Chapter 22

88 2 0
                                    

MALIWANAG na nang magising si Pamela. Natantong wala na sila sa biyahe at nasa loob siya ng isang maliit na silid. At sa pakiwari niya ay isang cabin ang pinagdalhan sa kanya ni Emir.

Maliit ang espasyo ng silid bagaman dahil sa kakaunti lang ang gamit ay hindi naman ganoon kakalat at masakit sa mata. It was mimically aesthetically. Ang cabin ay gawa sa matibay na pine at cedar woods. Plush textures and calming colors give the interior a cozy feel. The textured ceiling is made from cypress wood and the wood flooring is made up of materials from an old barn. 

Nang bumangon siya sa kama ay mula sa malaking malaking window glass ay namangha siya nang makita niya ang tanawin. Hindi niya akalain na nasa mala-probinsiya ang paligid.

Ang nakikita niya ay isang malawak na lupain na ang puno ng carabao grass. Sa ibayo ay lawa.

Nagulat si Pamela nang mula sa orasan sa dingding ay tumunog iyon habang labas masok ang tumitilaok na manok.

Indikasyon na tanghali na at alas dose na ng tanghali. Mula sa kalagayan niya ay napatayo siya bigla. Hindi niya akalain na tanghali.

Hindi kasi halata sa labas ang oras sa panahon. Sa parte ng liwanag ng araw ay natatakpan iyon ng makapal na ulap.

Bago siya lumabas ay inayos niya muna ang kamang pinaghigaan tsaka nagtuloy-tuloy palabas para hanapin si Emir.

Naririnig niya ang ingay na nagmumula sa likod ng bahay kung kaya’t doon na dumiretso ng lakad si Pamela na batid ay naroroon ang lalaking si Emir.

Nagbibiak ito ng kahoy. Pagkatapos ay inilalagay ito sa stove upang lumakas ang baga niyon at mabilis na maluto ang niluluto. At doon pa lang ay naaamoy na ni Pamela kung ano ang niluluto nito.

Nakatalikod ang lalaki at tutok ito sa harap ng niluluto nito.

Pamela smiled, may naisip na kalokohan. Maingat siyang naglakad palapit rito. At mula sa likuran ay tinakpan niya ang mga mata nito gamit ang mga kamay niya.

Mula sa niluluto ay napangiti si Emir. “Gising ka na pala.” anito. Hawak nito ang sandok sa kamay.

“Hmm . . . hulaan mo kung sino ako.” matamis na aniya ni Pamela mula sa likuran ng lalaki.

“Seriously? Do I have to do that. Eh tayo lang namang dalawa ang naririto?” supladong wika nito. Bagaman hindi mawala-wala ang tinatagong ngiti sa labi.

Napalabi si Pamela sa sagot na iyon ni Emir. “Sino nga ako?” pamimilit niya.

“Pikachu?” he answered sarcastically.

“No?” aniya

“Maria Clara?”

“Definitely no. Ang layo naman ng sagot mo eh.” aniya.

“Eh sino nga?” anito sa inaasar ang babaeng si Pamela.

“I don't know? Hulaan mo?” ani Pamela. “Hindi kita pakakawalan hangga’t hindi mo nahuhulaan kung sino ako.” sagot niya.

Lumapad ang ngiti ni Emir. “Ikaw yung babaeng tinitibok ng puso at ang aking iniirog na si Pamela.” anito.

Doon ay pinakawalan ni Pamela ang lalaki. Nakaramdam ng awkwardness sa sinabi nito. “Ang haba ng sagot mo ah. Pang miss universe.” aniya at bago pa makapagsalita si Emir ay inunahan na ito ni Pamela.

“Ano ba ang niluluto? Masarap ba iyan?” tanong nito.

“Oo naman, masarap iyan. Pero mas masarap pa rin ang mga halik ko.” sagot nito. Lalong lumapad ang nakakalokong ngiti sa labi. 

Si Pamela naman ay hindi maiwasang mamula ang pisngi. Noon niya lang nakita ang pagiging loko ng lalaki. Imbis na pansinin iyon ay

Tiningnan ang niluluto. Hinayaan naman ito ni Emir at binigyan ng espasyo para makita ang niluluto. Halos nasasakop kasi nito ang space ng lutuan gayong isang maliit lamang iyon.

Husband's Step-Brother (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon