“SINO siya hijo?”
Mula sa bukas na pinto ng library ay nilingon ni Emir ang nagsalita. Si Manang Tasing—ang malapit at matagal ng katiwala sa pamamahay na iyon. Ang dala na kape ay inilapag nito sa ibabaw ng lamesita na gawa sa mahogany wood.
“Isa na naman ba siya sa mga babaeng . . .” sadyang ibinitin ang sasabihin.
Mula sa pagkakaupo sa sofa, bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Emir habang taimtim ang mga matang nakatitig sa malamlam na liwanag mula sa pugon. Iyon ang nagsisilbing ilaw sa silid, hindi inabalang buksan ang ilaw.
“Nagkakamali kayo Manang. Nakita ko lang siya sa gitna ng kalsada. Kung hindi ako bumaba ng sasakyan, hindi ko malalaman na humihingi pala siya ng tulong,” aniya na inangat ang tingin sa matanda. “At sa tanong niyo kung babae ko ba siya? Para malinaw ho sa inyo. Hindi ko siya kilala at mas lalong walang namamagitan sa ‘ming dalawa.” Gamit ang tuwalyang hawak, tahimik na pinunas niya ito sa basang buhok.
“Pasensiya na. Nabigla lamang ako na sa loob ng mahigit tatlong dekada ko sa paninilbihan sa pamilya ninyo ay ngayon lamang kita nakitang nagdala rito ng babaeng hindi mo labis na kakilala. Ngunit ngayon ay naiintindihan ko. Pero ang mga ganoong kalagayan ay dapat dinadala sa center para mabigyan siya ng lunas. Ang mas ikinabahala ko ay may asawa na ang babae. Napansin ko sa daliri niya kanina ang isang wedding ring habang binibihisan ko siya. Hindi ko maiwasang isipin kung ang kanyang asawa at pamilya ay nag-aalala tungkol sa kanyang kalagayan ngayon, hijo?”
Tumiim ang mukha ni Emir. Hindi niya napansin ang singsing sa kamay ng babae. Despite the fact that he didn't have time to find out if she was already married or not? Not until, guilt washed over him for desiring after her body habang wala itong malay.
Napamura siya sa isipan. Pagkatapos ay binaling ang atensiyon sa matanda. “Tama ka, dapat dinala ko siya sa evacuation center kaysa dalhin ko siya dito. Pero hindi ko natuloy dahil sa tindi ng bagyo Still, it’s okay, Manang. Kapag bumuti na ang panahon at may signal na. Papahiram ko siya ng telepono o smartphone para matawagan niya ang asawa niya o kung sino man ang kailangan niyang kontakin dito.”
Nakakaunawang tumango ang matanda. “Mabuti naman. Pero ano nga ba ang nangyari sa kanya? Namumutla na siya ng dalhin mo rito.” tukoy pa rin ng matanda sa babaeng si Pamela.
Tiim na bumalik ang tingin ni Emir sa pugon. Ilang sandali ay ikinuwento din niya ang nangyari sa kanila ng babae. Mula sa trahedyang pagtatagpo hanggang sa nawalan ito ng malay. At habang bumabalik ang ala-alang nakita niyang takot sa mga mata ng babae, dahil sa pag-aakalang isang masamang tao siya ay minura niya ang sarili sa kaisipang iyon.
“Hesus maryusep! Muntik mo na siyang mapatay!” sindak na wika ni Manang Tasing sa mga nalaman.
Pinagdikit ni Emir ang malalapad niyang palad at sinabing, “Wala tayong dapat ikatakot as long humihinga pa siya. Nawalan lang siya ng malay. Magigising din siya. Let her rest for now.” bigay lubag niya sa nararamdaman ng matanda. Nakahinga ito ng maluwag. “Mabuti naman kung gayon. Mataas ang lagnat niya. Mabuti na lang rin at natagpuan mo siya sa daan. Aba, hindi biro ang bagyong tumama sa lugar natin.”
Dinala ng lalaki sa bibig ang tasa ng kape, humigop para mainitan ang kanyang nanlamig na sikmura. Suddenly, his thoughts wandered to the woman he had met earlier. Her face was angelic, and it remained vivid in his memory, as if etched in his mind. Gayunpaman, nang maalala niyang may asawa na ito ay nakaramdam siya ng matinding panghihinayang sa kanyang puso.
“Maswerte siya Manang,” saad niya, trying to sound casual. “Maswerte na natagpuan ko siya at hindi isang masamang tao na maaaring samantalahin ang kanyang kahinaan.” Sigurado siya na kung hindi lumabas ng sasakyan ang babae, malaki ang tiyansa na mapapahamak ito. Delikado ang manatili sa loob ng sasakyan para sa tulad nitong dayo sa kanilang lugar. Lalo na't maraming masamang indibidwal ang nagtatago sa paligid. Idagdag pa riyon ang sama ng panahon. The woman was clueless. And Emir felt a sense of responsibility for her well-being. Kung hindi sa nangyaring trahedya sa pagitan nila nito ay marahil na mananatili ito doon ng magdamag.
Emir caressed his nape. Sumandig sa sofa at mariing naipikit ang mata sa naramdamang ngalay ng leeg.
“Mukhang kailangan mo na rin magpahinga hijo. Mahaba ang biniyahe mo. Hindi namin alam na ngayon pala ang uwi mo.”
“Just wanna surprise my family, Manang.” he replied with a tired smile.
“Mahilig ka talaga sa surprises ano. Kung ganoon, maghahanda ako ng hot bath para sa iyo upang makapagpahinga ka.” wika ng matanda na may kasamanh matamis ma ngiti.
Emir nodded, returning the smile. Siguro nga’y kailangan niya iyon upang mabawas-bawasan ang nararamdamang pagod sa katawan.
BINABASA MO ANG
Husband's Step-Brother (Completed)
RomanceUNDER REVISION A ROMANCE NOVEL WRITTEN BY ALAINA VEGA ©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover. (UNEDITED STORY)