TKOS- C H A P T E R 11

123 91 0
                                    

#𝖳𝖪𝖮𝖲- ANG MGA KALABAN

"WHERE'S Alira?" I asked Nay Belen saka napalingon-lingon sa paligid ng chapel kung saan nakaburol ang aming mga magulang.

Ibuburol namin sila dito sa Pilipinas for three days before we fly their ashes to South Korea at d'un na rin sila mahihimlay ng mapayapa.

"Pumasok siya sa opisina, Martin, bakit, hindi ba siya nagpaalam sayo?"

"H-hindi po, eh...did she sleep in our home last night?" I asked saka kinuha ang kapeng si-ne-serve ng mga kasambahay naming narito rin.

"Siguro...dahil nang matulog ka kagabi ay umalis siya ng walang paalam. Baka umuwi sa mansiyon at doon na nagpahinga,"

"Did she already offer greetings to our parents...or somehow---did she already cry?" I asked habang nakatingin sa abo ng mga magulang namin.

Napabuga ng malalim na hininga si Nay Belen na ikinalingon ko sa kaniya. "Hindi siya umiyak pero nagbigay galang na siya sa mga magulang ninyo at buong magdamag din siyang nagbantay bago umalis kagabi," dagdag nito na ikinatango ko.

Why would Alira went to Lovere Pharmaceutical if our parents were still...Damm it! What's happening to her?

"My deepest condolences," rinig kong wika ng isang taong may baritono't malumanay na boses sa likuran ko.

Isang tao lang ang kilala kong may gan'ong boses. "Marvin..." I uttered.

"You still know me at all," komento niya saka siya dumaan sa gilid ko at nagbigay galang sa mga magulang ko.

Matapos niya iyong gawin ay hinila ko siya palabas ng chapel. I grabbed his collar saka siya sinapak. Hindi ako nakunteto kaya sinapak ko siya ulit saka ko muling hinawakan ang collar niya. "Ang kapal ng mukha mong pumarito! Sabihin mo, Marvin, ikaw ba ang may pakana ng mga ito?!" Sumasabog na aniko.

"Ha-ha-ha. Martin, Martin, hindi ka pa rin magbabago." Tinabing niya ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya saka pinunasan ang takas na dugo sa kaniyang pumutok na labi. "Bakit ako kaagad ang pinagsususpetsiyahan mo? Ano ang motibo ko? Hmmm?" Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero naasar ako! I grabbed his collar again.

"Nasa'yo na lahat ng motibong p'wedeng maging motibo, Marvin." Binaril ko siya ng mga nakamamatay ng tingin na kaniyang pinantayan. "You ever wanted an attention towards my father at magagawa lang ni dad na mabigyan ka ng atensiyon if my mom is already dead..."

"Oh, I remember that scenario where your mother told me na hinding-hindi ko makukuha ang atensiyon ng asawa niya hanggat hindi pa siya namamatay at hinding-hindi ako kikilalanin na isang Chavez hanggat humihinga siya? I clearly remember those words," he smiled at me. "But did you know what I told her after that? I told her that I feel ashamed to be born with your disgraceful family!" Asik niya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.

"Don't mock my family!" I punched him again and this time ay natumba siya sa lupa kaya hindi ko pinalagpas ang pagkakataon at sinapak siyang muli habang nakadagan ako sa ibabaw ng tiyan niya.

"And bakit ko naman papatayin ang mag-asawang dela Cuesta kung sabi mo ay ang gusto ko lang ay ang atensiyon ng tatay mo?" He split some saliva with blood saka napangisi.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon