TKOS C H A P T E R 44.1

33 19 0
                                    

#TKOS- Reunited

AS we arrived in Puerto Princesa, Palawan International Airport, one of Ean and Mitch' people fetched us at kasalukuyan na kaming bumabyahe gamit ang bangka papunta sa Islang nabili nila Ean.

"Ang ganda rito!" Komento ni Soliel habang todo ang posing sa may gilid ng bangka, iyong naarawan, para raw sun kissed at si Dan ang photographer niya.

"Mas maganda ka..." Komento ni Dan na kaniyang ikinatigil, maging ako at sila Ean ay natigilan din. Napatingin sa amin si Dan saka siya awkward na humahalak. "I mean mas maganda ka sa mga pictures mo kung hindi malikot ang mga ginagawa mong posing. Nagiging blurred kasi!" Pambabawing reklamo niya na ikinataas ng kilay ko saka siya tiningnan, I teased him but he just answered me with his darted gazes that makes me laughed so hard.

"Narito na tayo mga ma'am, ser!" Masayang wika nu'ng bangkero saka siya bumaba sa bangka at igilid ito upang makababa rin kami.

"Wow, naman, Paolo, hindi niyo talaga pinababayaaan ang Isla ah!" Kumikinang ang mga matang papuri ni Mitch habang todo ang kaniyang pagkakangiti. Tila first time niyang pumunta rito ah?

"Siyempre, ma'am, eh sobra-sobra rin po kasi ang naitutulong niyo sa amin eh." Nakangiting sabi nu'ng bangkero na ang pangalan pala ay Paolo.

"Nasaan sina Manang Felicidad?" Si Ean naman ngayon ang nagtanong.

"Nasa Villa number 1 po, ser, naghahain na ng inyong meryienda." Nakangiti niyang turan kaya nagtungo na sila Ean doon. Alas tres na rin kasi ng hapon, natagalan kami sa himpapawid kanina at traffic sa ere bago kami makalapag sa Airport ng Puerto Princesa, Palawan.

"Pst! You two, tara na!" Pagtawag ko kina Soliel at Dan na walang labis sa pagkuha ng litarto sa isa't isa.

"Coming!" Sabay nilang aniya bago inaya ni Soliel si Dan sa may gilid ng bangka upang kuhanan pa siya ng litrato. Tsk. Kapag hindi nagkatuluyan ang dalawang iyan ay kukutusan ko si Dan, kumbaga nakahanap na siya ng diyamante magiging bato pa.

Napailing-iling na lamang ako sa naisip saka nagsimula na ring maglakad upang sundan sina Ean at Mitch. Maganda ang pagkakaayos ng mga villa dahil ang disenyo nito ay nakahilera ng tig-t-tatlo at nakaharap lahat sa napakalmadaong dagat. May balcony bawat villa at ang bubong nito ay flat style dahil papataas ang disenyo ng mga bahay. Iyong unang dalawang villa ay mas mababa ang taas kumpara sa mga sumusunod na villa na siyang talagang ikinaganda ng imprastraktura. Marahil ay para mas makita ng mga tao sa ibang villa kung gaano kaganda ang view mula sa kanilang balcony.

"Okupado na ba lahat ng villa rito, Mitch?" I asked her as I roamed my eyes around me. Ang ganda! I missed this! Sa kulungan kasi walang fresh air.

"Hindi ko alam...wait I'll ask manang Feliz..." Aniya saka pinuntahan iyong medyo may katandaang babae na naghahain ng aming makakain sa number 1 villa. Feliz...ah short for Felicidad, I see.

"Hindi pa raw okupado iyong number six pero 'yung 5 ay may nakatira na good for 5 day vacation." Pag-iimporma pabalik sa akin ni Mitch.

"Can I occupy the villa number six?" Excited na tanong ko.

"Why? I mean maraming rooms per villa, kakasya tayong lahat dito sa 1." Usisa niya saka ibinaba ang kaniyang mga gamit sa gilid niya bago naupo sa bahabang upuang gawa sa kahoy ng Nara.

"Parang mas maganda ang view doon eh. Kasi pinakamataas 'yun saka 'yung 5. Can I check?" Pagpapaalam ko na kaniyang ikinathumbs up kaya dali-dali akong naglakad papunta sa villa 6 na nakikita pa rin mula rito. May mga number kasi sa ituktok ang mga pader ng villa kaya madaling malaman kung ito ba ay 1, 2, 3, 4, 5, at 6.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon