#TKOS-PAGSISINUNGALING
BUTI na lamang ay wala pa rito sa airport si Martin kaya nakapaghanda ako. "Yeoboseyo, yeobo? Eodiseyo?" (Hello, honey? Nasaan ka na?) Tanong ko gamit ang wikang Hangul habang lumilingon-lingon ako sa paligid ng airport upang makita siya habang hila-hila ang props kong bagahe. Nakadantay rin sa aking braso ang makapal kong coat na pang winter season habang nakaipit naman sa kamay ko ang forged airplane ticket and passport ko na pinagawa pa ni Dan sa mga mangogoyo ng mga papeles.
"Naega yeogiiss-eo..." (I'm here) Biglang napataas ang aking balikat dahil sa gulat nang bigla siyang bumulong sa aking tainga mula sa aking likuran.
Hinarap ko siya saka hinampas sa kaniyang balikat. "Yah! Jinja aist! Juggo sipni?! Ginulat mo ako roon ha!" (Do you want to die?) Asik ko saka siya niyakap ng napakahigpit. "I miss you, honey!" Turan ko na siya lang totoo sa bawat ginagawa ko ngayon.
"I miss you too! Mukhang sanay na sanay ka ng magsalita ng Hangul ah?" Usisa niya saka mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin habang nakasiksik sa aking leeg ang kaniyang ulo.
Ako na ang naunang kumalas sa aming pagyayakapan bago ko sinabing, "Geureomyeon! Puro ba naman Korean ang kausap ko araw-araw, eh talagang mahahasa ako noh!" (Of course) Litanya ko habang hindi makatitig sa kaniyang mga mata. "How's our baby?" Tanong ko upang mapalitan ang topic namin dahil baka madulas ang dila ko at masabi kong hindi talaga ako naglagi sa SoKor ay mahirap na, masisira ang mga plano ko.
"She's doing great, honey, her doctor said that any minute or anytime now ay magigising na siyang muli." Pangiimporma niya sa akin na ikinatango-tango ko.
I know...
Alam kong bumubuti na ang lagay ng anak namin. Nanggaling ako roon sa ospital kagabi at binantayan ko silang mag-ama habang payapang natutulog. Mukhang pagod na pagod nga si Martin sa kaniyang pag-aaral dahil tulog mantika siya kagabi.
"Eh, ikaw, Honey, kamusta ka?" Malambing na tanong ko saka siya niyakap mula sa kaniyang tagiliran kaya inakbayan niya ako habang patuloy pa rin kami sa paglalakad palabas ng airport.
I missed him so much!
"I'm great and still handsome!" Pagsagot niya sa akin na ikinailing-iling ko na lamang habang nangingiti. Wooh! Napakahinhin talaga kahit kailan! "Let's go?" Dagdag na tanong niya na ikinatango ko na lamang saka kami sabay na naglakad. Hindi niya napansin at naramdaman na nagsisinungaling ako. That's good!
Habang naglalakad kami ay kinuha ni Martin ang props kong bagahe upang siya na ang humila nito.
"Siya nga pala, may maganda akong balita sa'yo!" Natutuwang aniya kaya nilingon ko siya't pinakatitigan sa kaniyang mga mata.
"Ano 'yun?" I smiled sweetly, teasing him.
"I'll tell you later. For now, kumain muna tayo sa labas! I miss those days when we're having so many dates in and out of town!" He pouted kaya napahagikgik ako.
"Yah, hindi mo bagay magpout, stop it!" Pangaasar ko sa kaniya na mas lalong ikinanguso ng kaniyang labi. Dahil natatawa ako sa itsura niya at gusto ko na siyang tumigil ay ginawaran ko siya ng agaw na halik saka ako patakbong nagtungo sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
The Kiss Of Sunset
RomanceA perfect picture family. That's how to described Alira Kassandra dela Cuesta-Chavez's life. All of them were living a happy, peaceful, and contented life. But life wasn't just created for nonstop happiness because, in one blink of their eye, the wo...