TKOS- C H A P T E R 6

161 102 0
                                    

#TKOS-NEW LOOK

"MOMMY, daddy, wake up!" tumatalong-talong turan Alliz sa aming kama.

Mas masahol pa siya sa alarm clock manggising!

I rubbed my eyes as I opened it. "Good morning sweetie," I said using my sweet and soft voice.

I want to sleep more!

Napagod at napuyat ako kagabi!

"Morning, mommy!" Nakangiting aniya sabay dive-in sa gitna namin ni Martin.

"A..h..ay!" Tanging turan ko dahil hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa.

"Ang aga mo namang mang gising, my princess!" Reklamo naman ng kaniyang ama na ikinatawa niya.

"Nasa baba po kasi si mamang at mamu, eh, pinatatawag kayong dalawa." She stood up saka hinila ang braso namin ni Martin. "Halina po kayo!" Sweet na aniya. Wala kaming nagawa ni Martin at dali-dali siyang sinunod.

She's really our boss!

"Good morning po!" Humihikab-hikab pang aniya ni Martin. Siniko ko siya sabay senyas na huwag niya 'yong gawin. Nakakahiya sa mga magulang namin.

Napatingin ako sa orasan na nasa wall namin. Napamilog ang aking mga mata nang makita kung anong oras na.

Alas-nueve na pala! Jeez...talagang napagod kami ni Martin kagabi ah?

"Bakit po kayo nandito?" I sat on the settee in front of them. Ayaw ko munang makipag beso-beso. 'Di pa ako nagto-tooth brush eh.

"Kayong dalawa, huh, nakalimutan niyo na? Mag-m-mall tayo ngayong araw!" Pagsagot ni mamá. Napatingin naman kami sa isa't isa ni Martin.

Tinotoo nga nila 'yung sinabi nilang transformation ko kagabi ah? Hanep.

"Hindi pa kami nakapag prepare," kumento ni Martin na kakikitaan pa rin ng pagka-antok.

"We'll give you thirty-minutes." Sabi ni mommy Saphire. She stood up and said, "Hihintayin namin kayo sa baba. Let's go, Allizale." Dagdag niya pa bago kami iwanan sa salas.

Teka. Kaya pala naka-dress si Alliz dahil nasabihan na siyang pupunta kami sa mall. Nice one. Very nice one! Kaya pala tuwang-tuwa ang unica ija ko.

WALA pang thirty-minutes ay bumaba na kami ni Martin, nagtungo kami sa parking lot ng bahay.

"The love birds are here. Shall we go now?" Pambungad na banat ni papá.

"Sure, papang, let's go to the mall!" Tumatalon sa tuwang sabi ni Allizale.

"Sa van na lang tayo sumakay para sama-sama tayong lahat." Pagsingit ni daddy Lorencio sa usapan.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon