TKOS- C H A P T E R 19

82 66 0
                                    

#TKOS-MEET MARIAN SOLIEL

"I'M sorry I didn't answer your calls for a whole day, Honey." I really felt sorry for him dahil hindi ko na sila napagtutuunan ng pansin ni Allizale. Kamusta na kaya ang anak ko? Kamusta na si Martin? I'm useless!

"It's alright, Honey." Isang ngiting napakatamis ang ibinungad niya sa akin pero tila mayroong sinasabi ang mga mata niya.

He's my husband for five years and he's been my boyfriend for five years too...my instinct was telling me that he has done something...

"Honey?" Pagtawag niya sa akin kaya muli akong nagbalik sa reyalidad.

"Ah-y-yes, Honey?" Pilit na ngiti ang isinukli ko sa kaniyang pagtawag.

"Are you tired? You look like a paper. Nagpapahinga ka ba ng maayos?" Nag-aalalang tanong niya na nagpaantig ng puso ko.

Ang sarap ng feeling na may nag-aalaga at nag-aalala sa'kin sa mga panahong ganito...sa panahong mag-isa akong lumalaban para sa kanila dahil hindi ko na kakayanin pa kapag isa sa kanila ni Allizale ang mawawala pa.

"I'm just exhausted, Honey, napagod ako kahapon sa pag-aayos ng libing ng parents natin." Pagsisinungaling ko.

"Sorry kasi wala ako sa tabi mo ngayon. I know you need a bigger and warmth hug. I'm sorry, honey." Mangiyak-ngiyak at nalulungkot na wika niya na ikinangiti ko.

"It's okay. Siyempre binabantayan mo ang anak natin, ano ka ba, Allizale's safety should be our most priority now. Kamusta na pala siya?" I sat on my bed para hindi niya makita at mabasa sa mga mata ko na nagsisinungaling ako.

"Her doctors told me that she's healing. Oras na lang ang makapagsasabi kung kailan siya magigising. She's fighting, honey, our princess is bravely fighting to live for us!" Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha kaya biglang namuo ang maalat-alat na likido sa aking mga mata.

I know...

Alam ko na bumubuti na ang lagay niya dahil patago ko siyang binibisita tuwing madaling araw. Kanina I saw her finger moves when I told her everything that I was doing for her and for Martin...I-I'm so happy!

"That's good to hear!" Pinunasan ko ang mga tulong luha sa aking pisngi saka ngumiti. "Then I'll see you and Allizale tomorrow, huh?"

"Of course! You know, I'm dying every seconds for not seeing you, honey! I'm excited to see you tomorrow!" Pag-iinarte niya na ikinatawa ko.

"Then you supposedly dead right now?" Banat ko pabalik sa kaniya.

"Yes, I'm definitely dead...deadly in love with you, Honey!" Pabalik na banat niya na ikinasigla ng mga paru-paro sa tiyan ko! Sh*t iba talaga ang epekto ng banat ng taong mahal na mahal mo!

"Naks naman! Paghahandaan ko ang pick up line ko para sa'yo for now I want to say, I love you, Honey!" I gave him a virtual kiss on camera na sinagot din niya ng halik.

"I love you more, Mrs. Alira Kassandra dela Cuesta-Chavez!" He's blushing na mas lalong magpalakas ng appeal niya!

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon