TKOS C H A P T E R 36

37 18 0
                                    

#TKOS- Katotohanan

"BATAS, tama ba ito?" Ipinakita sa akin ni Soraya ng kaniyang ginagawang introduction ng aming research na siyang agad kong kinuha sa kaniyang kamay at binasa.

Habang binabasa ko ay nagprisinta siyang bibili ng aming makakain kaya napatango-tango ako. We've been finishing our research paper for almost three days now at four days na lamang ay pasko na. Nang matapos kong basahin at itama ang mga wrong grammars niya ay ibinalik ko ito sa kaniyang lamesahan saka ko muling ipinagpatuloy ang aking pagtapos sa outcome ng aming research. Nangalap na kami ng serbey noong nakaraang araw, ang gagawin na lang namin ay buuin ang research at itama ang mga sentences na aming ginamit. "Let's take a break for a while!" Masiglang sabi ni Soraya kaya nilingon ko siya, I smiled at her bago ko siya sinalubong at kinuha ang kaniyang mga ipinamili.

Sabay kaming naupo at binuksan ang paper bag na kaniyang hawak-hawak saka inilabas ang mga---"Wow, tacos!" I exclaimed saka iniabot sa kaniya ang isa.

"Buti naman nagustuhan mo," nakangiti niyang inabot sa kamay ko ang isa saka niya ako binigyan ng isang cola.

"Siyempre naman, galing sa'yo eh!" Pambobola ko na ikinapula ng kaniyang pisngi kaya natawa ako.

Matapos iyon ay tahimik kaming kumain. Tanging pagnguya lamang namin ang naririnig sa kwartong ito, isama na rin ang maingay na pag-ugong ng aircon—mukhang luma na.

Napalingon ako kay Soraya nang ipatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. "Mahal mo na ba ako?" She suddenly asked na ikinatigil ko sa pagnguya ng aking kinakain.

Mahal ko na nga ba siya?

"Ahm...y-you know---" pagaalinlang pagsagot ko pero agad niyang tinakpan ang aking labi gamit ang kaniyang lang hintuturo.

"Shhh...you don't need to think twice wether you love me or not. Ang importante ay mahal kita at na-f-feel mo iyon, hmm?" Malambing na aniya saka muling ipinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat bago siya bumuntong hininga.

I'm sorry, Soraya, I think I am not ready to enter a romantic relationship again. Lalo pa at hindi ko mapagkakailang bago ko imulat ang aking mga mata tuwing unaga ay boses agad ni Alira ang aking naririnig! I always heard her voice saying, "I love you, honey," na siyang ikinaiinis ko! Dapat ko nasiyang kalimutan dahil nasisiguro kong sa mga oras na ito ay hindi na rin niya ako inaalala. I should move on dahil sa mga oras na ito ay nakamove on na siya. She's happily living now with Mr. Ferrer, I guess? Tsk.

"Oh, guys, let's have a party tonight!" Biglang bungad na pag-aaya ng isang lalaking mayroong malalim na boses na siyang nagmumula sa may gawing pintuan kaya napalingon kami ni Soraya roon. It's Dwayne Hilton, one of the research representative na nagmula pa sa Canada. "What do you think, huh? There's is a new open bar near at this university, we will go, would you like to come?" Dagdag pa niya kaya napatingin kami ni Soraya sa isa't isa.

"Tara?" Tanong niya na sinang-ayunan ko.

"Sure, why not?" I answered to her. "Tutal ay inaalagaan naman ni Doktora si Aliz ngayon, so we are free to have some fun time, I guess?" Aniko na siyang ikinaliwanag ng mukha niya.

"Count us in, Dwayne, we will go." Naka thumbs up na wika ni Soraya na siyang ikinangiti ni Dwayne.

"That's the spirit!" Komento nito. "And, oh, I really like your voice when you call my name, Soraya, it's so angelic." Dagadag pa niya saka kinindatan si Soraya. What was that? Did he like Soraya?

"A-ha-haha..." Awkward na wika ni Soraya saka napatingin sa akin. Tinitigan niya lang ako, hindi siya umiimik.

"What?" I asked out of the blue.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon