyon ay hindi iyon papayagan na mangyari. Mabuti na lang niyon dumating si Alec tamang pagkakataon.
“Coffee?” mula sa tabi niya ay inabutan siya ni Emir ng tinampla nitong kape. Tinanggap niya iyon. Samantalang ito ay umupo katabi siya. “Mukhang malalim ang iniisip mo, tingin ko iniisip mo pa rin ang nangyari kamakailan.”
Bumaba ang tingin niya sa kape. Nararamdaman niya ang init sa mukha niya na nagmumula roon. Ang also she smelled the seductive scent of coffee. “Hindi siya mawawala sa isipan ko.”
“Kinda share it with me?” he urged.
Umiling si Pamela. Alam niyang hindi nito mapaniniwalaan ang mga sasabihin niya. Baka magmukha lang siyang tanga. Dahil sa wari niya ay walang itong alam sa lahat ng nangyayari rito sa tunay na pagkatao ni Dylan.
“Huwag na, sigurado akong hinding-hindi mo maiintindihan.” She said. Hinipan niya ang mainit na kape. Pagkatapos ay humigop roon. “Hmmm . . . “ tanging naisambulat niya. Nanuot ang kape sa lalamunan niya pababa sa tiyan.
“Hindi ko inakalang masarap kang magtimpla ng kape,” aniya.
“Sa office pa lang may kape na kaagad ko sa desk. Kaya sa dalas ko na nagkakape, kuhang-kuha ko na nag lasang gusto. And masayang akong malaman na nagustuhan mo ang kape ko.” Sagot nito.
“Thank you rito ha, kahit papaano ay napalitan ng init ang katawan ko dahil sa suot kong damit mo.” She said. She was a white oversized polo shirt. Dahil sa wala naman siyang dalang pamalit ay pinahiram siya nito ng damit.
“Basta ikaw,” anito.
Napangiti si Pamela. She leaned her head onto his broad shoulder habang nakatingala sa kalangitan. Tanging mga kuliglig lang ang bumabasag sa katahimikan.
Si Emir naman ay hinayaan ang babae na sumandal sa kanya sa balikat. Kumislap rin ang mga mata.
Nang uminom ito nang kape ay sinundan ito ni Pamela. May napansin sa kamay ng lalaki. “Where’s your ring?” tanong niya.
“Wala na.” Emir answered abruptly. Pagkatapos ay naramdaman niya ang pagkibit balikat nito.
Napatingala si Pamela sa lalaki. Puno ng katanungan ang nasa mukha nito. “Ano ang ibig mong sabihin?’ she asked.
“I am free, Pamela. Because it is because of you.” He said to her soulfully.
“No!” she exclaimed.
“Ano rin ang ibig mong sabihin riyan?” tanong rin nito sa kanya.
“No, as in big no! Bakit ka nakipaghiwalay kay Vivienne?” naiinis niyang tanong rito.
“Because, I’m not in love with her, dahil ikaw nga ang tinitibok nitong puso ko, Pamela.”
She closed her eyes in dismayed. “Well then, hindi ako natutuwa sa paghihiwalay ninyo ni Vivienne. Nagkausap na tayo hindi ba? And you’d agree!” Sagot niya.
Napamura si Emir. “Hindi ikaw ang nagdedesisyon Pamela. Pareho namin ginustong i-annul ang kasal. Kung noon na kasal pa ako sa kanya ay galit ka at pati ba naman ngayon na kung kailan malaya na ‘ko galit ka ap rin? Alam mo, hindi ko na alam kung ano talaga pumapasok sa isip mo. Hindi ba talaga ako mahalaga para sa ‘yo. O talagang guni-guni ko lang ang nasa isip ko kanina na mahal mo rin ako?” mahabang litaniya nito.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)