TKOS C H A P T E R 33

44 17 0
                                    

#TKOS- Paggising

"HINDI dapat tayo mapanatag, Lorencio, nanganganib na ang Lovere Pharmaceutical!" Hindi magkaugagang wika ni Belen habang palakad-lakad, pakaliwa, pakanan, paulit-ulit! "Dapat ka nang umaksyon sa lalong madaling panahon!" Dugtong niya pa na ikinahilot ko na lamang sa aking sintido.

"Subukan mong maupo at kumalma, darling, nahihilo na ako sa'yo," reklamo ko.

Agad niya akong ginawaran nang tinging nag-aalab sa galit saka siya mabilis na naglakad palapit sa aking lamesa. "Papaano ako kakalma kung alam kong hindi na mapapasa-atin ang kompaniya? Ginto na naging bato pa!" Bulalas niya sabay palo ng kaniyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa ko.

Pakiramdam ko ay tumataas ang BP ko kaya't dire-diretso kong nasabi ang mga katagang, "Iyan din ang gusto kong mangyari, Belen, pero anong magbabago sa reyalidad kung ma-i-stress ka ng ganiyan? Kumalma ka muna upang makapag-isip tayo ng maayos!" Bulalas ko rin sa kaniya na nagsanhi ng nakabibinging katahimikan sa buong opisina ko.

She just stared at me, not saying anything, but I am sure that she's killing me inside of her head! Agad akong tumayo mula sa aking swivel chair saka siya nilapitan. Niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran at naramdaman ko ang napakalalim niyang buntong hininga. "I'm sorry, I didn't mean to yell---"

"It's okay. Kasalan ko rin naman kaya uminit ang ulo mo," pamumutol niya sa sinasabi ko. "Ayoko lang kasing mawala ang Lovere Pharmaceutical sa ating palad, Lorencio, ilang dekada ang hinintay natin para mapasa-atin ang kompaniya tapos mauuwi lang sa wala? Ang hirap tanggapin." Hinarap niya ako kaya muli ko siyang niyakap. I let her head rest on my shoulder as I was caresing her back.

"Don't worry, gagawan ko ng paraan ang lahat. Just calm down, alright?" Malumanay na aniko saka siya hinalikan sa kaniyang noo. Lintek kasing Alira na 'yan! Isang linggo lang akong nawala karami ng kagaguhan ang kaniyang nagawa!

Idagdag pang nag-usap sila ni Marvin sa rooftop kanina, don't tell me may relasyon sila? Napakakati talaga niya! "Ah, darling, nasaan si Marvin?" Usisa ko nang maghiwalay kami sa aming yakapan.

"Nasa kwarto niya, bakit?" Tanong niya kaya tiningnan ko siya.

"Hindi ba't kanina ay nakita natin na bumaba si Alira from the rooftop? Then ilang Segundo lang din ay sumunod si Marvin?" Tanong ko sa kaniya na ikinakunoot-noo niya, tila nag-iisip.

"Oo, bakit?" Usisa niya.

"Nararamdaman ko na si Marvin ang nagpakalat ng newspaper na ang headline ay si Martin, sa tingin ko nu'ng nasa Barcelona tayo ay may nangyayaring kampihan sa pagitan ni Alira at Marvin upang pabagsakin tayo," Dire-diretsong aniko na kaniyang ikinagulat.

"Sigurado ka ba? Eh, paano kung nagktaon lang na pareho silang nasa rooftop pero hindi naman sila nag-usap?" Dagdag na tanong niya. Ipinagtqtanggol ang kaniyang unico hijo.

"May kutob ako, darling, eh, siguradong-sigurado, dahil unang-una pa lang ay bakit aakyat si Alira sa rooftop kung hindi naman niya hilig ang pumaroon? Ikalawa, ay nalaman niya na ako 'yung sumampal sa kaniya ng baril noon sa may parking lot---si Marvin lang ang may alam nang lahat ng ito." Seryosong aniko.

"N-nalaman ni Alira? P-paano mo nalaman? A-anong nangyari?" Imbis na ang tungkol kay Marvin ang kaniyang tanungin ay iyong kay Alira pa ang nakaagaw ng kaniyang pansin.

"Oo. Iyon ang ibinulong niya sa akin nang tangka ko sana siyang sasampalin kahapon. Base sa mga galaw niya ay may mga nalalaman siya tungkol sa mga pinaggagawa ko. Hindi ko lang alam kung hanggang saan at ano pa ang kaniyang nalalaman." Pagsagot ko sa lahat ng tanong niya.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon