#TKOS- DESISYON
SA ISANG mataas at ekspensibong gusali ako dinala ng location tracker ng telepono ko. So this is Bonifacio Global City, huh? Isinisagaw ng lugar na ito ang disensyong mala New York City style base sa mga magazine na nakikita ko, dahil hindi pa ako nakapupunta roon. "Manong, ito na po bayad ko." Aniko saka bumaba na sa sasakyan at saka ko i-n-scan ang palagapag ng gusaling nasa aking harapan, mula sa pinakababa nito hanggang sa pinakataas. "If Martin will be my man...mararanasan ko ring tumira sa ganitong lugar? Makapupunta rin kaya ako sa ibang bansa?" Napangiti ako sa aking naisip bago ko muling tinawagan ang numero ni Nanay.
["Nasaan ka na, anak?"] Tanong niya sa kabilang linya.
"Narito na ako sa ibaba ng gusali Nay. Papasok na ako." Pagsagot ko sa kaniya at hindi na ako nagaksaya pa ng panahon upang tahakin ang pintuan ng gusaling ito.
Nang makapasok ako sa loob ay bumungad sa akin ang naglalakihang mala-diyamanteng chandeliers at ang mga taong isinisagaw ng kanilang mga kasuotan ang kanilang antas sa buhay. "Wow!" Tanging naibulalas ko saka magtutuloy na sana sa paglalakad nang bigla akong tinawag ng lobbyist.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Magaling na tanong nito. Para akong superior niya...ganito pala ang nararamdaman ni Alira kapag nag-b-bow lahat ng tao sa kaniya. Namuhay siya bilang mayaman...at kukunin ko 'yun sa kaniya!
"Ah, I am here to visit my mother." Maarteng aniko. Umaaktong anak mayaman, buti na lang hindi pang jologs ang suot ko ngayon.
"What is the room number of your mother ma'am?" Muli niyang usisa na ikinatanga ko. Oo nga, anong room number ni Nanay?
"Actually, I don't know. But is there any resident who's name is Priscilla Fuentes?" Tanong ko rito.
She just smiled at me as she said, "Wait for a moment, ma'am, I'll just check the names of our residents."
"Sure no problem." Aniko in a maarteng way. Bakit ba, I feel like I am rich...minsan lang magpanggap na mayaman, itotodo ko na.
"Ah, she's at room no. 4523, ma'am. Use the left elevator and press the fifth floor, as you reach the fifth floor please walk on the left wing and the room from the last is the room of your mother." Mahabang aniya na hindi ko naintindihan dahil ang bilis niyang mag-Ingles.
"Alright thank you." Pagpapaalam ko saka nagtungo sa left elevator. Ang sabi Niya ay sa ikalimang palapag kaya iyon ang pinindot ko. Ilang minutos din ang lumipas bago ako nakarating sa ika-limang palapag. Nang andito na ako ay may bumungad ngang dalawang daanan, sa kaliwa at kanan. "Sabi niya ay left wing so it means dito." Parang tanga nanitinuro ko pa ang left side bagonnagsimulang maglakad. At mula sa dulong pinto ay binilang ko ang mga rooms hanggang sa natapatan ko na ang room no. 4523. Mabilis kong pinindot ang doorbell nito at waka pang sampung segundo nang bumungad sa akin si Nanay na kaagad yumakap sa akin.
"Anak!" Anito habang umiiyak.
"Okay ka lang ba, Nay? Wala bang masakit sa'yo?" Tanong ko rito pero imbis na sagutin ako ay hinila niya ako papasok sa loob.
"Maayos ako anak, wala ako sa piligro." Pagsagot niya pero hindi ko siya napagtuunan ng pansin dahil feeling ko ay nailuwa ko na ang aking mga mata nang makita kung gaanon kalaki at kagara ang loob ng kwartong ito.
BINABASA MO ANG
The Kiss Of Sunset
RomanceA perfect picture family. That's how to described Alira Kassandra dela Cuesta-Chavez's life. All of them were living a happy, peaceful, and contented life. But life wasn't just created for nonstop happiness because, in one blink of their eye, the wo...