TKOS C H A P T E R 29

37 19 0
                                    

#TKOS- Annulment Petition

ALAS NUEVE na nang makarating kami sa Korte ng abogado ko. Sa isang mag-asawa, dapat ay isang tao lamang ang mag-f-file ng petition for annulment upang hindi madismiss ng Korte Suprema ang petition. I decided na ako na lang, tutal ako naman ang nagsuggest ng ganitong ideya kay Martin.

"Mrs. Chavez, we need to consult to a psychologist first because it is a must." Wika ni Atty. Salcedo, one of the most trusted lawyer ni Dan. Mrs. Chavez, what a beautiful surname that I got. Iba talaga ang pakiramdam kapag tinatawag akong Mrs. Chavez, iba 'yung tuwa at ligaya lalo na't mahal na mahal ko si Martin. Pero ngayong mga oras na ito ay iba ang nararamdaman ko. Parang tinutusok at nilalamutak ang aking puso. Because hearing the Mrs. Chavez word was like an ice peak that was pinching my heart. Ang apelyidong pinangarap kong mailagay sa pangalan ko ay aalisin ko na ngayon...what a fate...

"Alright." Walang emosyong turan ko kay Atty. Salcedo saka siya sinundan. We entered one of the rooms here in the court, nang makapasok na kami ay bumungad sa'min ang babaeng may kaedaran na't nakasuot ng laboratory dress she must be the psychologist.

"Good morning Atty. Salcedo, and Mrs. Chavez." Pagbati niya sa amin saka kami sinenyasang maupo.

"Good morning, Doc. Suarez." Pagbati ni Atty. Salcedo sa kaniya. Mukha silang magkakilala, well, kung iisipin ay marami-rami na rin siguro ang na-annull ni Atty. Salcedo. She was atty. Mirasol Salcedo, may kaedaran na rin at talagang magaling daw siyang abogado, according to Dan.

"You're filing an annulment to end your marriage...may I ask why?" Paumpisang tanong ng psychologist na kaagad kong sinagot.

"I am filing an annulment because my marriage with my husband is loveless." Pagsisinungaling ko pero direkta pa rin ang tingin ko kay Doc. Suarez. "Martin committed an adultery." Kinuha ko ang mga nakahandang evidences namin ni Atty. Salcedo sa aking bag. "Here's the photos. Isang araw, nahuli ko sila sa loob mismo ng pamamahay naming mag-asawa. Ginusto kong magwala at magalit pero hindi ko ginawa dahil mas nangibabaw ang gulat at sakit na nararamdaman ko. That day, pinagtangkaan akong saktan ni Martin. Para itong bangungunot na paulit-ulit na nang h-hunting sa panaginip ko!" I burst out to tears para mas maging kapani-paniwala ang mga sinabi ko. Iyak na hindi dahil sa mga pinagsasabi ko kundi iyak na dulot ng puso kong nalulungkot at nadudurog.

"Matagal na ba kayong nagkakalabuan?" Doc. Suarez asked me again.

I nodded. "Simula nang mamatay ang mga magulang namin ay nagkaroon ng distansiya sa pagitan namin...nang nasa South Korea ako upang ihatid ang abo ng mga magulang namin doon ay nalaman kong nagkahalikan sina Martin at ang babae niya sa library..." Kinuha kong muli ang mga ebidensiyqng nakalap ko. It was a CCTV footage na nasa library ng Lovere University. Lahat ng mga lugar na maaring puntahan ni Martin ay pina-imbestigahan ko sa mga tauhan ni Dan kaya may mga nakuha kaming CCTV footages. Hindi ko alam ang lahat ng nangyayari sa buhay ni Martin but I know he had a reason why he kissed Soraya that day. Maybe he mistakenly see me on her? I don't know...hindi ko alam. Wala talaga akong kaalam-alam but it is given, I will accept this as my karma for fooling Martin and playing with his feelings. Para sa ganu'n ay hindi na mabigat pa lalo sa pakiramdam ko ang lahat.

"Then why did you shut your mouth for many months?" Si atty. Salcedo naman ang nagtanong sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Nangungusap ang kaniyang mga mata, sinesenyasan akong gawin ko na ang plano namin.

"You should answer my questions carefully. I know you can dahil ikaw ang C.E.O ng Lovere Pharmaceutical at alam mong makipaglaro sa mga kalaban mo." Nag-echo sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Atty. Salcedo kanina nang nasa biyahe pa kami. I inhaled and then exhaled as I said, "Natakot ako. Natakot akong baka hiwalayan ako ni Martin. Natakot ako na baka saktan niya ako na kayang-kaya niyang gawin. I want to end this marriage, ayoko na sa ganito naming set up. Natatakot ako na baka sa susunod naming pag-aaway ay magpatayan na kaming dalawa." Pagsagot ko sa tanong ni Atty. Salcedo.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon