CHAPTER 59
--
Jennie's POV
Hindi ko nakayanan ang narinig ko. Hindi ko alam paano ipagsisiksikan sa utak ko lahat ng nalaman ko kanina. Imbis na magmukmok ako sa kanilang lahat, agad ako umalis at lumabas ng ospital habang umiiyak.
"Ang daya mo talaga, kahit kailan ka talaga Liam!" Bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo palabas ng ospital.
I heard them calling my name pero imbis na lumingon, ay tuloy lang ako sa pagtakbo ko at hindi sila nililingon.
Hemorrhage? Hindi naman 'yun totoo! Alam kong walang ganon si Liam at baka napasobra lang talaga yung pag-inom niya kaya siya nagsuka kanina.
Habang tumatakbo ay dahan dahan ko na ring hinahabol ang hininga ko dahil sa hingal at sobrang lamig pa rito sa labas. Nakakita ako ng isang bakanteng upuan at naisipang umupo muna roon.
"Ang tanga tanga mo kasi, Jennie!!" Bulong ko sa sarili ko habang sinasaktan ang sarili ko.
"Kung pinagpaliwanag mo lang sana si Liam, edi sana walang ganito." Dagdag kong bulong sabay hampas at suntok sa tuhod at hita ko.
"Hindi naman gagaling si Liam kung sasaktan mo yung sarili mo." Rinig kong may nagsalita at nakatayo sa harapan ko habang nakayuko ako.
"Chocolate drink oh, since it's very cold here?" He added that makes me looked at him.
"Taehyung..." Saad ko ng makita ko ito and he immediately smiled at me and gave me a cup of chocolate drink.
"Ano ba sa tingin mo magiging reaksyon ni Liam kapag nalaman niyang sinasaktan mo sarili mo dahil sa kanya?" Tanong nito sa akin sabay upo sa tabi ko at humigop din ng chocolate drink na para sa kanya.
"Tapatin mo nga ko Taehyung, may hindi ba ko alam? Ano ba talaga dahilan bakit siya umalis? Bakit niya ko iniwan?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.
"Gusto mo talaga malaman yung totoo?" Sagot nito sabay tingin sa akin.
Agad na lang akong tumango rito and i heard him sobbing. Umiiyak na rin siya. Dahil na rin siguro sa pag-aalala at lungkot para sa kapatid niya.
"My brother is diagnosed with acute Leukemia. That's why umalis siya." Sagot nito sa akin sabay higop sa chocolate drink niya.
What???
Parang hindi nagsync-in kaagad sa utak ko yung narinig ko? May cancer si Liam???
"W-what??? A-are you k-kidding? Kung nagbibiro ka Taehyung, h-hindi magandang b-biro yan." Utal kong saad rito at ramdam na ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko dahil sa pagkikimkim ng emosyon ko.
"I'm not even joking, Jennie." Sagot nito sa akin sabay tingin sa mga mata ko. "Walang kapatid ang gustong sabihing may sakit ang nakababatang kapatid niya, kahit ba sabihin mong ang dami naming pinagdaanang hindi maganda ni Liam." He added and released a deep sighed.
"Sinekreto niya nung una yung pagpapagamot niya ng sarili niya. Ayaw niyang sabihin sa atin lahat kasi ayaw niyang mag-alala tayo o maging pabigat. And, I just found out it on my own. Nalaman kong may sakit yung kapatid ko kahit hindi pa niya sinasabi sa akin. Kung natatandaan mo nung naisugod si Jisoo rito sa ospital, nung naaksidente siya? Di'ba nagkita uli sila ni Jeongyeon and update him about his medications, pero hindi niya pinansin?" - Taehyung
BINABASA MO ANG
THE DARE TO THE CEO
Fanfiction"it's just a dare, i will not fall in love with him, i promised." Jennie Kim, a luxury brand global ambassador and being known as an "IT GIRL", supposed to do a dare that her father given to her. And Liam Manoban, a company CEO that is being labeled...